Heaving a deep sigh, I walked towards the door and opened it. Pero hindi na ako nakagalaw pa nang mamataan kung sino ang nakasandal sa pader sa tapat.

Tyler was looking straight at me, his hands were on his pocket as he leaned against the wall. Ilang sandali pa bago umalis siya doon at naglakad palapit sa akin.

"Go back inside," walang emosyong sabi niya.

And I was confused. "Huh?"

Hindi siya sumagot at namalayan ko na lang na hinawakan na niya iyong braso ko. At kahit pa pirmi iyong pagkakahawak niya doon ay maingat naman siyang hindi ako masaktan. Hinila ako ni Tyler papasok doon sa loob ng banyo at napanganga na lang ako nang isara niya iyong pinto at nilock iyon.

What the hell?

His hand now let go of my arm but he was not still talking to me.

Nandoon lang siya, nakatayo malapit sa pinto habang ako naman ay nakatanga lang na nakatingin sa kanya.

And I couldn't help it anymore. I did the talking. "What's up?" tanong ko, naguguluhan pa rin. "Why are we here? Better question is, why did you lock us here?"

Muli, tiningnan niya lang akong muli. But he was now worrying his bottom lip.

"Tyler," muling tawag ko.

Napapikit siya't tahimik na napaungol, ang daliri'y minasahe sa sentido. Then he muttered, "I wasn't thinking."

Napakunot ako ng noo, hindi maintindihan ang sinasabi niya.

He then lifted his gaze, meeting mine. "I'm sorry. I just saw you went here and I thought it's the perfect opportunity to talk to you so I just grabbed it without thinking."

Okay. Kanina niya pa ako nakita? Why I didn't see him then? Then my mind lingered to the another thing that he said. He wanted to talk to me.

I bit my lip, answering him. "Eh bakit hindi mo na lang ako nilapitan kanina? Nandoon lang naman ako."

"It's because I want to talk to you alone," medyo malakas na ang boses niya. Napatigil siya't napahugot ng hininga. "And I don't think I can do that, especially when Quentin's there. And what the eff? You're his date? Paano 'yun nangyari? You never mentioned you're going on with a date. You said you're with your family."

"And I am. I'm with my family," tanggol ko sa sarili. "Saka hindi ko rin naman alam na date ako ni Quentin. He just kind of said that all of a sudden and I was also surprised."

"But you're really his childhood friend?"

Tumango ako.

"And is it true that your mothers were kind of setting you two up?"

Tumango akong muli. "But that was then. As you know, my mom's already in heaven. And I doubt Tita Juliet is still thinking about it until now."

He groaned again and moved his gaze away. Inisip ko naman kung may mali ba sa sinabi ko. Wala akong makuhang sagot.

Hindi ko na talaga maintindihan kung saan siya nanggagaling. Kung anong tumatakbo sa isipan niya ngayon. Why did he look so pissed about something? I wanted to know all of those.

Pero hindi pa ako nakakasimulang magtanong nang makarinig nang pag-ikot ng doorknob. Then there were voices. Both seemed loke coming from girls.

Natigilan ako sa kinatatayuan at napatingin sa pinto. Oh my gosh! Ano na lang ang maari nilang isipin kapag nakita nilang magkasama kaming nasa loob ngayon ni Tyler?

It was not like we're doing anything. Dahil wala naman talaga kaming ginagawa. We were just innocently talking. But still, we were inside the female's comfort room and the door's locked.

Best for Us (GU #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora