Chapter Ten

37 2 0
                                    

CHAPTER TEN

“Paking tape sila!”

“Relax babe.  Anong nangyari? Mukhang mabigat ang araw na to sayo ah.”

“Pinag-uusapan nila tayo?”

“Nila? Pinag-uusapan?  Di ko ma-gets. Relax muna.”

“Yung mga akala natin kaibigan, SILA!. Alam ko naman mali eh. Pero hindi ba ako pwede maging masaya?”

“Teka di kita maintindihan. Isa-isahin mo lahat ng detalye.”

“Ganito yun, may nabasa ako. Pinag-uusapan nila tayo. Pinag-iisapan ng masama. Fudge! Baket hindi na lang nila ako deretsuhin. Mga plastic! Mga takot! Andito lang ako oh, baket di nila ko deretsuhin?!”

“Ano bang sabi?”

“Na mali.”

“Na mali ang?”

“Tayo. Mali tayo! Alam ko naman yun eh. Mali nga. Pero hindi tayo ang mali, ako lang. AKO lang naman diba?!”

“Parang alam ko na kung san papunta tong usapan na to ah. Don’t tell me makikipaghiwalay ka nanaman? Huwag mo ko umpisahan. Alam mong hindi ako papayag.”

“No. No. I can’t afford to lose you.”

“Then hayaan mo silang pag-usapan tayo.”

“Pero ang pangit ng tingin nila sa akin eh.  Andun na ko, mali na kung mali. Pero di ba ko pwedeng sumaya? Dapat ba lagi na lang malungkot. Lagi na lang mag-isa? Nakatali na lang ba ako sa nakaraan? Babe, ayoko na dun eh. Masyado ng masakit. Masyado ng malungkot.  Palagi ko na lang sila iniisip, di ba pwedeng ako naman ngayon? Ang sakit na eh.”

“Kaya nga andito ako.  Andito na ko para pasayahin ka.  Babe remember the song, diba sabi ko dun, you are my choice. Kahit ano pa yang nakaraan na yan, kahit gaano pa kadilim yun, tangap ko yun dahil mahal kita.  Hayaan natin silang mag-isip ng mga bagay na gusto nila.  Basta tayo masaya.”

“Pero masakit eh.  So parang sinasabi nila na makasalanan ako? Na kung sino man ang lumapit sa kin wont find love but will just commit sin? Na kahit kelan I wont be right to anyone kasi I have done something wrong in my past?”

“Hindi ganun babe.”

“Nagmahal lang naman ako noon eh.  Pinakasalan ko lang naman yun taong akala ko mahal din ako. Kaso mali pala ako.  Ngayon ginagawa ko ng tama.  Inumpisahan ko ng gawing tama, pero mali pa rin. Kulang na lang may malaki SINNER na flashcard sa noo ko para hindi ako lapitan ng tao.  Akala ko napatawad na ko ni Lord sa pagkakamaling yun.  Di ba napatawad na ko? Baket yun mga tao sa paligid ko, natin, lahat sila humuhusga?”

“Babe di ko rin alam isasagot ko sa’yo eh.  Ganun kasi talaga. We don’t owe the world an explanation.  You don’t need to explain yourself.  Yun forgiveness na yan, it’s between you and God but one thing is for sure, napatawa ka na sa kasalanan nagawa mo.”

“Gusto kong umalis.”

“Umalis?”

“Gusto kong pumunta sa lugar kung san walang nakakakilala sa kin.  Sa lugar na walang makikialam.  Yun pwede kong gawin kahit anong gusto ko ng walang magbabawal at magsasabing tama o mali ako.”

“Sige aalis tayo.  Sasamahan kita.  Laban natin tong dalawa.”

He never let me down. He never left me alone. He’s always with me, physically, mentally, emotionally, spiritually.  It was almost perfect.  But in reality, it is not.  I know someday will be saying goodbye.  Goodbye to our forever.  I was too scared that one day, he’ll just call to say his last goodbye.

Letter to DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon