Prologue

17 0 0
                                        

Hanggang dito nalang ba tayo?
Mga sandaling kay hirap tanggapin
Na ang TAYO ay bumaliktad na sa KAYO
Kahit pilit ko mang ika'y kalimutin ngunit ikaw pa rin ang lumilitaw sa aking paningin.

Nung umpisa tayo'y sobrang saya
Mga ala-alang ayaw ko nang mawala
Saya't mga tawanan natin na para bang ayaw ko nang mawalay sayo, o aking sinta!

Pero nung lumipas ang bawat sandali
Unti-unti ka nang nagbago't hindi ko na rin nararamdaman ang totoong pagmamahal
Pagmamahal noon na ngayo'y naglaho na.....

Ngunit dumating ang araw na hinding-hindi ko inasahan
Tila di ko tanggap ang iyong sinapit na kailanma'y di ko inakala
Sobrang sinaktan mo ang puso ko nung ako'y iyong iniwan
Lalong-lalo na nung kamay ko ay 'yong binitawan.

PINAGTAGPO NGA TAYO NG TADHANA
Ngunit hindi naman tayo ang para sa isa't-isa.

Auspicious To Have ThyWhere stories live. Discover now