Chapter 1- Ang Simula

58.7K 903 170
                                    

Chapter 1

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang hitsura ng magandang mukha ni Nadielyn Mijares ng umagang iyon. Talagang isinusumpa niya ang araw na ito! Nakatitig siya sa salamin na nasa tokador at panay ang isip kung paano mapipigil ang nakatakdang maganap sa araw na iyon. Pinahid niya ang luhang naglandas sa kanyang makinis na pisngi.

"Nadie, hija ikakasal ang Mommy mo hindi ililibing. Tama na 'yang iyak mo at mabubura ang make-up mo. Sige ka, papanget ka niyan." pabirong puna ni Nana Menang, ang yaya niya.

"Bakit kasi kailangan pa niyang magpakasal? Pwede namang boyfriend na lang, ah? Feeling ko tuloy hindi niya talaga minahal si Papa

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit kasi kailangan pa niyang magpakasal? Pwede namang boyfriend na lang, ah? Feeling ko tuloy hindi niya talaga minahal si Papa."

"Ano ka ba? Huwag kang mag-isip ng ganiyan. Saksi ako sa pagmamahalan ng Mommy at Daddy mo. Intindihin mo na lang. Tutal naman, eh, bente uno anyos ka na. Malawak na dapat ang pang-unawa mo. Siguro kay Sir Vic lang talaga niya nakita ang muling makakapagpapasaya sa puso niya." tukoy nito sa soon-to-be step father niya.

"Wala pang halos tatlong taong namamatay si Dad magpapakasal na kaagad siya? Tapos a year ago lang niya naging boyfriend ang lalakeng 'yon at ngayon magpapakasal na? Tapos yaya gusto mong maintindihan ko? Paano na kapag nagkaanak na sila? Eh, di etsa-pwera na talaga ko? Saling pusa." hindi mapigilang himutok at litanya pa rin ng dalaga.

Talaga naman kasing nakakasama ng loob. Gumawa pa siya ng paraan para lang 'wag matuloy ang kasal pero useless din. Pinapili niya kasi ang ina. Siya o ang lalakeng sa tingin niya'y panggulo lamang sa relasiyon nilang mag-ina. Nagkasagutan lamang sila at nagkasamaan pa ng loob.

Sa huli ito pa rin ang nasunod. Itinuloy ng mga ito ang kasal at nakatakdang maganap iyon ngayong araw na ito. She hate it!

"Naku, eh, paano ba ito? Parang hindi pa kita maiiwan ngayong araw na ito, ah? Ganyang masama ang loob mo, eh, hindi rin ako mapapakali pag-uwi ko doon sa amin."

Mas lalo siyang napaiyak sa sinabi nito. Magreretiro na kasi ito bilang Yaya niya. Ito na ang nag-alaga sa kanya sapul pagkabata pa lang siya kaya naman malapit ang loob niya sa matanda. Itinuturing niya itong pangalawang magulang.

Kapwa kasi abala sa negosiyo ang mga magulang kaya humanap ang mga ito nang makakatuwang sa pagpapalaki sa kanya. Kadalasan pa nga kapag may mga meetings sa school ito ang umaattend para sa kanya.

Talaga namang doble-doble ang hinagpis na nararamdaman niya. Mawawalan na nga siya ng ina, mawawala pa rin ang yaya niya.

"Yaya 'wag ka na kasing umalis. Baka pwede mong ipagpaliban?" pakiusap niya.

"Eh, kung pwede nga lang ba. Kaso iyong anak kong binata nakaluwas na papunta rito. Baka pagkatapos ng kasal nandito na iyon para sunduin ako. Malayo pa ang pinanggalingan n'on, alangan namang hindi ako sumama 'di ba?"

"Pa'no 'yan, hindi na ba tayo magkikita? Paano na ko?"

"Ineng kailangan mo nang masanay na wala ako sa tabi mo. Panahon na para ibuka mo ang mga pakpak mo at lumipad nang mag-isa."

Babysitting The Runaway Señorita [Completed]Where stories live. Discover now