Chapter 1: Tom and Jerry

10.7K 196 11
                                    

Anne's POV

Mainit ang ulo ko dahil may demonyo na humarang sa daan ko para lang batiin ako ng igood morning' akala naman niya good ang morning ko. Paano ba naman kasi, hanggang college ay same university kami. Wala bang originality ang impaktong iyon? 

Fourth Year College na ako at mahigit isang dekada ko na kasama si Lucifer at mahigit isang dekada na ako naghihirap sa ugali niya. Pinikit ko nang mariin ang mata ko. Fine Arts ang Course ko pero concentrated ako sa Photography at sa isang sikat na University ako nag-aaral dito sa Maynila, paano si Ate Maki ang nagpaaral sa akin. matapos ata nila magkahiwalay nung Persues na yun na kapatid ni Lucifer ay naging manhid ang ate ko. 

 Si Lucifer ay Business Management ang kinukuha pero ngayon pa lang ay sikat nang artista. Biruin mo iyon, kahit saan ata ako malingon sa University at sa Pilipinas ay bill board niya ang nandoon, paano ba naman, gwapo, matangkad, matangos ang ilong at isa na akong tanga para purihin na gwapo siya. 

Pero ayun na nga. Sumikat si Lucifer noong 2nd year college na kaming dalawa at halos lahat nang babae ay gustong-gusto siya. Well, gusto ko din siya as in gustong-gusto...na p@tayin. Paano ba naman, nagagalit sa akin ang mga babae sa school dahil ako daw lagi hinaharang ni Lucifer para batiin nang good morning. 

Naku, kung alam lang nila na ang pagbati ni lucifer ay isa sa huling bagay na gugustuhin kong mangyari sa buhay ko. Siguro kapag 1 second na lang at 'End of the World' na. Malakas ang bwisit na iyon kasi kahit sino ata kaya niyang pasunurin. 

"Makia Sinukuan Rivera Diaz"

Pinikit ko nang mariin ang mata ko nang marinig ko na naman ang boses niya at talagang maririnig hindi lang sa lugar na kinatatayuan ko kundi sa mismong buong university. Nasa Journalism room ata ang impakto at pinage pa ako. 

"Makia Sinukuan Rivera Diaz, sana pansinin mo na ako. Date lang naman oh! "

Demonyo di ba? Ang lakas magsabi pero kat@rantaduh@n lang naman ang gustong mangyari. nakita kong tumingin sa akin ang mga nakakasalubong ko. Kilala din naman ako sa school kasi hindi ako papatalo sa pagiging photographer at halos lahat nga gustong-gusto ako maging photographer para sa portfolio nila para sa modelling pero umaayaw ako. 

"Ano?!" angal ko sa mga lalaking nakatingin sa akin. Umiling ang mga ito tsaka nagtakbuhan papaalis. 

"Maria Sinukuan Rivera Diaz, hindi kita titigilan hangga;t hindi ka pumapayag. Kitain mo naman ako dito sa Audio Room. Mag-usap tayo"

Ang Impaktooooooo! 

Sana malagasan siya ng ngipin para hindi na siya magustuhan nang mga babae. Sana mabaog siya at sana mapilay siya. Lahat na nang kasamaan ay naiisip ko dahil sa kanya. Nagiging masama ako dahil masama siya sa akin. 

At para hindi na ako pagtingin nang mga tao ay tumakbo ako papaakyat sa Audio Room doon at padabog kong binuksan ang pintuan ng room. nakita ko siya doon na prenteng nakataas ang kamay at paa sa lamesa. Nakangisi ito at kumaway sa akin sa salamin na naghihiwalay sa aming dalawa. Pumasok ako sa Studion Room at lumapit sa kanya. Hinila ko siya sa kwelyo. Hindi naman siya pumalaga.

Eto lang ang gusto ko kapag nag-aaway kaming dalawa dahil wala siyang palag pa ako na ang humihila o nanakait sa kanya pero kapag iba talagang nakikita ko na nakikipagsabayan siya. 

Lumabas kami sa Studio at dahil walang tao ay magagawa ko ang gusto ko. Tinulak ko siya kaya siya napasandal sa may salamin nang studio. 

Ngumisi ito at nagtaas ng kamay "Ikaw naman, baba. Hindi mo ba ako namiss, ilang araw din tayong hindi nagkita kasi ang hirap nang sunod-sunod ang schedule" tumawa pa ito at ang sarp lang suntukin ng mukha talaga. Hindi pa ba siya masaya na nabuwisit niya ang buhay ko for almost 1 decades at kung hindi pa siya nagsasawa sa mukha ko kasi ako sawang-sawa na sa mukha niya. 

Truth or DareWhere stories live. Discover now