Beautiful Tragic

273 14 7
                                    

Play Sad Beautiful Tragic by Taylor Swift.

"Felicity huwag mo muna akong iwan ha."

Kausap ko ngayon ang girlfriend ko na isang buwan na dito sa ospital dahil sa sakit niyang leukemia. Patuloy pa rin siyang ginagamot kahit alam kong nahihirapan na ang katawan niya. Sinabi din ng doctor na hindi na siya magtatagal at merun na lang siyang isang buwan na natitira para mabuhay.

Bakit ba ang dali lang sa kanila ang sabihin na hanggang diyan na lang ang buhay niya? Hindi sila Diyos para malaman nila kung hanggang saan lang ang buhay ng isang tao.

Hindi porket doktor sila ay alam na nila ang lahat. Kaya wala silang karapatan na sabihin na isang araw, buwan o taon na lang ipapanatali ng mahal ko dito sa mundo.

Gusto ko silang pagsusuntukin sa mukha pero nung nakita ko ang malungkot at nanghihina mong mukha. Hindi ko na magawa. Agad akong nagsisi sa balak kong gawin.

Agad akong humingi ng tawad sayo dahil sa inasal ko. Hindi ko naman sinasadya 'yun Felicity. Mahal lang talaga kita at hindi ko kayang marinig ang mga pinagsasabi nila.

"Felicity pasensya na. Hindi ko sinasadya." Sincere ako Felicity kaya heto ako derecho kung tumingin sa mga mata mo para malaman mong nagsasabi ako ng totoo.

Hinawakan mo ang kamay ko at hinimas himas ito saka ka tumingin sakin na nakangiti.

Pero bakit ganun Felicity? Kung dati sa tuwing ngumingiti ka ay sumasaya agad ako. Parang nabuo agad ang araw ko. Pero ngayon, bakit nasasaktan ako sa bawat pagngiti mo? 'Yang ngiting yan na dati ay nagbibigay ng kulay sa aking mundo ay ngayon ang nagiging dahilan din ng unti-unting pagkawala ng buhay ko. Ang sakit lang talaga na makita kang ganyan Seti.

Ang dating masayahin, maingay at makulit na babae ay ngayon ay nakaratay na sa higaan at sinasaksakan ng kung ano-anong makina.

"Kyle", mahinang tawag mo sakin.

"Ano 'yun Seti. May sasabihin ka. May gusto ka. Sige sabihin mo lang at ibibigay ko 'yun sayo." Sinubukan kong magtunog at mukhang masaya sa harap mo Seti pero hindi ko pala kayang dayaain ang sarili ko. Kaya heto, malungkot kitang pinagmamasdan habang hinahawi ang buhok na tumatakip sa mukha mo.

"Gusto kong dalhin mo ako sa tabing dagat Kyle."

"Felicity saka na kapag gumaling ka na, ha. Kaya magpagaling ka na para magawa na natin ulit ang mga bagay na gusto nating gawin." Pangungumbinsi ko sayo para lumaban ka pa sa sakit mo.

Umiling ka lang at nakita ko ang pagpatak ng luha sa mata mo. Seti, parang awa mo na kahit para man lang sakin. Subukan mo namang lumaban. Takte! Seti. Ang sakit!

"Sige na Kyle. Gusto kong makita ang paglubog ng araw ngayon."

"Felicity---."

Hindi ko magawang tapusin ang sasabihin ko dahil sa pagmamakaawang ginagawa mo. Hindi ko na makayaan na makita ka pang mas nalulungkot kaya tumango na lang ako at siya namang ikinangiti mo.

Alam kong mali pero itinakas pa rin kita sa ospital at heto na tayo ngayon sa tabing dagat. Pinagmamasdan mo ngayon ang bawat galaw ng alon. Ipinatong mo ang ulo mo sa balikat ko habang ako naman ay nakatitig lang sa mukha mo na maputla.

"Kyle", tawag mo sakin.

"Mmmmmn?"

"Salamat", sambi mo Seti. Gusto kong sabihin na hindi libre tong lahat ng ginagawa ko para sayo Seti. Gusto ko sanang may kabayaran lahat ng 'yun at 'yun ay ikaw. Ang manatiling buhay sa piling ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 04, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Beautiful Tragic (One Shot)Where stories live. Discover now