10 TIPS

629 29 43
                                    

Tip #1. Huwag magpadala sa awa.

• huwag kang maawa sa kanya o sa sarili mo. Kasi the more na naaawa ka sa kanya, the more na babalik ang pagmamahal mo.

Tip #2. Never ask yourself "paano kung.."

• Never doubt. Panindigan mo na. Sa una masakit talaga, pero lilipas din yan. Maraming nasasaktan sa salitang "paano kung.."

ex. Paano kung mahal niya talaga ako? Paano kung hindi talaga siya manloloko?

Tip #3. Don't read his/her text messages.

• Masasaktan ka lang. maaawa ka lang. manghihinayang ka lang. huwag ka nang magreply. or better magpalit ka ng sim card. Try niyo Red Mobile. Konti lang may ganun. (pero naka-TM ako)

Tip #4. Burahin siya sa FB, Instagram, twitter o Friendster (kung may ganun pa)

• kahit anong komunikasyon. Wag kang mag-alala kung sabihan kang bitter, bakit? kapag ba sinabihan kang bitter magiging kayo uli? ikayayaman mo ba? ok lang yun! burahin mo na siya. huwag na huwag papasok sa utak mo ang salitang "Kasi naman" at "Sayang, ano ba yan!"

Tip #5. Burahin lahat ng picture niya sa Facebook, sa cellphone, psp, tablet.

• Punitin at itapon ang picture niya na nasa wallet mo. Burahin mo na pati mga sinave mong text niya (gawain ko) Bawal manghinayang ok! Kung gusto makamove on, gawin ito ng taos sa puso, sa isip, sa salita at sa gawa.

Tip #6. Huwag padala sa sweet words.

• kapag pinatulan mo, tignan mo, wasak ka!

Tip #7. Huwag maniwala sa puso. Maniwala lamang sa isip.

• sa ganitong sitwasyon, hayaan mo munang manaig ang ISIP kaysa sa PUSO. Dahil ang utak, tinuturuan kang maging matapang ngunit ang puso tinuturuan kang sumuko, maawa at magmahal. "Ang Isip at Ang Puso" Bow.

Tip #8. Makinig sa mga sinasabi ng iba pero mas makinig ka muna sa sinasabi ng puso't isip mo.

• huwag ka padadala agad sa mga sinasabi ng iba. Sa mga sinasabi nila tungkol sa inyo. Sarili mo lang ang makakatulong sayo upang tuluyan mo siyang makalimutan.

Tip #9. Aliwin ang sarili.

• ituon ang sarili sa ibang bagay para makalimot. Magbasa ng mga sikat na novel books, like Fault in our Stars, Divergent. Mag-movie marathon, bumili sa CDRking ng kahit ano (for sure, mahaba habang hintayan ang mangyayari). Pumunta sa Mang Inasal at umorder ng PM2. Basta aliwin mo ang sarili mo.

Tip #10. Matuto. Magpahinga. Mag-isip. Magmahal muli.

• Moving on isn't about never looking back, it's about taking a glance at the past and seeing how much you've grow. :)

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Tips for Moving onTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon