ONE SHOT

9 0 0
                                    

Ang love parang ibon, kapag pinakawalan mo lilipad ito palayo at hindi na babalik.

Inilibot ko ang paningin ko sa loob ng library upang maghanap ng magandang libro na pwedi kong mapaglibangan. Sabi nila, para makalimutan mo ang isang tao kaylangan mong magpakabusy or para mas madali palitan mo.

Hindi naman kasi porket nagmahal ka e puro saya lang ang mararamdaman mo. Para sakin ang pag-ibig na yan peste sa buhay, sa una ka lang masaya sa huli doble ang sakit at hinagpis na mararamdaman mo. Mapapatanong ka nalang sa sarili mo kung panget ka ba o hindi ka talaga pasok sa standard niya.

Itinapon ko sa naglilihab na apoy ang mga sulat na binigay niya, mahilig siya sa mga old style na pag liligaw isang dahilan kaya nahulog ako sakanya ng sobra sobra kung baga sa four layers ng Earth hanggang crust ang nilaglagan ko. Oa lang no? Pero yun ang totoo.

Natawa ako ng makita ko ang muka ni Noah, mukang siya pa ang naghihinayang sa mga itinatapon ko sa naglilihab na apoy naka salong baba siya at naka nguso akong pinapanood. "Kung sana ako nalang ang nauna." Mahinang sambit niya ngunit sapat na para marinig ko. Kumunot ang noo ko at iniikot ang mata ng sabihin niya iyon. Alam kong bata palang kami ay gusto na ako ni Noah, ngunit dahil sa takot na mawala ang pagkakaibigan namin pinilit niyang ibaling ang tingin niya sa ibang babae ngunit hindi ito nagtatagal ng higit pa sa isang buwan.

Isang taon na ang nakakalipas simula ng mawala si Ryker. Ngunit sariwa pa ang mga sugat na iniwan niya saakin. Nagulat ako ng maramdaman ko ang kamay ni Noah, tinignan ko ito at agad niya akong hinili paalis sa naglilihab na apoy.

"Don't waste your time, I'm here Allie this time Im going to be real." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya seryoso ang muka niya at walang bahid ng pagbibiro. Palabiro si Noah simula pa noong bata kami, ngayon ko lang siya nakitang seryoso.

Simula ng araw na iyon mas naging sweet saakin si Noah nakakapanibago man ngunit magaan ang loob ko sakanya, ngunit aaminin ko na hindi ko hinahayaan ang sarili ko na magiba ang pananaw ko saaming dalawa sapagkat alam kong hindi ko pa kaya at hindi ko pa maibibigay ang gusto niya.

Kinuwa ko ang matte lipstick ko at naglagay saaking labi. Ngumiti muna ako bago umalis sa loob ng cr. Kusang hinanap ng mga mata ko si Noah na kanina lang ay iniwan kong maghihintay saakin. Nasaan ba siya? Kinuwa ko ang cellphone ko sa bag at tinext siya.

Ako:

Noah? Nasan ka?

Matagal kong tinitigan ang cellphone ko ngunit wala akong natanggap na sagot mula sakanya. Sobrang dami ng tao sa Star City, malabong makita ko si Noah kung tatayo lang ako dito, nagpasya akong maglakad kasabay ng paglinga linga ko sa maraming taong may kanya kanyang ginagawa.

Naramdaman ko ang pagtigil ng tibok ng puso ko, pawang tumigil ang oras at bigla nalang bumagal ang lahat ng nasa paligid ko. Bakit naman kaylangan pa ng ganito? Kapag umalis hindi na dapat bumabalik.

Nakita ko ang mga mata niya na ngayon ay nakatitig sa kinatatayuan ko, walang pinagbago ito kumikinang parin ito kapag naliliwanagan ng araw. Binatuhan ko siya ng isang simpleng ngiti at agad na tumalikod at mabilis na naglakad palayo sakanya. Hindi ko alam pero ayoko siyang makita, bakit kung kaylan ayoko siya makita doon siya lumalabas?

Hinahabol ko ang paghinga ko sa bilis ng aking lakad halos tumakbo na ako sa ginagawa ko.

Ramdam ko ang mga yapak sa likod ko na sumusunod sa yapak ng aking paa. Napalunok ako ng maramdaman kong nanuyut ang lalamunan ko sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Kinigat ko ang labi ko at hinarap siya ng walang emosyon.

Ngumiti siya at nag wave, pawang walang nangyari sa inaasta niya ngayon. Muling nagbalik ang alaala kung paano kami unang nagkita, ipinikit ko ang mata ko at inilalog ang ulo ko ng pumasok sa isip ko ang bagay na iyon.

"Hi Allie? Kamusta ka?" Malamig na sambit niya dahilan para tumaas ang mga malahibo ko. Hindi ako agad nag salita tinignan ko lang siya ng walang emosyon at ngumisi. " Ok lang ako Ryker, mauna na ako." Walang ganang sagot ko at agad na umalis palayo sakanya. Ayoko ng magtagal pa at makipag usap sakanya alam ko sa sarili ko na mayroon paghihinayang sa aking dibdib, alam ko na mayroon saakin ang gusto siyang kausapin at tanungin ang mga tanong na isang taon ng tumtakbo saaking isipi. Ngunit ayokong magpatalo saaking puso, alam kong matatalo ako kapag puso nanaman ang pinairal ko, walang magagawang mabuti ang puso pagdating sa pagibig kaylangan kong maging mautak upang hindi na maulit ang nakaraan, upang wala ng masaktan at hindi na ako masaktan.

Nanglamig ang buo kong katawan at napako sa kinatatayuan ko ng hawakan niya ang aking braso para pigilan ako sa pag alis." Ikaw parin ang gusto ko." Mga salitang galing sa kanyang bibig na nagpahina ng aking puso. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa sinabi niya, dapat bs akong maging masaya o dapat ba akong mainis?

Sabi nila kapag bumalik ang isang tao para mahalin ka muli ang tawag doon true love. Pero paano kung ang pagbabalik niya na iyon ang mag papabalik sayo ng lahat ng sakit na iniwan niya sayo? Hindi lahat ng bumabalik ay may binabalikan, at hindi porket bumalik siya mamahalin ka niya. Madalas kasi sinusubukan ka lang niya kung kaya pa ba niyang bilugin ang utak mo. Aaminin ko naging man hater ako dahil sakanya, naging man hater ako dahil sa pag-ibig. Ngunit ngayon alam ko na kung bakit hindi ko pa mapaghigyan si Noah... sapagkat mayroon pa saaking puso ang nagsasabing hindi ko pa natapos ng buo kung ano ba ang mayroon saamin ni Ryker noon.

Tinakpan ko ang mata ko ng makita ko siyang lumuhod at niyakap ang tuhod ko. "Aliyah, please give me second chance." Nanginginig na sambit niya. Dumami ang tanong sa mga isip ko ng sabihin niya iyon, bakit ngayon lang siya bumalik kung kaylan nahanap ko na ang sarili ko? Bakit ngayon lang siya bumalik kung kaylan sanay na ako sa mga sakit at oras na wala siya? Pero ang pinaka malaking tanong sa isip ko ay ang tanong kung bakit pa siya bumalik?

Hindi ako sumagot at sinilip siya, hanggang ngayon ay nakaluhod parin siya."Second chance?" Mahinang sambit niya ngunit sapat na lara marinig ko. Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko.

Lahat ba deserve ang second chance?

Hinawakan ko siya sa braso upang tulungan siyang makatayo, agad naman siyang tumayo at hinarap ako. Nakita ko ang mga luhang itinatapon ng kanyang mga mata habang nakatitig sa mga mata kong hiyang hiya sa nakikita niya.

Yumuko ako at humugot ng lakas ng loob para magsalita."I-iniwan mo ako Ryker." Mahinang sabi ko, balak ko pa sanang dagdagan iyon ngunit agad siyang nagsalita." Hindi kita iniwan Aliyah, sinabi mo saakin na iwanan kita." Dipensa niya, kusang kumunot ang noo ko at tinignan siya ng deretso

Alam kong ako ang maykasalanan kung bakit nangyayari ito, alam kong ako ang may kasalanan kung bakit ako nasasaktan." Sinabi kong umalis ka at iwanan ako Ryker, ang buong akala ko hindi mo iyon hahayaan at pipigilan mo ako sa mga desisyon ko. Pero anong ginawa mo hinayaan mo ako! Hinayaan mo akong mawala." Pumipiyok na sigaw ko sakanya. Naagaw namin ang atensyon ng ibang tao, at sobrang nahihiya na ako pero ng sabihin ko ang mga salita na iyon pawang nabawasan ang tinik saaking dibdib, tuloy na sa lag buhos ang luha ko ngayon kanina ay may hiya pa ito ngunit ngayon ay biglang nawala.

Hindi siya nakasagot agad siguro at napaisip siya sa sinabi ko. " Allie, gusto lang kitang mapasaya.Kung palayain ka ang siyang paraan para sumaya ka gagawin ko." Seryosong sabi niya habang tumutulo ang mga luha niya.

Ngumisi ako kahit na sobrang sakit na ng nararamdaman ko, pakiramdam ko ay tinusok ako ng benteng kutsilyo ng sabihin niya iyon. " Nagtiwala ako sayo Ryker, noong mga oras na iyon gulong gulo na ako. Alam ko sa sarili ko na hindi mo ako hahayaan na gawin ang desisyon na iyon, ngunit the heck Ryker! Mali ako, mali ang akala ko." Pumipiyok na sigaw ko sakanya, hindi siya naka imik at nakita ko nalang ang kamao niya naka yukom.

Hindi na siya nagsalita, at tinitigan nalang. Kita sa mga mata niya ang pagkasawi at pagkadismaya. Bago ako umalis ay sinabi ko na ang gusto kong sabihin. " Ryker."Tawag ko sa pangalan niya, hindi parin nag babago ang expresyon niya." Kung mahal mo talaga ako hindi mo ako hahayaang umalis, pero--" Natigil ang sinasabi ko ng magsalita siya.

Pulang pula na ang kanyang mata at muka, pati ang tono ng kanyang pananalita ay unti-unti ng nagiiba at nawawalan ng boses. "Sinabi mo na iwanan kita!" Pagalit at buong lakas niyang sambit.

" Umalis ka naman?" Simpleng tanong ko sa sagot niya na siyang sumagot at tumapos saamin.

Nakita ko si Noah na nakatayo at tinitignan kaming dalawa ni Ryker hawak ang mga pulang rosas at malaking kulay pulang teddy bear. Binatuhan ko siya ng ngiti at agad na tumalikod kay Ryker at naglakad papunta kay Noah.



Umalis ka naman?Where stories live. Discover now