Chapter 6: Election Fraustration

Start from the beginning
                                    

"I'm sorry for some interruptions. So let's now proceed..." my heart was pounding *dugdug*

Ang katabi ko naman ay salita ng salita ng "Please, Please, Please" Siguro ay nababaliw na iyon or what. Shet lang?

"Vice President: Rxhyl Go"

"Mygosh! That's me!", sigaw nung katabi ko. At nawalan ng malay. Nataranta ang lahat pero ako ay nagpatuloy lang sa pagkinig. Hah! Bagay nga sa kanya. Buti nalang at tumahimik na.

"The Johansson University's President is for this year.." Nanlaki ang mga mata ko.

"President: Violet Georgeana Jensen"

"UWAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!", sigaw ko from the bottom of my lungs. JOKE!

Hindi ako sumigaw dahil masisira ang maganda kong boses. Buti nga at di nanalo yung Reda. Di niya deserve!

Lumabas na ako ng building habang patuloy ang bagsakan ng ulan. Naiwan ko ang payong ko sa car e. Kaya nang-agaw nalang ako sa feeling maganda na babae. Aalma pa sana pero nung nakita niya na ako ay ibinigay naman niya. Tss. Dapat lang! Di siya bagay magpayong!


When I'm in the parking lot ay may narinig akong footsteps na nakasunod sa akin. Shemai? Ano 'to horror? Kala ko humor 'to? Tumingin ako sa likuran ko at naghanap ng kung ano.

"Nuh beyen? Wag nga kayong manakot..", pagpaparinig ko sa kung anumang nakasunod saken. "Babye!" tugon ko at patakbo na sa sasakyan ko dahil takot ako. At nagtatayuan na ang mga balahibo ko sa mga likod. Akma ko nang buksan ang pintuan ng sasakyan ko ng biglang..

"AAAAAH--mmmmh" May tumakip ng panyo sa bibig at ilong ko at dahilan para mahulog ang cheap na payong na inagaw ko kanina. At dahilan din ng pagdilim ng paligid ko.

--
Natasha's POV

"President: Violet Georgeana Jensen"

Pagkarinig ko nung mga salitang iyon ay labis na pagkainggit ang nadarama ko kay Violet. Bakit? Kase siya, halos lahat ay nasa kanya na, ang paggiging maganda, matalino, paggiging aktibo sa paaralan, at siyempre anak mayaman at mahal na mahal ng mga magulang niya. Eh ako? Ano ba naman ako? I mean, Ano ba naman ang meron ako? Wala pa akong napapatunayan. Kaya siguro iniwan kami nung tatay ko.

Ang totoo kase, ang nanay ko ay patay na matapos ipanganak ako at si nanay Minda ay ang nag-aalaga nalang sa akin matapos akong iwan ng nanay at tatay ko.

Ewan ko, pero siguro ay malas talaga ang lahi ko. Pero mabuti nalang ay nandiyan ang mga Jensen para tulungan ako at si nanay Minda.

"Haiish", napabuntong hinga nalang ako habang nakasandal ang likod ko sa pintuan ng isang classroom na sa harap ng mga lockers.

*BOOOOOOOOOOGSSHH*

"Ay shot!", napahimas ako sa likod ko dahil sa sakit ng impact.

"Ay miss miss! Sorry sorry", pagpapaumanhin ng lalakeng  nagbukas ng pintuan na di ko nakikita dahil sa nakayuko ako at namimilipit sa sakit.

"Anong sorry?! Sorry you're face!", sigaw ko ng naiinis kase sumasakit parin ang likod ko.

"Sorry miss but nagmamadali ako. If may nasirang buto diyan sa likod mo ay ito number ko...", sabay abot niya sa akin ng calling card. "...tawagan mo nalang ako o di kaya i-text if may kailangan ka", sabay talikod niya at nakita ko ang mga paa niya ay naglakad na palayo. Agad naman akong tumayo ng tuwid.

"Hoy! Di ko kailangan ng text mate o kung ano!"

Pero siya ay patuloy sa paglalakad na parang walang nangyari. Bahala siya.

Yumuko ako at kinuha ang sapatos ko. At...

*BLAAAAG!*

Boom! Sapul sa ulo, nahimatay ang tao.

Beware! I am a kontrabidaWhere stories live. Discover now