Prologue

128 7 2
                                        

-----


CARMINE VALENCIA


"Inaasahan ko na ipapasa ninyo lahat ng inyong mga ginawa sa Lunes!"

Pamamaalam na sambit ni Gng. Loistel sa aming lahat. Iniligpit at binuhat niya ang kaniyang gamit at umalis.


Nang siya'y nakaalis na, Lahat kami'y nagsi-tayuan na. Nag-ayos at nag-ligpit. Oras na ng uwian. TGIF.

"Carmine! Iyong report natin sa History huwag mong kakalimutan ah." Sambit ni Karylle na aming presidente rito sa aming silid-aralan.


Sumagot ako ng tango at nagsenyas ng 'okay'. Agaran akong lumabas sa aming silid-aralan at nagmadaling pumunta sa kabilang side ng building. Naroroon kasi ang aking kaibigan na si Aniela, Sabay kaming umuuwi.

"Carms!" Tawag ng isang kilalang boses.

Si Aniela! Nasa labas na pala siya! Naglakad ako patungo sa kaniyang kinatatayuan.


Nang magkalapit, ginawa namin ang aming special fist bump. Tawa naman ang kasunod non.

"Daan tayo sa 7/11?" Suwestiyon niya.

Kapag Biyernes, syempre walang pasok kinabukasan at pang-treat, chill and regalo na rin para sa aming sarili dahil nalagpasan namin ang isang linggo sa school na hindi namamatay sumusuko kuno, lagi kaming pumupunta sa isang store, kainan, cafe and etc. dito lang sa town proper. Hindi na kami lumalayo pa.


"Sige ba, Ikaw naman ang taya ngayon ah." Tumatawa pa ako ng magsalita.


"Oo na, kailan pa ba ako tumanggi na ilibre ka?" Bumaba na kami mula sa 2nd floor ng building rito sa aming paaralan.

Halos lahat ng nadadaanan namin kilala si Aniela. Sino ba namang hindi makakakilala sa isang varsity player? Sa Volleyball pa.

"Aniela! Bukas ah! 7 sa Rekin Sports Center." Paalala pa nong isa niyang ka-teammate.


"Oo sige! Paalala mo kay Pat 'yung sapatos ko!" Sagot niya rito.

Sa magkakaibigan, hindi talaga maiiwasan ang pagseselos kapag mayroong ibang kasama/kilala ang iyong kaibigan.

Sa iba, okay lang pero sa mas nakakararami hindi. Natural lang kung ang sitwasyon ko ang pagbabasehan. Literal na sikat siya, Ano bang magagawa ko hindi ba? Hindi naglaon, Nakalabas na kami sa Acrisius Academy. Kasalukuyan na kaming naglalakad ngayon sa sidewalk patungo sa 7/11.


"Carms okay ka lang?" Biglaang tanong ni Aniela.

"H-huh? Oo naman. Bakit mo natanong?"

"Talaga ba? Mukha ka kasing namumutla, Iyang labi mo pale na pale na"

Napatigil ako sa paglalakad, pati na rin siya.

"Okay naman ako. Wala lang 'to, outer appearance lang 'to hindi importante."

"Kakaiba kasi. Haist. Hayaan mo na. Tara na."

Tumakbo kaming pareho papuntang 7/11 malapit na rin lang naman kaya ayun, nagpaligsahan pa kami sa pagtakbo. Naghanap kami ng magandang pe-pwestuhan. Ako ang nag-save sa aming seat at siya ang nag-order at bumili.

PANSAMANTALA IKAW AT AKO❤Stories to obsess over. Discover now