Yakap ang tanging hanap-hanap
Sa ilang taon ay siyang pinapangarap
Presenya at pag-aaruha hindi na nalasap
Pagmamahal sa pamilya tanging hangad
Pawis na tumagaktak
Kasabay ng mga luhang nangungulila
Sa sakit, sarili ay naalila
Nagnanais na buhay ay lumiwanag
Sa pagbalik galing ibayo
Ngiti ay bumalot sa buong mundo
Hindi alintana ang hirap
Para sa magandang kinabukasan ng mga anak