Conceited jerk.

“Well, it was nice meeting you both… I hope this will not be the last time that I’ll see you,” sa akin siya nakatingin. “Mauna na ako. Nice to meet you, Mrs. Anderson…” hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ang likod nito.

Hindi naman ako nagsalita. Huminto ang elevator at nag-alisan silang lahat. Kaming dalawa nalang ‘yung naiwan dito.

“Wife, huh?” I rolled my eyes. Nakakainis ‘yung babaeng ‘yun ah.

“Why? Kasal na tayo, remember?” itinaas pa nito ang kamay kung saan nakalagay ‘yung bracelet niya.

“Oo na… ipapaalala mo na naman ang kalokohan ko e,” napasimangot ako. Tuwing babanggitin niya kasi ‘yung ‘kasal’ na ‘yun, lagi niyang sinasabing pinilit ko siya.

“Mikaela Michelle Dela Cruz-Anderson. Bagay pala sa’yo ano?” ngumiti siya sa akin. My cheeks turned crimson red. Kinikilig ako.

“Magpapalit lang naman ako ng apelyido kapag sa’yo na ang gagamitin ko,” sagot ko.

“Alam ko. Hindi naman ako papayag na Saavedra magiging last name mo e,” he shrugged. Natigilan naman ako. Lance. Bakit may guilt na namumuo sa loob ko? Wala naman akong ginawang masama diba? Pero bakit nagiguilty ako?

“Okay ka lang? Namutla ka bigla,” hinawakan niya ‘yung pisngi ko. “I’m fine…” iniwas ko ‘yung mukha ko.

“I haven’t told you I missed you, right?” tanong niya. Umiling ako. “Sorry, I thought it’s pretty obvious because I planned this vacation with you pero noob ka nga pala,” he chuckled.

“Mikael…” mang-aasar na naman e.

“I missed you, Mika. I do,” bigla niya akong isinandal sa elevator at hinalikan. Hindi naman ako naka-react agad sa ginawa niya.

“Strawberry…” natawa si Mikael ng abandonahin ng labi niya ang labi ko. “Huh?” kumunot ang noo ko.

“Nevermind…” inakbayan nalang niya ako at hindi na nagsalita pa.

“Can I ask you something?” tanong ko sakanya.

“What is it?” nagbaba siya ng tingin.

Unwanted Girlfriend [Published under LIB]Where stories live. Discover now