Chapter One

32 2 0
                                        

'Ate bilisan mo, bumaba ka na diyan. Kanina pa naghihintay sina Mark!' sigaw ng batang lalaki na nasa baba ng hagdanan. Siya ay kapatid ni Rein, Rein Pearl Snow Buenavista 20. Nag-aaral si Rein at ang kapatid niya sa isang sikat na unibersidad, si Rein ay snob at mahilig sa historical stories lalo na sa kasaysayan ng pilipinas. Maganda si Rein katamtaman lamang ang kaniyang pangangatawan. Straight ang kaniyang buhok habang ang dulo naman nito ay kulot. Maputi siya at singkit ang mga mata niya at manipis ang kaniyang labi dahil may dugo siyang Hapon.
'Oo! Ayan na. Na paka inipin mo naman sandali lang!'Pasigaw niyang tugon sa kanyang nakakabatang kapatid na si Roald, Roald John Buenavista 18 years old na siya. Isa siya sa sikat na Varsity player sa kanilang skwelahan, dalawa lamang silang magkakapatid ang kanilang ina ay may lahing hapon, samantala ang kaniyang itay ay may lahing purong pilipino.
Sikat ang kanilang mga magulang sapagkat isa silang sikat na negosyante sa buong Manila.

Papunta sila ngayon sa Crened, kung saan doon sila  mag babakasyon. Dahil disyembre na ngayon, at abala ang lahat dahil papalapit na ang pasko. Balak sana nilang dito nalang sa Manila sila mag selebrayon ngunit nasa labas ang kanilang mga magulang dahil sa negosyo.

"Andun na silang lahat sa labas Ikaw nalang ang kanilang hinihintay, bat ba ang tagal mo! Palagi ka nalang nahuhuli." Masungit na sambit ni Roald sa kanyang ate na si Rein, napabusangot na lamang ang kaniyang mukha dahil sa inaasta ng kanyang kapatid na si Roald. Palagi silang nag babangayan sa maliit o malaking bagay, ngunit mahal na mahal pa rin nila ang isat isa. Hindi na lamang kumibo si Rein at dumiretso na lamang siyang lumabas.

"ayy grabe siya, antagal ah. Ang usapan natin 6:00 am eh ano na ngayon 9:30 am na. Haystttt kahit kelan talaga Rein." Saad ni Michelle kay Rein, si Michelle ang kaniyang kaibigan simula pa nung elementarya pa sila.

Anim silang magkakaibigan na na magbabakasyon sa Crened dahil pare pareho silang walang kasama sa darating na pasko. Si Michelle ang girly at pinaka oa sa kanila, Si Ysabel naman ang bookworm sa kanila, si Bryan naman ang beki sa kanila, si Rowena naman ang mahinhin sa kanila, si Britney naman ang astig at Singer sa kanila samantala si Mark naman ay mabait, matipuno at maloko nilang kaibigan.

"Wag mo ngang bangyan si Rein, 'di kana na sanay sa kaniya eh simula pa nung una ganiyan naman talaga siya eh." Sabat ni Bryan habang pinapasok ang mga bagahe na dadalhin nila sa Crened.

"Isa ka pa eh, tumahimik na nga lang kayo at pumasok na lang kayo sa loob at tayoy aalis na." Saway ni Britney sa kanila.
Samantala inaayos naman ni Mark ang gulong at sinuri at lalagyan ng gasolina. Dahil siya ang magmamaneho.

Pumasok na silang lahat sa loob ng Van kasama ang kapatid ni Rein, naiwan naman ang kanilang mga kasambahay duon dahil walang magbabantay sa kanilang bahay.

Makalipas ang sampung oras ay narating na nila ang lugar na babakasyonan nila sa Crened.

"Ito na ba yun, grabe ang laki naman ng bahay na to parang Haunted house!" Sambit ni Michelle sabay hawak sa magkabilang balikat niya. Sabay panggap na nanginginig.

"Oo eto yun, dito ko kasi napili na spot. Tahanan ito nuon ng lolo ng mama ko." Sambit ni Rein sa kanila, habang ang iba naman nilang mga kasamahan ay binubuhat ang mga bagahe papunta sa isang Kubo dahil umaambon na ngayon.

"Nasaan ba ang katiwala niyo dito?" Tanong naman ni Bryan na nakapamewang pa.

"Ahh si Mang Kiko, baka nandun pa sa likod ng bahay sandali lang pupunta ako dun, para mapagbuksan tayo ng Pinto." Saad naman ni Roald sabay takbo sa likuran ng bahay.

Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob ng bahay, tinulungan naman Sila ni mang Kiko na magbuhat ng mga bagahe nila. Matagal na ng nanilbihan si mang Kiko sa kanila simula nung nabubuhay pa ang lolo ng mama ni Rein matanda na ito at kuba ni rin kung maglakad.

The History of UsStories to obsess over. Discover now