Hi! Isang buwan na naman ang nakalipas. (mahigit pa haha) Ganun talaga. Masanay na kayo. :) Sorry nga pala sa nabitin daw last time, si C at K at sa naguluhan na si J. haha. Bitin to ulet.
Anyway, may gift pala ako sa last part so sana basahin niyo. Thanks!
.
.
.
SIXTEEN - NORMAL
____________________________________________________________________
Nakaakbay pa rin sa akin si Xander hanggang sa makarating kami sa cafeteria. Ramdam na ramdam ko nga na marami ang nakapansin doon habang naglalakad kami. Si Cassy kasi bigla kaming iniwan at mag-ccr lang daw. Kasabay naman namin siya kanina at nakaakbay din si Xander sa kanya kaya parang okay lang. Alam naman ng karamihan na friends kaming tatlo. At hindi naman first time ginawa 'to ni Xander. In fact, kapag magkakasama kami palagi siyang nasa gitna namin at nakaakbay. Minsan pa nga nakahawak pa kami sa braso niya na parang escort sa tingin ng iba pero sa interpretation namin, tingin namin sisters kami. And it is a normal thing.
But this time, iba. At feeling ko din may iba. Nakikita ko pa ngang nagbubulungan sila na pinipilit ko namang pakinggan pero masyadong mahina, (kasi nga bulong lang) pero alam ko namang kami yung pinag-uusapan nila. May patingin-tingin pang nalalaman eh. Hindi naman maipagkakaila na sikat din si Xander dito sa Filipinas. Sumali kasi siya ng Mr. Freshman last year at kahit hindi siya yung nanalo (2nd runner up siya) naging popular pa rin siya. Diba nga marami ang may crush sa kanya. Daig pa nga ako tuwing valentines sa dami ng chocolates eh. At kung naaalala niyo pa, isa ako sa nabiktima niya sa panlabas na anyo.
“Hoy Xander yang kamay mo, alisin mo na nga.” Bulong ko sa kanya. Ayoko namang basta na lang alisin. Baka kung ano na naman ang maisip nila.
“Bakit? Wala namang masama ah? Nahihiya ka ba sa akin? You’re hurting my feelings, you know?” sabi niya tapos lumabi pa na parang nagpapaawa.
“Sira! Hindi yun. Pinagtitinginan kasi tayo at baka kung ano pa ang isipin nila.” Lalo pa ngayon at walang klase kaya madami ang nasa labas ng classrooms.
“Like what? Na tayo na? Haha. Yucky! That will never happen girl.”
“Syempre naman no. Pero kasi ang tingin nila sayo eh lalaki.” Patuloy lang kami sa pagbubulungan habang naglalakad. Syempre hindi nila kami pwedeng marinig.
“Dapat lang no. That’s the point.”
“What?” Anong point ang sinasabi nito?
“Wala. Tara na nga at bilisan na natin. Huwag mo na lang silang pansinin. Baka nga kinikilig ka pa dyan eh. Crush mo ko diba?” Naku! Sabi na eh! Dapat talaga hindi na niya nalaman yun. Kahit matagal na yon, basta may pagkakataon pinang-aasar niya pa rin sa akin.
“Kapal mo ah. Dati pa yun no.” Hinampas ko siya sa balikat niya which is also a normal thing.
“OMG!” At yang bulong na yan, hindi na nakaligtas sa akin. More than bulong na kasi siya pero less than sigaw pa naman. Parang bulong na malakas?
“Sila na?” dagdag nung babae habang nakaturo pa sa amin na agad naman niyang binaba ng makitang napalingon ako. Hala! Hinampas lang, kami na agad? Hinayaan ko na lang. Pero bago pa kami makalayo, narinig ko pa sila.
“Malay mo naman nililigawan pa lang no?
“But they look sweet together. Nagbubulungan pa sila.” Bulungan lang, sweet agad? Hindi ba pwedeng may sikret lang muna?
YOU ARE READING
WHO'S THE ONE? - (Indefinite Hiatus)
Teen FictionSa sobrang haba ng hair nya, tinalo na nya sa world record si Rapunzel! (o_o) Wanna know why? Read this. ^_^
