Six: Save Her(Part I)

26 5 2
                                    

AN: THOSE WORDS THAT ARE IN ITALIC FONT ARE THOSE DAYS THAT HAPPENED IN SIMMONE'S PAST.

★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★★

Nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Hindi ko maibuka ang bibig ko para makapag komento. Hindi ko alam kung tama ba ang mga narinig ko o baka ayaw ko lang talagang tanggapin ito? Pinaglalaruan na naman ba ako? O Diyos ko sobrang nahihirapan na ho ako.

"Simmone..." tuluyan ng nanlumo ang tuhod ko, tuluyan ng nanghina ang buong katawan ko na animo'y isa akong babasaging materyal, yung babasaging materyal na matagal ng may crack at sa isang pagsagi lang ay tuluyan ng nabasag. At sa pagkakataong ito ay hindi ko na alam kung paano pa bubuoin ang sarili ko.

"Hindi. Ililigtas ko ang kapatid ko, buhay siya at hinihintay niyang iligtas ko siya. Iyon yung hiling sakin ni Samantha. Buhay siya at ililigtas ko siya." kahit basag na ang boses ay pinilit ko paring sabihin ang mga salitang iyon ng buong lakas. Ang awa ay nakikita ko sa pareho nilang mukha, okay ako.

Hinahaplos ni Elle ang likuran ko, pinapakalma pero hindi ko yun magawa sa mga oras na 'to. Buhay ang kapatid ko, ibabalik ko siya at iyon ang ipinangako ko sa kanya. Hinihintay niya ako, kailangan ko ng magmadali.

Naramdaman ko ang paghaplos ni Henry sa pisngi ko, pinapahiran ang luhang hindi ko manlang namalayan na tuluyan ng tumulo, "I'm sorry." napako sa kanya ang paningin ko at naging tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng luha ko.

"Henry you don't understand. I need to save my sister. She's waiting for me there and I can't just stay here doing nothing to get her. I love her, she's alive and I can feel it. Henry please believe me. Please.." pagmamakaawa ko.

Elle cupped my cheeks and looked intently into my eyes, making me understand how cruel is the world to me right now. Making me feel helpless and very much hopeless, "My mother is missing and just like you, I want to save her from the grasp of that demon. Helping you right now slowly kills me because you're the reason why she's gone missing. And you know what's worst? Knowing that you dont even know a single thing about it!" kitang kita ko kung paano nag iba ang itsura ng mukha niya, nasasaktan. At hindi ko alam kung paanong ako ang naging dahilan.

Hindi ako umimik kung kaya't nagpatuloy siya, "You seem so innocent to the point that I can't hate you even though it is all your fault that all this bullshits are happening now! I can't hate you because that's what my mother told me before she have gone missing." tuluyan ng nabasag ang boses niya at tuluyan naring bumagsak ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.

Naging sunod-sunod ang pag-iling ko, na animo'y nasa isang crime scene ako at tinatanong ako ng mga imbestigator dahil ako ang napagkamalang suspect, at ang tanging iniisip ko lang ay wala akong alam, "I don't know anything, Elle. I don't know why I feel like I've been in a coma and I just woke up not remembering anything that you're telling me right now. I don't even know who your mom is and I don't know how she got involved in my case and in this mystery! I think I'm going crazy anytime now Elle, please explain to me everything I don't know. Please." wala na akong pakialam kung ilang beses na akong nagmakaawa sa araw na 'to dahil ang gusto ko lang ay ang malaman ang totoo.

Umayos siya ng tayo at huminga ng malalim. Pumikit ng mariin at muli akong tinignan, "Before I tell you everything I want you to promise me one thing..." kinuha niya ang isang upuan na nasa tabi ko at umupo doon matapos niyang ipuwesto yun sa harapan ko. Hindi ako umimik, nasasabik na sa kung ano ang susunod niyang sasabihin, "No matter what happens I want you to promise that you will stay alive as long as you can. The demon is chasing you but your eagerness to stay alive is a hundred percent greater than the demon's desire to kill you. I want you to run as fast as you can to get back your sister's life do you understand?.." naguguluhan man ay mas pinili kong tumango, ibinaling nya ang atensyon kay Henry, "Do you know what occurs my mind the moment I saw you earlier? My mind automatically told me that you're here not because of Simmone but for your sister Heirna, am I right?" hindi sumagot si Henry kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita, "Heirna is in the hand of that demon where Samantha and my mother are imprisoned by the power of the same demon...

I know that's why Henry and I are on the same pages right at this moment. We want to get back the life of the persons we love the most.

"So I want the both of you to know that we are all on this. This a do-or-die situation and we need to be brave for the sake of the persons we love. We need to get them back here as soon as possible." maluha-luhang aniya.

I am willing to fight bravely so I know I needed to clear things out, pinakatitigan ko siyang mabuti at kinalimutan ang takot at kaba na nararamdaman ko dahil simula sa mga oras na ito ay magsisimula na ang tunay na laban, "Who are you?" halatang nagulat siya sa tanong ko ngunit agad rin namang nakabawi, kusang nagtagpo ang kilay ko sa sunod na ginawa niya,

Kinuha niya ang kamay ko at pinagdikit ang huling daliri namin, pinky swear, at kasabay niyon ay ang pagbalik ng mga alaalang hindi ko akalain na naibaon ko na ilang taon na ang nakakalipas,

"Happy birthday, Simmone.."

"Aalis ka? Saan ka pupunta? Babalik ka ba? Babalikan mo naman kami hindi ba?" sa murang edad ay kakatwang nakakaramdam na ako ng matinding lungkot sa tuwing iisipin kong magkakalayo kami ng kaibigan ko, siguro'y dahil tinuturing ko na silang kapatid sa tagal na panahon na naming magkasama, simula pa ng pitong taong gulang ako, kaarawan ko ngayon at labing tatlong gulang na ako.

"Mon saan ba ang punta mo? Hindi ba ako maaaring sumama?" tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko, gayundin ang mahinang paghikbi niya.

Inayos ko ang pagkakalugay ng abot balikat niyang buhok at pinahiran ang luhang hindi na magkamayaw sa pagtulo, "Babalikan kita kung kaya ko na. Elle, hahanapin kita at hindi na kita iiwanan ulit pangako yan...

Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng nakaupo sa tabi ni Elle, hindi siya umiimik at hindi rin siya umiiyak. Nakatingin lang siya sakin ngunit bakas sa mukha niya ang labis na kalungkutan. Hinaplos ko ang kanyang pisngi at ginawaran siya ng ngiti,

"Hintayin niyo ako ha? Huwag ninyo akong kakalimutan dahil tayong tatlo ang matalik na magkakaibigan at walang kahit na ano ang makapagpapa-hiwalay sa atin." niyakap silang pareho ng sobrang higpit dahil ilang taon pa muna ang hihintayin ko bago maulit ito.


Napangiti ako ng bumulong siya sakin habang yakap niya ako, "Walang anuman ang makakapagpa-hiwalay satin..... hanggang sa kamatayan.."


Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga na para bang may nakabaon na tinik sa lalamunan ko kung kaya't hindi ako makahinga,


"Ikaw? Paanong hindi kita nakilala? Bencelle Auria Asuncion...."


©ALL RIGHTS RESERVED 2017

Dressed to KillWhere stories live. Discover now