I'm so sorry...(One Shot)

71 4 4
                                    

I'm so sorry...(One Shot)

by: 123Summer

~July 31,2014

-^-

Lagi nalang kitang tinititigan mula sa malayo,kahit hindi mo naman akong tinititigan pabalik.Lagi mo nalang kasama ang isang babae,Drop daw ang pangalan niya.Nung una,sabi ko sa sarili ko na...pinsan lang 'yan ni Breeze,kamag-anak lang ni Breeze 'yan.Think positive.

Sorry,lagi ko nalang kayo iniistorbo tuwing nag-uusap kayo.

"Sorry! I'm so sorry,hindi ko sinasadya na masktan ka," sabi mo sakin isang araw ng mabunggo mo ako sa hallway.Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas para magsalita.

"Sorry din,hindi ko din sinasadya na mabangga ka.Pasensya na," sabi ko sayo.Tinulungan mo akong pulutin ang mga gamit kung nalaglag sa bag ko.

Magsasalita ka pa sana,kaso tinawag ka na ng 'pinsan' o 'kamag-anak' mo.

"Breeze! Breeze!"

Nagmadali akong pulutin ang mga gamit ko at agad-agad ng umalis doon.

Sorry,hindi ko naman sinasadya na mabangga ka.

-^-

Ilang linggo narin ang nakalipas ng mangyari ang eksenang yun sa hallway.Hindi mo ako pinapansin (as usual),hindi mo rin ako matingnan,hindi mo rin ako kinakausap kahit lagi kitang ka-partner sa mga activities natin sa school.Lagi nga tayong betlog sa mga activities dahil wala tayong nagagawa,dahil nga ayaw mo akong kausapin!

Isang araw,nakita kung naglalakad ka sa hallway,walang tao sa hallway kaya kinuha ko na ang chance na kausapin ka.

"Breeze!" tawag ko sa'yo,pero nagpatuloy ka lang sa paglalakad mo.Tinawag kita ulit,hindi ka parin humaharap.

"Breeze! Teka,Breeze!" na-irita ka siguro kaya humarap ka na sakin.Bigla naman akong napangiti sa loob ko,dahil humarap ka.

"What do you want,stupid?"

Sa pag-tawag mo lang ng stupid sakin,durog na ang puso ko.Kaya mo ba ako tinawag na stupid dahil hindi mo alam ang pangalan ko? Nung isang linggo,ang bait mo palang sakin.

"A-Ah,tatanong ko lang sana kung anong gagawin natin sa History report natin? Ikaw o ako ang gagawa?"

Mabibigla ba ako sa sagot mo,Breeze?

"Natural,ikaw ang gagawa.Alangan mo naman ako ang gumawa diba?"

Syempre,ako nalang lagi ang gumagawa,e.Ako nga lang ang may gusto sa'yo.Gusto nga kita,hindi mo naman ako gusto.One-sided.Shet.

"Stupid.Tss." pahabol mo pang sabi bago ka tumalikod at lumakad palayo.

Sorry,hindi ko alam na nasasaktan pala kita.

-^-

Nang dumating ang araw ng report namin sa History,wala akong napaskil na Manila paper sa board namin.Hindi ako nagawa,dahil buong gabi kitang iniisip,Breeze.Kung alam mo lang,sa lahat ng assignment ko betlog ako.Nakalimutan kung mag-review dahil pinag-iisipan ko kung aamin na ba ako sa'yo.

Kaya,ano? Betlog nanaman tayo sa History report.

"Ano bang ginagawa mo,Ms.Cruz? Bakit hindi kayo nakagawa ng report niyo?"

Partner nga kita.Pero,ng pinag-sabihan tayo,este ako ni Ms.Cruz,wala ka.Kaya ayun ako lang ang nag-lecture sa labas ng room natin.

"Ano ba?! Bakit hindi ka nakagawa ng report natin? Diba,sabi ko sayo kahapon na gawin mo ang report natin?!" inis na sigaw mo sakin.Nagbabadya na ang mga luha ko at isang kalabit nalang tutulo na.

"Ma-tanong nga kita‚" sabi ko sabay punas sa mata ko,"E,ikaw? Bakit hindi ka gumawa ng report NATIN?! Akala ko ba,partner tayo sa stupidong report na 'yun?!"

Traydor talaga kahit kailan ang mga luha,noh,Breeze? Ngayon,iisipin mo sanang ang immature ko.Umiiyak ako dahil lang sa walang kwentang report! Mas lalo pa akong nag-mukhang basahan.

Again,you said it.

"I'm so sorry,I'm so sorry-" inunahan kita sa pagsasalita.

"Puro ka nalang sorry! Sorry,sorry,sorry! Sa tingin mo ba ang walang kwentang sorry mo,mahihilom ang sakit dito sa puso ko?!" nakita ko ang pagka-gulat sa mukha mo sa biglaan kung pag-sigaw.

"Hindi ko alam na may sakit ka puso," nabasabunot nalang ako sa buhok ko ng sinabi mo 'yun.Hindi mo ma-gets kung anong ibig sabihin ko.

"Oo,matagal na akong may sakit sa puso," sabi ko sa'yo at ngayon ako ang unang tumalikod sa ating dalawa.

Sorry,araw-araw pala kitang nasasaktan.

-^-

Hindi ko na kayang umamin sa'yo kahapon kaya ngayon nalang ako aamin.Papalapit ako sa'yo para aminin na mahal kita at dati pa kita gusto kaso biglang umurong ang dila ko ng marinig ko ang sinabi ng kaibigan mo.

"Brad,kailan alis mo? Pasalubong ko,a?"pabirong sabi ng isa sa mga kaibigan mo.

Totoo bang aalis ka na? Pero bakit Breeze? Hindi pa ako umaamin sa'yo,o.

"Bukas ang alis ko," sabi mo at luminga-linga sa paligid.

"Ingat ka,brad.Kailan balik?"

"Hindi ko alam.Baka hindi na ako babalik."

-^-

Pinuntahan kita sa bahay niyo pero ang nadatnan ko lang ay ang isang katulong na nagwa-walis sa labas ng bahay niyo.Agad ako kinabahan dahil nakita kung napakatahimik ng bahay niyo at walang tao.Kaya naman nilapitan

ko ang katulong niyo na nagwa-walis sa labas ng bahay niyo.

"Excuse me po,pwede po bang mag-tanong?" sabi ko sa katulong na nagwa-walis sa harap ng bahay niyo.

"Sige,ano yun hija?"

"Nasaan po yung mga nakatira dito?" sabi ko at tinuro ko ang bahay niyo.Napakunot ang noo niya at agad siyang napasimangot,ang katulong.

"Naku,hija! Kanina pa sila umalis papuntang airport,e pasensya na," sabi ng katulong niyo at nagpatuloy siya sa pagwawalis niya.

Habang ako eto tumakbo papuntang airport.Pagkadating ko dun agad kitang hinanap pero hindi ko nakita masyadong madaming tao.Umuwi ako sa bahay ng luhaan.

Sorry,hindi ako nakapag-paalam sa'yo.

-^-

Hindi ko alam na mahigit isang taon na ng mawala ka,ni hindi man ako nakpagtapat sa'yo.

Isang araw,hindi ko alam kung nagmamalik mata lang ako pero nakita kita sa park.Nakupo ako sa ilalim ng puno habang ikaw nakaupo ka naman sa kabila.Nakita mo ako at tumayo ka mula sa pagkakaupo mo.Umupo ka sa tabi ko at agad mo akong niyakap.

"Breeze..."

"Shh.Tahan na.Wag ka ng umiyak andito na ako."

Pasensya na Breeze,pero hindi ata tayo magkakasama ngayong araw.Mawawala na ako.Umiyak ako ng umiyak.

Isang minuto...

Mawawala na ako.Pasensya na,Breeze.

Lumuwang ang pagkayakap ko sa'yo at napatingin ka sakin.Umiling nalang ako at pinikit ang mga mata ko.Pero bago ako mawalang ng hininga,may sinabi ako sa'yo.Sabay pa nating sinabi.

"I'm so sorry..."

The End.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 02, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm so sorry...(One Shot)Where stories live. Discover now