Naghanap siya ng gatas at ininit iyon. Umupo siya sa high stool chair katapat ang island counter ng kusina.

She drank silently. She closed her eyes and tried to pray.

Naputol lang ang solo niyang katahimikan nang makarinig siya ng mga yabag pababa ng hagdan.

Pumasok si Reeve ng kusina, nakapantulog na rin. Sumandal ito sa hamba ng kitchen door. "I'm sorry for what I said earlier. I realized, parang nagmamadali na naman ako."

Tumango siya. "You sound like you wanted me to easily surrender everything to you. Even my heart. Sanay ka bang ganoon ako sa'yo?"

Napakurap ito at napatingin sa kanya.

Nagsalin siya ng mainit na gatas sa panibagong mug. Inabot niya iyon sa asawa.

"What frustrates you, Reeve?" malumanay niyang tanong rito.

Napaupo rin ito sa stool chair, may dalawa pang upuan ang nakapagitan sa kanila. Hinigop nito ang mainit na gatas.

"I don't... know, sweetheart. I don't know..." nanghihina nitong sagot.

"Gusto kong bukas na tayo mag-usap para malinaw sana ang mga pag-iisip natin at hindi na ganoon kataas ang emosyon. But I guess, I should stop prolonging things, too, and start talking the moment I knew there's a problem that needs our immediate attention."

Napakunot noo ito. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo..."

She sipped some more milk. Kumalma ang kalamnan ni Agatha. Words easily formed inside her head. Tila ba kay tagal na ng mga salita doon at hinintay lang na mabuo niya para masabi.

"What frustrates you, Reeve?" tanong niya ulit dito. Matapang na sinalubong niya ang mga tingin nito.

Hindi niya alam kung maaawa ba siya o hindi dahil tila paluha na naman ito.

Bakit ganoon? Bakit sa alaala niya ay napaka-makapangyarihan nito? Iyong tipong hindi luluhod kahit kanino dahil ito ang kailangang luhuran.

Reeve Leonardo Monteverde, in her memories, is uptight. Sweet but dominating. Smiling but always reserved.

Nagbago ba ito sa walong buwang pagkawala niya? Did her husband realized her worth?

"What do you mean what frustrates me, Agatha?" napapagod na sabi nito. "What frustrates me? Heto. Tayo. You see, I understand your condition. The amnesia and all the things you think would help you remember me. But was it effective? Naaalala mo ba 'ko? Iyong nararamdaman mo sa'kin?"

"Is that what really frustrates you?"

"Hell, yes! We've been doing sex for three straight nights, Agatha. Three straight nights! Pero kahit isa doon, kahit isa, hindi kita maabot. Hindi ako makapasok sa puso mo. Hindi kita maramdaman!"

Nanatiling kalmado si Agatha. "Or you can't accept the fact that I'm not the same wife you once had before?"

"W-What?"

"Iyong ibibigay sa'yo ang lahat. Iyong madali mong naaabot kasi hindi mo kailangang mag-exert ng effort para tumingkayad man lang. Ako ang yumuyuko sa'yo." Binitiwan niya ang hawak na mug at mapait na nginitian ito. "Hindi ba talaga tayo nag-aaway noon? Wala ba talagang problema? O mayroon pero hindi mo pansin?"

Napakurap-kurap si Reeve. "W-Wala kang sinasabi noon..."

"Did you bother to ask? Did you spare time to notice? O kapag sinabi kong ayos lang, maniniwala ka lang? Maniniwala ka lang kasi convenient sa time mong wala na tayong pag-awayan? I thought you know me, Reeve?" nagsimula nang manginig ang boses ni Agatha.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now