CHAPTER 12: I DID

Start from the beginning
                                    

Yup, he just moved and I know it also surprised the others.

“Hindi ba ako welcome dito?” tanong ni Niko sa pabirong paraan.

Megan shook her head. “Hindi naman sa ganoon Nikon, it’s just that it surprised us. Nasanay kasi kami na kasama si Trench so pasensya na.”

“It’s fine,” cool na sagot ni Nikon. “You’ll get to know me more and eventually, you’ll get used to my presence. Let’s eat?”

KL cleared his throat bago nagsimulang kumain. Hindi naman niya kaaway si Nikon dahil nakakasama niya ito sa underground fights niya kaya kaswal lamang sila sa isa-t-isa. Hindi pa rin magawang mag-angat ni Coco at tahimik lamang na kumain. Tanging si Nikon lamang ang tila cool lang sa nangyayari sa paligid.

Nang biglang mabilaukan si Coco ay agad na kumuha ng tubog si AndE at iniabot iyon sa kanya.

Napangiti si Nikon at tumayo upang tingnan ang kabuoan ni AndE. He looked so amazed as he lifted some tiny compartments at hinawakan pa ang ilang bahagi ng katawan nito. “Whoah, is this the android that you’re talking about at the car? This isn’t junk! It’s awesome.”

Naiinis na napangiwi ako. How dare him reminds us how Triangle called AndE junk!

“Kumain ka na Nikon,” wika ko sa kanya. He just smiled at muling naupo upang magpatuloy sa pagkain. Mayamaya ay biglang bumukas ang pinto at pumasok roon si Tatsulok.

“Good evening Triangle,” masiglang bati ni ANdE ngunit tinapunan lamang siya ng huli ng masamang tingin. Poor gynoid. She had no idea how Triangle called her junk at mas mabuti na rin sigurong hindi niya malaman.

“Hindi pa ba kayo tapos?” tanong niya. Itinaas ko ang isang kilay at tiningnan siya.

“Hindi ba obvious?” I replied.

Megan gently elbowed me. Alam kong ayaw niya ng gulo kaya kanina pa siya umaaktong tila mediator. Inilapag niya ang kanyang kubyertos at nilingon si Tatsulok.

“Ikaw? Kumain ka na ba? Why don’t you join us?”

Umiling si Tatsulok. “I’m full. Bilisan ninyo diyan at pumunta kayo sa hall. The marshals are waiting there.”

Nakuha niya ang atensyon naming lahat dahil sa sinabi niya.

“Bakit? Anong meron?” Coco asked, wrinkling his forehead.

Mukhang ayaw sagutin ni Tatsulok ang tanong pero nang makitang nakaabang kaming lahat sa sagot niya ay wala siyang ibang choice.

"Special Voting."

I raised a brow. "Special voting?" Eh? Eleksyon ba?

"Special voting for the release of Elpidio Moran," simpleng sagot ni Tatsulok. Walang kahit anong emosyon ang mababakas sa mukha niya.

Bigla akong napatayo mula sa kinauupuan. My chair made a harsh sudden sound.

"Ano?!" Tama ba ang narinig ko?! Puto, did I really hear the name Elpidio Moran along with the word release?!

"You all heard me right kaya bilisan niyo na," sagot ni Tatsulok at tumalikod upang umalis. Maging ang ibang kasama ko sa mesa ay hindi pa halos mai-digest ang sinabi ni Tatsulok. Wala na akong ganang magpatuloy sa pagkain kaya agad akong umalis doon at hinabol si Triangle. Naabutan ko siya sa sala.

"Triangle!" Tila umuosok ang buong katawan ko dahil sa narinig kong sinabi niya kanina. He stopped walking but he didn't look back. Mas binilisan ko pa ang hakbang hanggang sa makalapit ako sa kanya. I grabbed his arm and made him face me. "What was that?!"

RUN AS FAST AS YOU CAN (Completed)Where stories live. Discover now