Kasalukuyang naglalakad si Trisha sa mall. Nakaramdam sya ng call nature, kaya naman nagmamadali syang pumunta sa comfort room. Nakayuko itong naglalakad ng bigla nalang syang may nakabangga.
"Fuck" Sigaw ni Shanley sa babae, na sya naman kinagulat nito.
"Ah. Eh, pasenya na di ko sinasadya" paumanhin nya sa nakabangga.
Tumingala sya para tignan ang nakabangga. matangos ang ilong, maputi, matangkad, may makinis at manipis na balat. Ganyan kung idescribe ang lalakeng nasa harap nya ngayon. In short Gwapo sya! Kaso mukhang Adik?
Tila tinangay naman ng hangin ang kasungitan ng lalake at napatitig sa babae. Damn! She's so beautiful! Para syang isang anghel, na may napakaamong mukha. Yan ang nasa isip ng lalake.
"Pre, are you okay?" Tanong ni Rex sa kaibigan.
Napatingin si Trisha sa nagsalita, ngayon lang nya napansin na may mga kasama pala ito. "Sige, alis nako. Pasenya na ulit" Paalam nya sa mga ito, tsaka nagmamadaling umalis.
"Dude?" Tawag ni Zacky kay Shanley kaya naman natauhan ito.
"Mukhang kakaiba yung naaamoy ko ah?" Pang-aasar naman ni Fitz, kaya tinignan sya ng masama ni Shanley.
"Baka naman sarili mo lang ang naaamoy mo Fitz?" Pakikisali ni Jigger.
"Gago!" Sigaw ni Fitz. Na halatang naiinis.
"HAHAHAHAHA" Nagtawanan naman sila, sa itsura kasi ni fitz tila mananapak na ito.
"Tsk. Tara na nga!" Aya ni Shanley sa mga kaibigan, pero sa isip nya nandun parin yung itsura ng babae kanina. Ang weird ngayon dahil lang sya nakaramdam ng ganito, sa dami ng babaeng naghahabol at lumalapit sa kanya never nya pang naramdaman to. Ngayon Lang.
Nang makarating sa cr si Trisha ay napahawak sya sa kanyang dibdib.
"Bakit kaya biglang bumilis ang tibok ng puso ko? Hays. Baka napagod lang ako sa paglalakad,?dahil sa pagmamadali ko. Tama yun nga" Bulong nito sa sarili.
-------------
Dahil sa simpleng banggaan, posible kayang may mabuong pagmamahalan?
Paano kaya kung ipatapon ang limang basag ulo sa school kung saan nag-aaral ang babae? Sign na ba ito para sa kanila?
May kinatatakutan nga din ba ang mga lalakeng walang ibang alam gawin kundi makipag-away?
BINABASA MO ANG
Perfect Strangers
Teen FictionDahil sa simpleng banggaan, posible kayang may mabuong pagmamahalan?
