Magkaibigan, Nagkaibigan

268 4 0
                                    

Ang maiba... taya! Ha! Ha! Ha! ikaw ang taya. Ako na naman, ako na lang lagi ang taya. Lima kaming magkakaibigan. Si James, si Karen, si Clark, si Flor at ako si Anjo. Bata pa lamang kami noon ay hilig na naming maglaro ng habulan. Katunayan ako yung laging natataya. Minsan pa nga pinagkakaisahan nila ako. Lagi akong inaasar, pero dahil nga kaibigan hindi ako napipikon sa kanila. Maganda ang naging samahan namin bilang magkakaibigan. Iba-iba ang aming mga katayuan na pinagmulan ng pamilya. Si James, anak ng mayamang pamilyang Santiago sa aming bayan. Si Karen, maganda at maputi. Anak siya ng isa sa may napakalaking Hacienda. Si Clark naman, ang kanyang ama ay pulis at abogada naman ang kanyang ina. Si Flor, simple lang siya. Mabait, maganda, at hindi nakakasawang tingnan ang kanyang mapupungay na mga mata. Anak siya ng may malaking grocery sa bayan. Ako naman si Anjo, mula sa angkan ng mahirap. Magsasaka at mangingisda ang aking ama. Naglalabada naman ang aking ina. Bagamat, magkaiba ang estado ng buhay namin, pero bilang magkakaibigan pantay kaming lahat. Masaya kami kapag nagkakasama. May biruan, tuksuhan at tawanan. Dalaga't binata na kami pero hindi pa rin nababago ang aming pagkakaibigan. Sa tagal naming magkakasama nahulog ang loob ko kay Flor. Hindi ko alam kung bakit? Pero ang sagot siya kaya magkakagusto sa akin? Malayo mangyari yun. Malayo ang agwat ng estado ng buhay namin. Mayaman siya at ako ay mahirap lamang. Ah, basta! gusto ko siya. Iyon ang sinabi ng isipan ko. Iniwasan ko silang apat. Nagpakalayo ako. Hindi ko yun sinabi sa kanila. Basta na lang akong umalis. Nagtrabaho at nag-ipon dahil sabi ko kapag nagtapat ako sa babaeng gusto ko ay may maipagmamalaki ako. Matagal na panahon, bago ako bumalik sa aming bayan. Nakapag-ipon at may malaking pera ng nakatago na sa bangko. Hindi pa rin ako nawalan ng pag-asa na maipagtapat ko na ang aking nararamdaman sa isang babaeng gusto ko. Naglalakad ako patungo sa bahay ng aking mga kaibigan. Hindi nila alam na ako ay nagbalik. Sobrang saya at pananabik ang aking nararamdaman sa mga oras na iyon. Ang pananabik na makita si Flor. Sa di kalayuan mula sa kinatatayuan ko, may napansin akong isang babaeng nakatalikod na tila umiiyak. Hahayaan ko lang sana siya pero hindi ko matiis na lapitan siya at alamin kung bakit siya umiiyak. Nang palapit na ako sa kanya, biglang lumingon ang babae. Napatulala ako sa mga sandaling iyon. Si Flor pala ang babaeng kanina pang umiiyak. Pinunasan ko ang luha sa kanyang mga mata. Nagpasalamat siya sa akin. Nagkwentuhan kami sa mga oras na iyon. Ikweninto niya ang dahilan ng kanyang pag-iyak, si James na lagi siyang niloloko. Nagkatuluyan sila ni James at Flor pero hindi naging masaya si Flor sa piling ni James. Habang nagkukuwento si Flor, hindi ko mapigilan ang sarili na umiyak. Ang babaeng gusto ko pala noon ay may asawa na. Nagkwento din ako sa kanya. Ikweninto ko rin ang dahilan ng aking pag-alis noon. Nagulat siya sa kanyang narinig mula sa akin. Pero huli na pala ang lahat. Magtatakip silim na at nagpaalam ng umuwi si Flor. Dahil nga may asawa na, hindi ko na siya pinigilan. Habang papalayo siya sa kanyang paglalakad, nakatingin pa rin ako sa kanya na patuloy ang pag-agos ng luha sa aking mga mata.

Malungkot ako sa mga sandaling iyon, dahil ang babaeng gusto ko ay may asawa na. Hindi muna ako umuwi ng bahay. Dumiritso muna ako sa bahay ng pinsan ko para maibsan ang lungkot ng aking naramdaman. Habang naglalakad ako patungo sa pinsan ko, nasalubong ko si Clark. Anjo? Ikaw na ba yan pare? Hindi niya agad ako nakilala dahil sa tagal na ng panahon hindi kami nagkikita. Tumawa ako. Ikaw nga! Kumusta na? Bakit bigla kang nawala? Hindi ka man lang nagpaalam sa amin. Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Mahabang istorya pare. Ikaw kumusta na? Sabi ko sa kanya. Ito, ayos lang naman sagot niya sa akin. Saan nga pala ang punta mo? Nagkita na ba kayo ni Flor at ni James? Oo nagkita na kami ni Flor, ang malungkot kung tugon. Ahhmm..si James pala nagkatuluyan sila ni Flor. Ah...ganun ba? Kunwari hindi ko pa alam. Gumuhit ang sakit at lungkot ng aking naramdam. Si Karen, kumusta? Saan na siya ngayon? Ang tanong ko kay Clark. Nasa bahay siya ngayon pare. Sa bahay? I mean, ibig kong sabihin nasa bahay nila? Hindi, nasa bahay namin. Nagkatuluyan kasi kami ni Karen. Ah..talaga? mabuti naman kung ganun. Binabati ko kayo, iyon na lang ang nasabi ko kay Clark. Pare, gusto mo punta muna tayo sa bahay para makita mo si Karen at ang dalawa naming anak. Ang tagal na kasing hindi na tayo nagkikita-kita magkakaibigan. Pumayag ako dahil gusto ko rin makita ang kaibigan kong si Karen.

Nang makarating na kami sa bahay nina Clark, agad niyang tinawag si Karen. Karen! mahal! halika ka muna dito, may bisita ka. Sino yan mahal? Labas ka muna diyan sa kwarto. Sige mahal palabas na ako. Paglabas ni Karen. Sino yan ma...Anjo? Tumuwa ako. Ikaw na ba yan? Tanong ulit ni Karen. Oo, ako nga..sabay tawa (ha!ha!ha!). Ang laki ng pinagbago mo friend! Kumusta ka na? Ito, ayos lang ako friend na medyo malungkot ang tinig. Oy! Alama mo ba? Oo friend, alam ko na. Nagkausap na kami kanina. Nalungkot nga ako kasi lagi siyang niloloko ni James. Habang patuloy ang pagkukwentuhan namin ng mga kaibigan ko hindi namin namalayan na maghahating-gabi na pala. Kaya nagpaalam na akong umuwi. Habang akoy naglalakad, bitbit ang sakit ng naramdaman ko mula sa mga kweninto ng mga kaibigan ko ang sinapit ng babaeng mahal ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 12, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magkaibigan, NagkaibiganWhere stories live. Discover now