11

338 9 0
                                    



Masaya ang naging pamamasyal namin kasama ang barkada ni amber

"Kayo bang dalawa anong stage na yan" pang nunuya nang kaibigan nya samin

Mabilis na pinamulahan nang pisngi si amber sa sinabi nang kaibigan nya

"Sus ate riri nasa stage sila na mahal kita mahal mo ko pero walang tayo hahaha "

Nagtawanan ang lahat sa sinabi nang isa sa mga kaibigan nya di talaga ako matandain sa pangalan

"Grabe naman kayo sa kanila hahaha wampoo kaya platty hahaha"

"Grabe lang jenneng  walang kayo hahahaha "

Napuno nang tawanan ang sasakyan

Napaharap ako sa salamin para sana silipin ang mga kaibigan nya pero iba ang nakita ko

Isang maliit na conard at pilyong tumatawa
Mabilis nawala ang ngiti ko bakit yan ang nakikita ko ?

"Uy para haha dito na kami " mabilis kong hininto ang sasakyan ko at hinayaan sila makalabas

Tumingin ako sa langit at para ako pinagsakloban nang langit at lupa nang makita kong madilim ang langit

Please wag ngayon parang awa mo na !

Sumakay uli nang sasakyan si amber at pinaandar ko na ito sa bilis na kaya ko kailangan di kami abutan nang ulan please

"Conard bakit ang bilis nang pagpapandar mo!?"

Nakasigaw na si amber pero di ko mapigilan natatakot ako abutan nang ulan

"CONARD IHINTO MO ANG SASAKYAN !"

Diniiinan ko ang preno nang sasakyan sa sobrang lakas ay lumobo ang airbags nang sasakyan

Dyos ko nakikiusap ako sayo wag ngayon parang awa mo na alam ko naririnig mo ko

Lumabas nang sasakyan si amber lumabas ako para sundan sya

"Papatayin mo ba ako!? Baakit ambilis nang maneho mo!!!!!" galit na galit si amber sakin ramdam na ramdam ko yun dahil na rin sa panginginig nya habang nagsasalita

"Ple please wag mo ko iwanan dito" hindi ko na mapigilan ang panginginig rin sa takot

Nkaita ko gulat sa mata nya at pag awang nang bibig nya

Hinawakan ko ang siko nya pero agad nya itong binawi

"Do do dont touch me " may nginig man ay may halong takot ang boses nya

Kasabay nang di ko mapigilang luha ang pagbuhos nang ulan Dyos ko

"Kailangan ko makalayo dito !"

Pilit ko mang hindi pakinggan ang isip nya ay naririnig ko pa rin

Nagsimula manginig ang kamay ko mag butil butil ang pawis ko at ang sakit nang ulo dulot nang bumabalik na ala ala ko ay napaupo ako

"AAAAARGGGGGHHH" napahawak ako sa ulo ko parang binibiyak "

Naaalala ko ang imahe ni inay na nakamasid sa labas nang sasakyan at inosenteng naaliw sa bawat patak nang ulan

Please please palayain nyo na ako

"Amber wag mo ko iwanan " pagmamakawa ko sa kanya pero parang diring diri ang tingin nya sakin

Pinilit ko lumuhod para maabot ang kamay nya pero mabilis syang umatras palayo

"Please amber wag mo ko iwanan dito "

Mula sa pagkakaluhod bumagsak ako paupo hindi kinakaya nang mga buto ko yung hina nang katawan ko

Unti unti natatabunan nang luha ang paningin ko mabilis ang takbo ni amber papalayo sakin
Lalo lumakas ang ulan halos napahiga na ako sa kalsada pinapanood ko ang ulan na pumapatak at inaalala ang nakaraang aksidenteng nagdulot nang madilim at malungkot kong buhay

Wala nang kayang magmahal sakin lalo na at ganito ako tuloy tuloy pa rin ang buhos nang ulan at tulad neto ay walang humapay ang pagagos nang luha ko

Sana sinama nyo na lang ako
Sana inay di mo hiniling na maligtas ako
Sana hindi ako nahihirapan
Sana hindi ako nasasaktan
Sana hindi ko to nararamdaman

Hinayaan ko nang magsara ang pagod kong mga mata nang marinig ko ang pamilyar na boses

"Patawarin mo ko kung sa pangalawang pagkakataon hindi kita hahayaang mawala na lang "

"Sesin"

Votes and comments po kung nagustohan nyo po thankyouuu

-MelainieeeMoto

Sesin (COMPLETE) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon