"Di ko na kaya Kris." yan ang huling salitang sinabi ko bago kami maghiwalay.
Ako si Rachel. Hindi ako nagsisisi sa nangyari. Sa wakas malaya na ako tapos na ang pagtitiis, wala nang pagkukunwari, hindi na ako magbubulagbulagan.
Siguro sa lahat ng nagbreak sa Pilipinas ako na ang pinakamasaya. Hindi ko na kasi siya matitiis eh.
Tao lang ako. Di ko na kaya. Ikaw ba naman magkaroon ng boyfriend na TH. As in Tamang Hinala. Napakaseloso. At sobrang nakakasakal. Daig ko pa ang nakakulong eh. Kailangan ko pang sabihin sa kanya kung nasaan ako o kung ano ginagawa ko.
Hindi naman siguro masamang mang-iwan. Kesa naman magkunwari akong masaya habang hinahayaan kong makulong ako. Makulong sa puso niyang one-sided.
Naalala ko pa dati yung nanliligaw pa lang siya. Hay nako parang Santo sa sobrang bait. Daig pa ang asukal sa sobrang sweet.
Pero nung kami na bigla siyang nagbago. Lumalabas na yung ugali niya. Nakita ko na yung tunay na siya. Pero pinabayaan ko lang. Tiniis ko lang. Kaya pa naman eh. Kakayanin.
Pero tao lang ako. Napapagod. Nahihirapan. Nasasaktan.
Kaya sa mga taong nagtitiis. Babae ka man o lalaki o kaya naman bakla o tomboy. Ito lang ang tanong ko: "Kaya mo pa ba?"
Kung hindi na, wag mo nang patagalin kasi wala rin patutunguan. Pareho lang kayo masasaktan. Pero baka naman pwede pang pakiusapan. Pwede naman diba? Sayang din kasi eh. Basta lakasan mo lang ang loob mo.
Tandaan mo, kinaya ko. Sana ikaw dun. Meron naman siguro dyan na iba na mas deserving ang pagmamahal mo.
Baka yung katabi mo na o yung kachat mo o yung katext mo o yung kapitbahay niyo o yung bestfriend mo o yung ex mo o yung kaklase mo o yung officemate mo o yung taong nagbabasa nito.
Tayo ang nagpapatakbo ng buhay natin. Hindi natin kailangan pumili ng taong mamahalin natin dahil kusa itong darating sa tamang oras at panahon.
