"Hey cellphone, mukhang naging makalimutin ang may-ari mo. Nakalimutan niya bang matagal na niya akong pinagnanasahan? Nabago nga kulay ng litrato ko sa salamin niya dahil sa kaka-kiss niya," sagot niya sa akin.

Nanggigigil ako sa galit na tumayo mula sa kinauupuan ko saka tinungo ang silid kung saan ko makikita ang multong walang modo.

"Hoy multo! Kung inaakala mong makukumbinsi mo akong tulongan ka sa pamamagitan ng pang-aasar mo, pwes wala kang mapapala," namaywang kong saad, "ikaw na nga itong may kailangan sa akin, ikaw pa 'tong malakas mang-asar."

"Makinig ka kasi para hindi na kita aasarin," may halong panlalambing na saad niya.

"Hindi mo ako mapipilit! Buo na ang desisyon ko," naghalukipkip ako saka sinabing, "hindi kita tutulongan kaya maghanap ka na ng ibang babaeng maloloko mo!"

"Yumi," sumunod siya sa akin, "Eris, maawa ka. Asawa ko!"

"Tse! Huwag mo akong matawag-tawag na asawa dahil hindi mo ako asawa!" gitil niyang saad.

"Nakalimutan mo bang nagpakasal tayo online?" sagot ko.

"Seriously? Pinanghahawakan mo 'yung online wedding na pinagkakatuwaan lang nating gawin?" natatawa kong saad, "well wake-up Mr. Vanhallen. Iba ang virtual reality sa realidad ng tunay na buhay saka pwede ba? Isa lang akong karaniwang babae, hindi ako ang makakatulong sa'yo."

"Yumi," bigla siyang sumeryoso, "this is not something that I can just entrust to anyone."

"Wow! So ano? Dahil online girlfriend mo ako, you think I can be trusted?" agad kong sagot.

"Makinig ka," batid ko ang takot sa mga mata niya, "maaaring nasa panganib din ang buhay mo. Baka nga ikaw ang babaeng hinahanap ng mga nagshoshoot-out sa unibersidad niyo."

"Xavier ha! Hindi na yan nakakatuwa," agad akong nakaramdam ng takot.

"Hindi ako nagbibiro, Yumi. Trust me," saad niya, "Kailangan mong i-kontak si V-"

"Yumi?" biglang pumasok ang tiyahin ko, "okay ka lang ba?"

"O-okay naman po," sagot ko, "bakit po?"

"Gusto mo ba ng makakausap?" pansin ko ang kakaibang pakikitungo ng tiyahin ko sa akin kaya nagtaka ako.

"Tiyang, may problema ba?" tanong ko.

"W-wala," lumapit siya sa akin saka ako pinaupo sa kama, "alam kong bungangera ako, pero nag-alala ako sa'yo. Mula kasi noong may nangyaring shoot-out, napansin ko na may kakaibang nangyayari sa'yo."

"Okay naman po ako," saad ko, "wala namang nabago."

"Tatapatin na kita ha," halatang kinakabahan si tiyang, "naisip ko kasi na baka nakaapekto sa pag-iisip mo ang nangyaring shoot-out. Ilang beses na kasi kitang napansing nagsasalita mag-isa."

_____________________

AN: Ayan na! Itutuloy ko na ulit ang pagsulat nitong kwentong ito.  Pasensya sa matagal na paghihintay.  Warning nga lang, tinatapos ko rin ang "Flirtationship" kaya madalang ang update ko dito.  Anyway, iniimbitahan ko kayong basahin ang ibang completed works ko.  At sa mga hindi pa nakabili ng published book ko, "Sold to My Ex-Husband" sana bumili kayo.  Mas maayos at may mga dagdag na details ang published book na wala sa wattpad version nito.  Mabibili siya sa mga bookstores pero kung wala ito sa lugar niyo, pwede niyo rin siyang bilhin sa shopee account ng PSICOM.  P175 lang ang book, sana makabili kayo :)


photo credits: Maria Carla Diñozo 

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

photo credits: Maria Carla Diñozo 


Maraming salamat din sa mga umorder at bumili ng self-published book na Dirty Secrets. Sa mga hindi nakabili pero gustong humabol, pasensya na dahil minimum of 50 copies kasi ang kailangan para makapagpa-print.  Anyway, I'll try to open it for another batch pero baka hindi muna ngayon. Abangan niyo na lang ang announcement (baka isabay ko ang order nito sa self-publishing ng The Woman He Broke)

 Abangan niyo na lang ang announcement (baka isabay ko ang order nito sa self-publishing ng The Woman He Broke)

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

photo credits: Chris Tine

Status: In a Relationship with a GhostWhere stories live. Discover now