Ulan init,init ulan
Taglamig ang panahon kung saan natin sinimulan
Ang malamig at uminit nating pagmamahalan...
Pasko...
Pasko,Ang araw ng kapanganakan ni kristo
Kung saan ang isat isay nagbibigayan ng regalo
Malaki man o maliit ito
Basta galing sa puso
Tatanggapin mo.
Umagang taglamig namamasko
Sa ninong at ninang ko
Yun din ang unang beses kang nakita ng mga mata ko
Napagtanto kung bakit tumibok ng mabilis ang puso.
Tumingin ka saakin
At akoy pawang hindi alam ang gagawin...
Papalapit ka at akoy tumakbo
Sa sobrang kaba ko.
Hapong taglamig naghahanda
Para sa pagdating ng bisita
Nagaayos mula paa hanggang muka
Upang hindi magmukang kahiyahiya
Isang oras nalng bisita'y darating na.
Gabing taglamig
Naradaman ang mga tinig
Tinig ng bisitang papasok sa aming lungga
At kung saan may tumawag saaking pangga.
Itinanong saakin "nakikilala mo pa ba ako?"
Ako riy napagtanto...
Ngunit ipinaliwanag mo
At doon ko naalala ang kamanhidan ng puso ko
Kung saan nasaktan ko ang tulad mo.
Sobra sobra akong nanghinayang,sobra ang pag sisisi ko...
Pero noong sinabi mong "Bago pa magpasko...inihanda ko na ang sarili ko...dahil muli na naman tayong magkikita mahal ko!"
Nakampante at natahimik ako.
Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko...
Kasi ang alam ko tinapos ko na
at para sayo wala na...
Dun ako nagkamali kasi para sayo ako'y mahal mo pa...
Yun ang gabing taglamig na di ko makakalimutan...
Kasabay ng mga mata mong tila bitwin kung tumingin saakin...
Pagkagising sa umaga
Hinahanaphanap ka,
Na tila ba'y nag aalalang mawala ka,
At muling maglaho ng parang bula...
Pero nakita kita...
Nakita ko ang malabitwin mong mata...
Tumingin ka saakin na parabang nagpapaalam ka na...
At yun na nga...
Wala ka na...nagpaalam ka na sa mundong kayganda..
Ako naman ang pinaasa
Akala ko magtatagal ka...
Akala ko masaya na...
Akala ko sabay tayong maglalaho ng parang bula...
Pero pangga asan ka na?
Asan na ang malabitwin mong mata?
Asan na ang tinig ng iyong tawa?
Asan na?
Sabi mo magsisimula muli tayo...
Sabi mo lilibutin natin ang mundo...
Sabi mo dadalhin mo pa ako sa simbahan at tayo'y magpapalitan ng oo
Yan ang mga katagang sinabi mo...
Tanong ko...bakit mo iniwan ang tulad ko?
Tulad kong gustong bumawi sayo...
Bawiin ang mga nagawa ko sayo
at mahalin ka muli ng may purong puso...
Pero paano?
Pano ko magagawa ang lahat ng iyon kung iniwan mo na ako?...
Iniwan mo akong mag isa sa malungkot kong mundo...
Ngayong wala ka na sa buhay ko...
Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula sa panibagong yugto
Pero nagdasal ako...
"Ama,
Alam kong masaya sya kasama ka,
Alam kong maydahilan ka
Kung bakit nya ako iniwan ng napaka aga
Kaya Ama...patuloy akong nagpapasalamat sa kakaunting oras na nakasama ko sya...kasi sa takdang panahon alam kong muli kaming magkikita...
Kaya Maraming Salamat ama..."
Pangga,
Magkikita rin tau sa tamang panahon ha!
Tandaan mo ikaw lang at wala ng iba.
KAMU SEDANG MEMBACA
MGA MALAYANG TULA PARA SAYO
PuisiSa mga naghahanap ng inspiration eto ay makakatulong ...mga simpleng tula pero ang hugot ay nakakatulala, yung tipong mapapaisip ka, relate ako dito ahh...Ang iba sa tulang aking ginawa makatotohanan, ang iba nama'y pumasok lang saking isipan. Maar...
