Chapter 4

206 12 60
                                    

Umaga na pero hindi ako nakatulog magdamag. Hindi ko kasi makalimutan iyong nangyari kagabi. Sa totoo lang, hanggang ngayon ay natatakot pa rin ako, hindi rin kasi nakauwi si Ate Tina kagabi.

Dito na nga lang ako sa salas buong gabi dahil hindi ko talaga kayang pumasok sa kuwarto namin. Feeling ko kasi kapag pumasok ako roon ay hindi na ako makakalabas pa! O.A siguro ako, pero ang pakiramdam ko kasi ay may kakaiba talaga sa bahay na ito e! Hindi ko lang maipaliwanag.

Mukhang may iba pa na nakatira dito sa bahay na ito bukod sa amin ni Ate. Ang ipinagtataka ko lang, bakit walang binabanggit sa akin si Ate? Mayroon siyang kakayahan na makakita ng mga nilalang na kakaiba. Kaya kung may multo man dito o anong nilalang man  iyon ay tiyak na nakita na niya. Sigurado akong sasabihin niya iyon sa akin. Wala akong kakayahang makakita ng mga multo o ano pa man ang tawag sa kanila pero malakas ang aking pakiramdam at alam kong mayroong kakaiba rito.

Hindi ko pa rin talaga maiwasan ang hindi matakot, kailangang lakasan ko ang loob ko. Buhay ako at kung may multo rito, hindi ako kailangang matakot sa kanya kasi multo na lang siya. Sabi nga nila, matakot ka na sa buhay 'wag sa patay.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko nang sa ganoon ay kumalma naman itong nararamdaman ko. Bwisit kasi! Ba't ba kailangan pang magparamdam sa akin?

                                           * * *

Nakakainis! Hindi ako makapag-focus sa ginagawa ko ngayon. Nakatatlong tasa na ako ng kape kanina at isang sting pero wa-effect pa rin. Kusang bumababa ang talukap ng aking mga mata, kung pwede ko lang tukuran ito ay ginawa ko na sana. Ilang beses na rin akong binato ng ballpen ni Juls, iyon ang paraan niya para gisingin ako.

"Tama pa ba ang ini-encode mo riyan?"

Biglang may nagsalita sa likuran ko kaya napaayos ako ng upo. Kahit hindi ako lumingon, alam na alam ko kung sino ang may ari ng boses na iyon.

Ikinurap-kurap ko ang aking mga mata. "Pasensya na, sir, medyo napuyat lang kagabi, hindi ko po tuloy napansin na nariyan pala kayo," sabi ko. Hindi ko alam kung tama bang iyon ang sabihin ko. Narinig ko na lang ang mahinang tawa ni Sir Chris na nakatayo pa rin sa aking likuran.

"Oo. Hindi mo ako napansin... papikit na kasi 'yang mga mata mo, eh! Huwag kasing magpupuyat para hindi ka antukin. Kunti na lang mukhang babagsak ka na riyan," sabi nya. Hindi naman siya mukhang galit, swerte ko pa rin dahil ang visor na ito ang ka-shift ko. Kung nataong iyong isang impakta, tiyak na niratrat na ako ng sermon. Feeling pa naman noon e siya ang may ari ng company.

"May nangyari lang kasi kagabi, sir... hindi tuloy ako nakatulog magdamag."

Tumawa si Sir Chris. "Pinuyat ka siguro ng jowa mo, ano?" tudyo niya. Kung pwede nga lang na dahil doon kaya napuyat ako, mainam pa iyon. Kaya lang hindi e. Pero dahil sa sinabi ni Sir, parang biglang nawala ang antok ko. Iyon pala ang mabisang pang tanggal ng antok!

Napangiti ako. "Grabe. Hindi naman, sir."

"Sige na. Tapusin mo na 'yan, last hour na baka hindi mo pa matapos iyan." Tatawa-tawa si Sir Chris nang lingunin ko, nakatalikod na siya sa akin at naglakad paalis sa area ko.

Napailing na lang ako. Kung wala lang siguro akong jowa, baka naging crush ko na itong visor ko kasi mabait na gwapo pa.

                                       * * *

Mula sa labas ng gate ay tanaw ko na ang nakabukas na ilaw sa loob ng bahay. Mabuti naman at nandito na si Ate Tina.

Pagpasok ko ay nabungaran ko si Ate na nanonood ng TV. Mabuti na lang at may kasama na ako ngayon. Sa wakas ay makakatulog na rin ako nang maayos ngayong gabi. Sana naman, wala nang magparamdam sa akin, pass muna, sa ibang araw na lang.

"Oh. Insan, bakit mukhang bangag na bangag ka, ah!" bungad ni Ate sa akin habang naglalakad ako palapit sa  sala. Kulang na lang kasi ay hilahin ko ang aking mga paa, pakiramdam ko ay parang ang bigat na at hirap na akong ihakbang.

"Oo, ate, bangag na bangag sa antok."

Tinawanan lang ako ng loka. "Bakit hindi ka ba natulog kagabi?" nakangiting tanong niya. Naku! Kung alam lang niya ang pinagdaanan ko noong nakaraang gabi. Ewan ko na lang.

"Hindi, e," tipid kong sagot. Makakatulog pa ba ako nang lagay na iyon?

"Bakit naman, insan? Katawagan mo na naman ata boyfriend mo, eh," sabi ni Ate habang nakangising-aso. Balak na naman yata akong asarin ng babaitang ito, kaya lang antok na talaga ako at wala ako sa mood makipag-asaran sa kanya.

"Hindi ka kasi umuwi kagabi kaya hindi tuloy ako nakatulog." Sabay simangot sa kanya, kasalanan niya! Baka kung umuwi siya nang maaga, wala sanang nagparamdam sa akin.

"Ganun? Bakit naman, insan, natatakot ka ba rito sa bahay?"

"Parang ganun na nga, ate... sige, te, sleep  na 'ko, hindi ko na talaga kaya, e." May mga gusto akong it anong kay ate pero pakiramdam ko parang nasa tabing dagat ako. Kunti na lang talaga, babagsak na ako. Ikaw ba naman ang gising nang halos dalawang araw.

"Hindi ka na ba kakain?" pahabol na tanong niya habang naglalakad ako papasok ng kwarto.

"Hindi na, ate, bukas na lang. Wala naman akong pasok."

"Sige. Bahala ka! Kaya ka payatot, e."

Hindi ko na pinakinggan ang iba pang litanya ni Ate Tina. Ibinalibag ko na lang sa sulok ng kuwarto ang aking bag at saka biglang nag-dive sa malambot na kama. Gusto kong matulog ng bente kwatro oras.

                                        ***

Bigla akong naalimpungatan nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw mula sa nakabukas na bintana. Kahit nakapikit pa ako'y parang nasisilaw pa rin ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog pero parang may nagrarambulan na sa aking sikmura. Tinatamad akong bumangon, alas-onse nang sipatin ko ang aking relong pambisig. Tanghali na pala.

Sunday ngayon kaya wala akong pasok sa trabaho. Matutulog na lang ulit ako mamaya, kailangan ko munang lagyan ng laman itong aking tiyan. Kawawa naman kasi ang mga alaga ko kung pati sila ay magugutom. Paglabas ko ng kwarto ay agad na akong natuloy sa kusina.

"Gising ka na pala." Pinagmasdan ako ni Ate habang palapit sa lamesa. "Hindi ka pa nagbibihis, kahapon pa iyang suot mo."

Saka ko lang din napansin na uniporme ng company pa rin pala ang suot ko.

Napailing si Ate Tina, hindi iyon nakaligtas sa aking paningin kahit naghihikab pa ako. "Kumain ka na riyan, may sinangag, hotdog at scrambled egg d'yan sa lamesa,"  sabi ni Ate.

"Ano 'yang niluluto mo?" Ang bango kasi ng amoy, mukhang masarap. Naalala ko tuloy iyong niluto kong adobo, para mapakinabangan ay binaon ko na lang kaninang umaga, nabusog pati ang mga katrabaho ko.

"Sinigang na baboy, insan... pang tanghalian na natin 'toh. Kakasalang ko lang nito kaya' yan na muna ang kainin mo." Nakz! Ang bait naman ni Ate, ito talaga ang masarap, iyong may kasama kang magaling at mahilig magluto.

Nagsandok na ako ng pagkain ko at nag-umpisang kumain. Habang kumakain ay naisip kong magpaalam kay ate tungkol sa birthday ni Florence.

"Ahmn, ate... magpapaalam sana ako sa'yo. Birthday kasi ni Florence 'yung kaibigan ko, baka pwedeng dito na lang kami mag-celebrate. Okay lang ba sa'yo, Ate Tina?"  tanong ko sa kanya bago kumagat ng hatdog.

"Kelan ba 'yon, insan?" nakataas ang kilay na tanong niya.

"Sa Friday night sana, ate, kasi wala raw kaming pasok nang tatlong araw... kaya after work sana, dito na kami tutuloy."

"Ah... sige ba. Okay lang, night shift naman ako noon, e. Dito na lang kayo para may kasama ka."

Agad naman akong natuwa dahil pumayag siya. Tuloy na ang party-party namin dito sa bahay. Tiyak na matutuwa ang mga kaibigan ko, at excited na rin akong ipaalam sa kanila na tuloy ang plano.

"'Wag lang kayong masyadong mag-iingay rito, ha! Baka magalit ang mga kapit bahay natin," aniya, lakas talagang maka-nanay ni Ate. Grabe sa bilin.

"Yes, ate, noted po!" sabay saludo sa kanya. Muntik pa akong batuhin ng sandok dahil sa inasta ko.

ITUTULOY...

BOARDING HOUSE (completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon