Teaser

29.2K 566 49
                                    

"I am pregnant."

Kita ni Kesha ang panlalaki ng mga mata ni Andrew. Hindi na siya nagulat sa nakitang reaksyon nito.

"How?" tanong nito na tila punong-puno ng pagdududa. Unti-unti kumunot ang noo nito nang marahil ay napagtanto nito ang isang bagay. "Did you stop taking pills?"

Napayuko siya. Sunod-sunod na mura ang narinig niya mula Andrew Sebastian, the man she loves the most.

Masakit, sobrang sakit. Nadudurog ang puso niya. Akala niya ay mababago ang sitwasyon nila kung mabubuntis siya. Akala niya mababago niya ang isip at lalo na ang puso nito sa sandaling malalaman nito ang kalagayan niya.

She took the risk. Sa huli, hindi rin pala siya ang pipiliin.

"You know I love someone else, right? Malinaw sa'tin ang mayroon tayo, Kesha!" sigaw nito.

"Alam ko. Gusto ko lang naman malaman mo ang kalagayan ko. But don't worry, walang makakaalam. Lalayo ako. Para sa'yo at para sa taong mahal mo."

Iyon ang naging plano nila. But fate has different plan for them. Nalaman ni Axel Sebastian, kambal ni Andrew, ang kalagayan niya. At handa itong maging ama sa pinagbubuntis niya.

Kung sanang ito nalang ulit ang mahal niya. Hindi siya sana nasasaktan nang ganito ngayon.

Will she accept Axel's offer even her heart is still....

Loving Andrew Sebastian?

Loving Andrew SebastianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon