SYNOPSIS

0 0 0
                                    

Nagmula ako sa pamilyang 'di mayaman at 'di rin mahirap.

Pero,kahit na ganun masaya kami,masaya sila.

Kumpleto kami,pero 'di ko dama.

Sinasabi nilang mahal nila kami o ako,pero 'di ko dama.

Oo,sabihin na nating binibigay nila lahat ng gusto ko o namin,pero 'di yun yung mga bagay na nagpapasaya sakin.

Nakikita nila kaming masaya,pero sa likod ng mga ngiti na yun,may nakatagong lungkot.

Oo,kumpleto kami,pero nagbobonding ba kami?

Masaya ba kami?

Nasasabi ba namin lahat ng gusto naming sabihin?

Sa totoo lang,mas gugustuhin ko pang maging mahirap,atleast kasama ko sila araw-araw.

Hindi yung medyo nakakaangat nga kami sa buhay pero kasama ba namin sila?

Minsan masarap sabihing 'pwede bang samin na lang yung atensyon nyo?' 'Pwede bang umuwi kayo araw-araw?' Pwede bang dito na lang kayo sa bahay?'.

Oo,alam ko/alam namin na kaya kayo naghahanapbuhay para samin,pero parang daig pa namin yung mga ibang batang nasa abroad ang mga magulang o sabihin na nating  parang walang kinalakihan na magulang.

Dahil simula't bata kami,wala kayo sa tabi namin.

Natutulog kaming walang katabi.

Kumakain kaming walang magulang na katabi.

Nagsisimba kami na walang kasamang magulang.

Gumagala kami ng walang kasamang magulang.

At higit sa lahat,naramdaman naming parang wala na rin kaming mga magulang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 22, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

One ShotWhere stories live. Discover now