Sinubukan kong ipaliwanag kay Yumi ang lahat pero tila wala siya sa sarili nang kausapin ko. Marahil dahil nabigla siya sa lahat na pangyayari.
Sumunod ako kay Yumi patungong banyo pero wala akong balak pumasok. Baka bigla akong hilahin ng impyerno kapag gawin ko 'yun. Kailangan ko pang tapusin ang misyon ko kaya kahit natutukso akong silipan ang online girlfriend ko, pipilitin ko pa ring magpaka-goodboy.
Namulsa akong naghihintay sa labas ng banyo nang mapansin kong may tatlong lalaking nagmamadaling lumapit sa gilid. Nag-uunahan silang pumatong sa silya upang makasilip sa maliit na bintana ng banyo. Napakuyom ako sa nakita kaya agad kong tinawag si Yumi. Ngunit sinagot lang ako ng kanta ng malditang babae.
"Yumi! May naninilip sa'yo!" sinubukan ko ulit siyang pagsabihan.
"You watch bleeding blabloblo," patuloy niyang pagkanta ng wala sa tono kaya inis akong lumapit sa tatlong lalaki.
"Pare! Kanina ka pa 'dyan. Ako naman," saad nung isang nasa baba.
"Ssshh! Huwag kang maingay," saad nung isa, "lang'ya! Ang kinis."
Uminit ang ulo ko sa narinig kaya sa galit ko, tinulak ko ang lalaking nakapatong sa silya. Normally, nothing will happen when I do it pero nagulat ako nang tuluyang mahulog ang lalaking nakapatong sa silya.
"Bakit mo ako tinulak!" galit na saad nung nahulog.
"Sino 'yan!" galit na saad ni Yumi saka narinig ko ang paglabas niya ng banyo kaya agad na nagsitakbuhan ang mga lalaking naninilip.
"Loko ka!" galit na saad ni Yumi sa akin, "kunwari ka pang hindi pumasok sa banyo, 'yun pala, sinisilipan mo ako!"
Sasagot sana ako ngunit biglang lumapit ang tiyahin ni Yumi.
"Yumi! Anong ginagawa mo? Bakit ka lumabas ng banyo na may shampoo pa sa buhok?" tanong ng kanyang tiyahin.
"Wala tiyang," agad na napayuko si Yumi, "akala ko lang na may naninilip sa akin," pagpapatuloy niya saka ako inirapan.
*Yumi's POV*
Dineklarang wala unang pasok ang university dahil sa nangyaring shoot-out. Binigyan ng oras ang mga estudyante upang makapag-stress debriefing dahil marami daw ang na-trauma sa pangyayari. Nakakatuwa sana 'yun kung wala lang akong asungot na makakasama sa loob ng silid. Hindi kasi umaalis ang multong manyak sa tabi ko. Kailangan ko raw siyang tulongan pero dahil naiinis ako sa kanya, wala akong balak tulongan siya.
Nanonood ako ng palabas sa TV kahit hindi ko gusto ang pinapanood ko. Sinadya ko lang talagang gawin ito para hindi ko mapansin si Xavier. Ito lang ang pwede kong gawin dahil hindi niya kayang galawin ang TV kasi kung gagawin niya 'yun, tiyak na magtataka ang ibang kasama kong nanonood ng palabas.
Matagumpay akong ngumiti nang makita ko siyang umakyat patungong ikalawang palapag ng boarding house, kung saan nandoon ang aking silid. Sa wakas ay nakawala din ako sa pangungulit niya ngunit biglang tumunog ang aking cellphone kaya agad ko itong binuksan.
"Dear cellphone, pakisabi sa may-ari mo na pansinin ako," mensaheng natanggap ko mula kay Eros, ang dummy account ni Xavier.
"Dear laptop, pakisabi sa multong nakikigamit sa'yo na lumagay na siya sa tahimik at nang maging normal ulit ang buhay ko," sagot ko sa mensahe niya.
"Dear cellphone, pakisabi sa may-ari mo na alam ko na kung bakit ayaw niya akong tulongan. Dahil gusto niyang manatili ako sa tabi niya kaya pinapatagal niya ang pagtulong sa akin," agad kong natanggap na sagot niya.
"Hoy laptop, pakisabi sa nakikigamit sa'yo na ang kapal ng apog niya! Nanahimik ako at walang problema noong wala siya," binalik kong mensahe sa kanya.
YOU ARE READING
Status: In a Relationship with a Ghost
FantasyMagugulantang ang buhay ni YUMI TANJUATCO nang magbalik ang kanyang online boyfriend at magpakita sa kanya. Isang taon matapos ang nangyaring pagkabaril ng kanyang online-never-been-seen boyfriend sa DUMMY WORLD ay nagbalik ito upang himingi sa kany...
Chapter 3
Start from the beginning
