Nang lilingunin siya nito ay iniwas niya ang tingin. Niyakap niya ang bunsong anak na naglalaro sa ibabaw ng kama. Ramdam niya ang pagtitig sa kanya ng asawa.

Gusto niya sanang magtanong tungkol sa naalala niya. Pero parang hindi rin magandang pag-usapan iyon...

Nang gumabi ay sabay-sabay silang kumain dahil nagpadala ng hapunan ang gobernador para sa kanila.

Hindi na sila nakapag-usap ni Reeve dahil kanya-kanya silang asikaso sa apat na anak.

Sa pagtulog ay nakagitna sa kanila ang apat na anak sa kama. Ipinagpapasalamat iyon ni Agatha dahil sa tingin niya ay hindi pa rin siya handang tumabi kay Reeve kahit may halos nangyari kanina sa banyo.

Nagising siya kinabukasan na nakayakap sa kanya ng mahigpit si Rainiel. Sila na lang ang naiwan sa kama. Hinaplos-haplos niya ang buhok ng anak bago siya bumangon para tignan kung nasaan si Reeve at ang tatlo niya pang anak.

Pagkababa niya ng hagdan ay may naririnig siyang tawanan sa loob ng kusina. Napangiti siya nang madatnan ang tatlong anak na nagtatawanan over some toys. Si Reeve naman ay abalang nagluluto.

"Good morning, Mommy!" Riana jumped off from her chair and ran towards her. "Daddy's cooking breakfast for you!"

Napatingin siya kay Reeve. Nakatingin na rin pala ito sa kanya. Agad siyang nag-iwas ng tingin dahil bigla niyang naalala ang mga halik nito kahapon.

"Good morning," he greeted.

"Morning..." she greeted back, not looking at him.

Hinawakan niya sa kamay si Riana at tinanong kung anong ginagawa nito kasama ang dalawang kapatid.

Nagising na rin si Rainiel maya-maya at sumama sa mga kapatid nito. Tumayo muna si Agatha at nilapitan si Reeve. Hindi naman puwedeng patuloy niyang iwasan ang asawa.

"May maitutulong ba 'ko?"

Tila nagulat ito at napalingon sa kanya. "A-Agatha... no, it's okay. I can manage. Saan mo pala gustong mamasyal mamaya? Susunduin natin si Sasa."

"Hindi ko alam kung anong pinapasyalan dito sa Iddu..."

"They have a beach here. Maybe we can go and let the children play in the sand and water."

"That sounds a good idea."

Wala nang nagsalita sa kanila. Babalik na lang sana si Agatha sa mga anak nang tawagin siya ni Reeve. Nilingon niya ito.

"Did you feel something else yesterday? About our kiss?" Matapang itong humarap sa kanya at hinuli ang mga tingin niya. "Before you pushed me, we were almost there. You gave in..."

Napakurap siya. Hindi niya inaasahan ang pagtatanong nito niyon.

May naramdaman ba siya sa halik? Hindi niya maitatangging nakaramdam siya ng kakaibang sensasyon na para bang nagpapasabik sa buo niyang katawan. Pero hindi ba tila pampisikal lang ang naramdaman ni Agatha?

Dahil kung sa emosyon ay... wala siyang maisip. Natakot siya kaya tinulak niya ito sa bandang huli.

"Agatha."

"P-Physically, yes. I wanted the kiss, too. It brought sensations all over me. It was... great."

Pinatay nito ang kalan at nilapitan siya. "Then why did you push me away, sweetheart?" nasasaktang sabi nito. "Hindi sa naiinip ako, o nagmamadali, o kung ano pa man. But, I can feel it here..." sabay turo nito sa kaliwang dibdib. "Even without your memories of me, you know me by heart."

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now