Friendship Over

72 3 0
                                    

Last Shooting Day.

Enchongs POV
Last day na ng shooting namin, hindi ko na naman laging mkakasama si Erich. Gustuhin man kasi namin na habaan pa ung show, hindi na rin naman nya kaya, sobra na yung pagod nya. Ilang beses na syang nagcollapsed, nilagnat, pero kahit may sakit sya hindi kami pwedeng tumigil kasi airing yung palabas. Kung alam lang nya kung gano ako nag-aalala lagi sa kanya, nung dinala sya sa ospital, ayoko sanang iwanan sya, gusto ko ako yung nasa tabi nya, kaso kailangan ko pang mag taping ulit. Ngayong gabi, habang paunti ng paunti yung oras na pwede ko syang makasama, na pwede ko syang makaeksena, lalo kong nararamdaman ang lungkot. Ilang oras kasi mula ngayon, kakailanganin kong umalis, may trabaho akong aasikasuhin at ilang buwan din akong mawawala, at hindi ko pa yon nasasabi sa kanya. Binigyan kami ng 30 mins break bago namin gawin ang huling eksena kung saan magpopropose ako sa karakter nyang si Erika. Nkahiga lang kami sa kama at nagkukulitan gaya ng nakagawian na namin, nakahilig sya sa dibdib ko habang hawak hawak yung maliit nyang electric fan na hindi pwedeng hindi nya laging dala
Enchong: Will you miss me?
Erich: Syempre naman, pero hindi naman dahil tapos na tayo dito ndi na tayo magkikita, drama mo
Enchong: My project ako sa Singapore, hindi ko nsabi sayo
Erich: Ha? When will you be leaving?
Enchong: Mamayang madaling araw, 5:00 am flight ko
Erich: mamaya na,?!
Echong: Yeah, Im sorry i didn't tell you, ayoko na kasing isipin mo pa yun
Erich(hinampas ng bagahya ang dibdib ni Enchong): You're so mean, hindi mo man lang ako sinabihan, sana nakasama ko sayo
Enchong (Habang pinipinch ang ilong ni Erich): as if naman sasama ka, at makaksama ka, di ka pa nga tapos sa taping...tsaka sa SG ako pupunta..sa SG..haha
Erich: talagang pinagdidiinan mo pa yun ha, tapos na yon,
Kahit binibiro ko sya nung mga panahon na yon, nung sinabi nyang gusto nyang sumama, sobrang saya ang naramdaman ko.
Enchong: Bakit parang ang init mo?
Erich: Kanina lang to, i feel dizzy na nga, siguro sa antok at pagod
Enchong: Nilalagnat ka na naman, (mas hinigpitan ko yung yakap ko sa kanya) halika nga dito, take a nap muna, ilang minutes pa naman
Erich habang nakapikit: Can you wait for me mamaya? Umuwi si Kit eh, my family emergency
Enchong: Sige, I'll take you home,
Erich: sa condo ako uuwi
Enchong: Bakit? ...Wala kang kasama kapag sa condo,
Erich: Wala din si Yaya sa bahay, umuwi ng Davao knina
Enchong: Ok, sige, hahatid kita sa Condo, take a nap na
Habang natutulog sya sa tabi ko, hinagod ko ang mga buhok nya at hinalikan sya sa noo, iniisip ko kung pano ko sya iiwan mamaya, sobrang taas ng lagnat nya tapos wala pa syang kasama.
After 20Mins
Staff: Chong, Rich magstart na tayo
Enchong: Ok po,.. Rich...rich...gising na, magstart na daw
Tumingin sya sakin, at humilig ulit sa dibdib ko: Im really dizzy, parang binibiyak yung ulo ko
Enchong: Eh ang taas nga kasi ng lagnat mo, kaya mo pa ba?
Erich: I can...saglit nalang naman tayo
Enchong: Oh sige, dahan dahan ha, baka bigla ka matumba pagtayo.
Inalalayan ko sya sa pagbaba sa kama, pagkatapos noon nagsimula na ulit ang taping namin,
Direct: Ok Chong, magpopropose ka sa kanya, then Dai pagsagot mo, you'll lean on him and kiss him gently ok?
Rich: Ok po direct
Enchong: daya ni direk gently lang daw, last na nga to eh, mageexpect ang Enrich fans nyan
Erich (hinampas si Enchong habang nakangiti): Grabe ka, hindi to Maria La del Barrio, tska bahala ka, kapag matagal yung kiss mahahawa ka sakin, hindi ka makakaalis mamaya
Enchong hawak hawak ang kamay ni Erich: kunwari ka pa gusto mo din naman
Erich: Haha, ok na tama na, let's start na
TBSProposal
Samuel: Will you marry me?
Kung alam lang ni Erich kung gano ko na katagal gustong itanong yan sa kanya, na kanina habang tinatanong ko yon sa kanya, iniisip ko sana totoo na lang yung eksena. Lagi akong tinatanong, bakit hindi ko sya niligawan, bakit hindi naging kami, ang totoo hindi ko rin alam ang sagot, lagi kong sinasabi na ok na kami as friends, pero ang totoo matagal ko na syang mahal, ilang taon ko na syang minamahal kaya hanggang ngayon wala pa akong partner sa buhay. Siguro mahirap ngang umasa, pero mahirap din naman magmahal ng napipilitan ka lang, kaya kahit mahirap, kahit masakit, mamahalin ko na lang sya sa paraan na kaya ko.

I Love You Erich Where stories live. Discover now