Tama na

28 2 0
                                        

Wag na..
Tama na...
Tama na yung paulit ulit ka ng umasa
Na yung puro ka nalang dusa
Dahil puso mo ay nadudurog kada luha

Tama na...
Tama na yung umiyak ka ng ilang buwan para sa kanya
Samantalang siya ay nag papakasaya
Yung tipong andami mong tinaya
Pero lahat ay nasayang

Tama na...
Kasi oras mo naman para sa iyong sarili
kasi puro lagi nalang siya ang iyong pinipili
Ngunit di ka naman niya binibigyang pansin o iniisip
Yung mga nararamdaman mong sakit at hapdi

Kaya tama na...

- Y. G.

Broken PoemsWhere stories live. Discover now