Lumayo si Reeve at sa gulat niya ay naiangat siya nito paupo sa marble sink ng banyo. Mas nakakapaso ang mga kamay nitong nakapasok na sa loob ng suot niyang blusa.

When his hand reached her bare breast, the temperature went instantly high. Tuluyan nang natabunan ang pagtanggi sa buong sistema ni Agatha. Napalitan na iyon nang nakakahumaling na kilabot sa bawat himaymay ng balat niya.

Reeve muttered something before his lips trailed down her neck. Mula sa marahan at maingat na paghalik, ay mas naging mapaghanap pa ang mga labi nito.

He pushed her back, leaning against the mirror. Hindi niya alam kung paanong sa iilang segundo lamang ay nagawa ni Reeve na tanggalin sa pagkakabutones ang suot niyang blusa. Ang kamay nito'y nasa loob na ng hita niya! Naililis na pala nito kanina pa ang suot niyang palda.

"R-Reeve..." ungol niya nang pinaghiwalay nito ang mga hita niya.

May sinabi ito pero hindi niya na naintindihan dahil nanlalabo na ang buong isip niya. Napapikit siya at napatingala.

"Reeve, please... I don't want to make love now..." naiiyak niyang sabi.

"Come on, sweetheart. I'm tired from work! Don't resist." Marahas na hinila siya nito sa kama.

"A-Ayoko... I'm not feeling well and you're drunk... Reeve, no!"

Biglang napadilat si Agatha at malakas niyang tinulak si Reeve.

"What the—?!" Gulat na napatingin ito sa kanya. "Agatha?"

What was that? Was that a memory? Bakit takot na takot siya doon? Bakit siya nasasaktan doon?

"I'm s-sorry." Bumaba siya mula sa lababo at nagmamadaling inayos ang sarili. Pagkaharap niya sa salamin ay namumula ang buo niyang mukha, pero may namumuo ring luha sa gilid ng mga mata niya.

Anong nangyayari? Ano ang naalala niya?

"Are you alright?" nag-aalalang tanong ni Reeve. Pinaharap siya nito rito at masuyo siyang niyakap. "Did I overdo it? Did I scare you?"

Sasabihin niya bang parang may naalala siya rito? Pero bakit ganoon ang naalala niya? Bakit doon ay pinipilit siya ni Reeve at nasasaktan siya?

Pagtingala niya rito ay sinalubong niya ang mga tingin nito. Punong-puno nang pag-aalala ang mga mata ni Reeve sa kanya.

"Sumakit ba ang ulo mo?" tanong pa nito at hinaplos ang noo niya. "Sweetheart, tell me what's wrong..."

Umiling lang siya. "H-Hindi pa siguro ako handa. P-Pasensya na, Reeve..."

Napakurap ito. "I-I see." He gently let go of her. Humugot ito nang malalim na hininga. "I'm sorry."

Lumabas si Agatha ng banyo. Nanonood na ng TV ang mga bata.

"Mommy, look! They have cartoons," turo ni Riana.

Si Rainiel ang may hawak ng remote control. "We should watch News channel instead of cartoons, Riana."

"That's boring, Kuya Rain. Adam and Rade want to watch cartoons, too. It's a majority!"

Hindi siya lumingon nang marinig niya ang paglabas ni Reeve mula sa banyo. Humiga na lang siya ng kama at pilit inaalala kung may kadugtong pa ang kaninang naalala.

Pero wala na ulit siyang naalala. Lihim siyang napatingin kay Reeve na nakaupo sa carpet habang nakakandong dito si Riana at Adam. Nanonood ang mga ito ng cartoons.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now