"Alexis, nasaan ka na ba?" panghihina ko sabay subsob ko sa manobela. Ilang saglit lang ay nag ring ang phone ko. Nabuhayan ako nang makita kung sino.

*Hany Calling*

Agad kong sinagot ang tawag niya.

"Hany!! Where are you??" agad na tanong ko.

["No Zem, It's me, Sandra."]

"Huh? S-sandra? Bakit na sayo ang phone ni Alexis?" pagtataka ko.

["Nandito siya sa Resort ko. Puntahan mo siya dito. Wala siya sa kondisyon. At kailangan nating mag-usap."]

Agad ko nang ini-off ang Phone ko at nagmadali sa pagmaneho papunta sa Resort ni Sandra.

Pagdating ko...

"Nasa'n si Alexis?" agad na tanong ko nang makita ko si Sandra.

*Pak!

Isang sampal ang sinagot niya sa akin. Napatingin ako sa kanya na may pagtataka.

"Bakit mo----"

"You Promised me not to hurt her!! But what happening right now?? Nasa Seaside siya, Umiinom!! Naglalasing siya dahil sinaktan mo siya!! Hindi ko man makita pero alam kong umiiyak siya ngayon!! Zem! for the second time around! She was hurt!! Anong ginawa mo??!" galit na galit niyang sigaw.

"Look Sandra, hindi ko sinasadya!.Nabigla lang ako sa pangyayari. So that's why i'm here to say sorry to her." mahinahon kong sabi.

"Sa kondisyon niya ngayon,  malabong mapapatawad ka niya! Kilalang-kilala ko si Alexis, masyado siyang sensitibo. Hindi siya madaling magpatawad. See us? 3 years na ang nakalipas but until now, hindi pa namin natatanggap ang kapatawaran niya! THAT WAS ALL BECAUSE OF YOU,ZEM!"

Napayuko ako sa mga sinasabi niya. Ayaw kong marinig ang mga susunod pa niyang sasabihin pero huli na ang lahat.

"Sinakripisyo ko ang pagkakaibigan namin para tulungan ka! Nakipag sabwatan ako sa plano mo para lang makuha mo siya! Trinaydor ko ang Bestfriend ko dahil sa paniniwala kong mas kaya mo siyang protektahan at alagaan keysa sa akin!!---"

"Tama nah! Tama na Sandra! Nakinabang ka rin naman,diba?? Nakuha mo rin naman si Drake di ba? Wag na wag mo akong sisisihin dahil talagang minahal ko si Alexis!  you knew about that! Nagkaroon lang kami ng di pagkaka-unawan kaya umabot sa ganitong point ang sitwasyon namin!"

Napatigil na siya at medyo uminahon na.

Hindi ko na kasi siya kaya pang pakinggan. Ayoko nang ibalik ang nakaraan. Ang mga kasakiman na nagawa ko noon, matagal ko nang binura  sa ala-ala ko ngayon.

"Puntahan mo siya sa Seaside. Suyuin mo siya kung magagawa mo pa."

Tumalikod na ako para puntahan si Alexis. Pero bago pa man ako makalakad ay may binanggit muna siya.

"Alam mo bang hanggang ngayon, siya pa rin ang nilalaman ng puso ni Drake?"

Hindi ko na siya pinakinggan, lumakad na ako papunta sa Seaside. Pagkarating ko ay nadatnan ko siyang naka-upo sa buhangin kaharap ang umaalong dagat. Lalapitan ko na sana siya pero natigilan ako nang may lumapit sa kanya.

Napa form into fist ang kamay ko.

Tsk! Naunahan na naman niya ako.

Kinaka-usap siya ni Drake pero hindi niya toh pinapansin. Hanggang sa tumayo na siya at tinalikuran si Drake. Napansin kong pa gewang-gewang siya sa paglalakad. Halatang lasing na siya. Sinubukan siyang habulin ni Drake pero bigla na lang---

"Shi*t!!"

Agad akong napatakbo ng mabilis.

"GET OFF YOUR HAND TO HER!!" sigaw ko sabay tabing ng malakas sa kamay ni Drake na hahawakan sana si Aexis.

"Z-zem?" gulat na banggit niya.

Hindi ko siya pinansin. Ang mahalaga ngayon ay si Alexis.

"Alexis! Hany?!" natataranta ko habang sinasampal ng mahina ang pisngi niya.

Nahimatay siya dahil sa kalasingan.

"I think you should bring her to her room---"

"Shut up!! I know what to do!" sigaw ko then agad kong kinarga si ALexis.

"What happened to her? Is she ok?" biglang dating ni Sandra na nag-aalala.

I just ignore her,too. Dumiretso ako ng lakad habang karga-karga si ALexis pero bago tuluyang makalayo ay huminto muna ako.

"Wag na wag mo nang lalapitan si Alexis. That's a warning, Drake." seryoso kong pagbabanta. Atsaka tuluyang pumasok sa Rest house.

Di ko hahayaang agawin niya na naman ulit sa akin si Alexis.

Dinala ko na siya sa Room na pina reserve niya. I put her down on to bed at binihisan siya. She was too drunk. Atsaka, walang malisya sa amin kahit hubaran ko pa siya.

Pagkatapos ko siyang bihisan ay naghanda ako ng maligamgam na tubig at bimpo para punasan siya. Napansin ko ang sugat sa kamay niya. Kaya ginamot ko toh agad.

Habang ginagamot ko siya ay pinagmasdan ko ang maamo niyang mukha.

*Sigh

From her eyes, nose, lips. From her attiude. All of her. Lahat yan minahal ko.

I really love her.

I can't bear to lose her again.

I really really love her.

Habang pinagmamasdan ko siya ay muli na namang bumalik sa ala-ala ko ang mga nakaraan namin.



End of warning #5


WARNING! Don't Touch my Boyfriend ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz