[Ziana]
"Sige na please!", pamimilit sa kaklase kong si Sheena.
"Ayoko nga! Ikaw tong may gusto kaya ikaw na magbigay. Wag mo akong gawing bridge aba", sabi ko sa kaniya at nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ng libro.
"Ziana naman eh! Sige na please! Ngayon lang din naman", sabi niya.
"Nako! Baka mag-assume yan na gusto ko siya. Mahirap na", sabi ko.
"Waaaah sige na pleasee!", sabi niya at talagang nakakapit na siya sa palda ko. Langya tong babaeng to. -__-
"Aish! Ang ingay mo! Bitaw nga! Pag mahubad talaga tong palda ko, sapak talaga ang maabot mo sakin", sabi ko pero ayaw niya pa ding bitawan.
"Sige na Ziana please! Pleaseee! Pleaseeeeee!", sabi niya at talagang nag pacute pa.
Tiningnan ko lang siya ng walang ekspresyon. Mukha siyang ewan tss.
Well, may crush kasi tong si Sheena sa kaklase namin named ICY. At ako mismo ang ginawa niyang bridge para ibigay tong LOVE LETTER sa crush niya.
"Utusin mo yang iba dyan o!", sabi ko nalang.
Hell no! Ayoko maging bridge. Lalo na yung pinaka-ayaw ko. Ang pagbibigay ng love letter sa taong hindi ko close.
Paano nalang kung ibibigay ko ang love letter niya sa crush niya, edi mag assume yang Icy na yan na nagkagusto AKO sa kaniya! Mahirap na. Tss.
"Uy dre. Ibigay mo nalang kaya yang love letter niya? Kawawa siya o. Kulang nalang na magwild siya, magiging guko na yan", sabi ni Jad. Ang lalaking bestfriend ko.
Tiningnan ko lang siya tas tumingin ako sa kay Sheena na ngayon ay nakapout lang sakin.
Guess I don't have any choice then.
"Fine", sabi ko sabay kuha sa love letter.
"YAAAY! Thank you Ziana!", pasasalamat ni Sheena sabay hug pa talaga sakin.
Sinamaan ko lang ng tingin si Jad pero nakangisi lang ito sakin.
"Wag niyo akong isali kapag may gulong mangyayari ah. Sasapakin ko talaga kayo with feelings!", sabi ko at tumalikod na.
Hinanap ko ang Icy na yun at ayun, nakita ko siya nakikipagkwentuhan sa kaniyang mga kumpare.
Tss. Bahala na to. I'm doing this for Sheena's happiness. Wala akong choice eh.
"Hoy Icy, LOVE LETTER from your secret admirer!", sabi ko sabay bigay sa kaniya yung letter ni Sheena.
"Ses, baka ikaw yung secret admirer ah?", sabi ng isa niyang kaibigan.
"Ayieeeeeeh!", at nag hiyawan ang lahat.
Takte. Kunin mo na to please.
Tiningnan niya lang kasi yung letter na parang wala lang. Tss.
"Ano pa tinunganga mo diyan? Kunin mo na! Nakakailang na yang tingin mo ah!", sabi ko na ikinangisi niya lang tas kinuha na ang letter.
Kukunin naman pala eh, may staring contest pa talagang pagaganapin. Tss.
Umupo na ako ulit sa upuan ko at nagpatuloy na sa pagbabasa.
"Ano na? Tinanggap niya? Binasa niya? Nagustuhan niya ba? Grabe! Blood, sweat and tears ko pinageefortan ang letter na yun", sabi ni Sheena.
"Ewan ko kung binasa niya. Agad na kasi akong umalis pagkatapos niyang kinuha ang letter na yun", walang gana kong sabi.
"Ay. Waaah! Sana tiningnan mo ang expression sa mukha niya kung nagustuhan niya ba o hindi! Aish!", sabi ni Sheena sabay hampas pa talaga sakin.
YOU ARE READING
Lovelife? Ano ba kasi yan? (Upcoming)
Teen Fiction"Lovelife? Wala pa yan sa vocabulary ko no!" -Ziana Fontanilla [Read it at your own risk]
