Tila kay tagal niyang kinimkim ang mga damdamin na tatlong araw pa lang naman niyang natatandaan.

Tumayo ito at tarantang lumapit sa kanya. Sinapo nito ng mga palad ang magkabila niyang pisngi. "Yes. Yes, I know you. Kabisado kita. Every inch of you, every smile, every words, every actions... Kilala kita. Kilalang-kilala ng puso ko."

Binaba niya ang kamay nitong nasa pisngi niya. "Then why didn't you notice the pain I'm too afraid to say? Why didn't you see that my every 'okay' meant something else? Bakit, Reeve?"

His lips parted in surprise, never expecting everything that she said. Hindi nito magawang makasagot.

"Bakit hindi mo nakita sa mga mata kong nasasaktan ako?"

"Sweetheart, kapag may kasalanan ako, agad akong humihingi ng tawad sa'yo. Hindi ako tumitigil. You always forgive. S-Sabi mo lagi mo 'kong patatawarin—"

"Kaya ba inabuso mo?" sikmat niya. Napatayo si Agatha at tinulak si Reeve. "Alam mong mabait ako, pero hindi mo man lang napansin na nagiging tanga na rin ako sa'yo?"

"Agatha! That's who you are! You're love! You're always patient and kind. You keep no record of wrongs—"

"At ako na lang ang hinayaan mong magmahal sa'yo ng ganoon? Ikaw, anong ginawa mo? Sige, pinapatawad pala kita. Alright, that's my choice. Pero pagkatapos ba kitang patawarin, do you keep yourself worthy of the forgiveness?"

Tila ito nanghina. Napakapit ito sa upuan at humawak doon nang mahigpit. "M-Marami akong pagkakamali, bago ang aksidente... I admit I neglected you and the children. But I have learned my lesson and I—"

"Hindi iyan ang pinag-uusapan natin, Reeve." Namalisbis ang mga luha sa mga mata niya. "Mahal mo ako, Reeve, hindi ba? Hindi mo ba nakita minsang napagod na 'ko?"

"Sweetheart..." pilit siyang inabot nito.

"Was it because you always viewed our love as gentle and calm that's why you never acknowledged the chaos? Were you living the illusion that our love and marriage is perfect, Reeve? Kasi perpekto tayong nagsimula?"

O kasama si Agatha sa nag-iisip din na nandoon sila sa pag-ibig na iyon? Perpekto? Kaya hindi siya umiimik? Kaya hindi siya umaangal? Kaya hindi niya pinakitang nasasaktan siya?

"May kasalanan din ako, Reeve. I... I think I overdid being kind. I overdid being submissive..." Napayuko. "When you forced me to bed before, I just forgave you kahit na sa likod ng utak ko parang ayoko nang tignan ka."

Malakas na napasinghap si Reeve. "Y-You... r-remembered?"

"Sabi mo... kalimutan ko na ang pangarap ko," napahagulgol bigla si Agatha.

She can't control her words, her tears, her feelings... Parang ibang tao siya ngayon. Tila may kumawala sa kanya na hindi niya magawang pakawalan dati pero ngayon ay matapang na binuksan ang kulungan at malayang tumakas.

Kinulong siya ni Reeve sa mga bisig nito. "I'm sorry... I'm sorry! Agatha, I thought you already forgave me completely when I forced you years ago. About your dream... I didn't know... I can't remember what I've told you."

Umiiyak pa rin si Agatha kahit gusto niya nang tumigil. Anong nangyayari sa kanya?

"I submitted everything to you because you're my husband and I trust you. Yet, Reeve... you forgot to be worth submitting to."

Tumaas baba ang dibdib nito. "H-Hindi ko napansin... I'm sorry, sweetheart. I'm really sorry. I'm..." Napayuko ito.

"H-Hindi mo na kami pinansin ng mga bata. Nakailang sabi ako sa'yo, pero nakikinig ka lang at babalik sa dati!" Sinuntok niya ang dibdib nito. "H-Hindi ko alam... hindi k-ka... Hindi ka na kilala ng puso ko, Reeve. Bago pa ang aksidente, nakalimutan ko na kung sa paanong paraan pa kita mamahalin! Gusto ko nang tumigil!"

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now