1st Wave

6 2 0
                                        

December,2018

Ang boring nung gabing iyon.
Sobrang lamig.Papalapit na kasi yung pasko nun.But my mood suddenly changed nung nag-popped sa Active List ko yung pangalan mo.

Nagsimula akong bumuo ng mensahe.
Kiel Vin Castro:
Hi,Shiella!
Siyempre,'di ko magawang i-send sa kanya yung mensaheng yan.Tangama!Nakakahiya par!Binura ko muna.Nag-isip ulit ng mabisang paraan para iwas pahiya.
Kiel Vin Castro:
Good Evening,Ms.Beautiful!
'Tangama ulit!Bobohan ba 'to Vin?Gusto mo ba talaga patayin sa kahihiyan yang sarili mo?'Pang-aaway ko sa bobo kong sarili.Tsk!
Hindi ko na nga lang siya ime-message,paki ko ba sa babaeng 'yon!Hindi ko naman kaanu-ano 'yon,maganda ba 'yon?tsk!eh 'di maganda siya!May matangos siyang ilong,mapupulang labi,tsk!Tapos ang hahaba pa ng pilikmata ng babaeng 'yon!Nakakabakla ah!
Back.Pilit kong paulit-ulit na pinindot yung 'back' button ng Android kong phone na patapon na rin naman at isang basag na lang ay mahihiwalay na sa kaluluwa nito.
Tangama!Nag-hung pa itong sirang phone ko.Kainis!
In-off ko na lang at tumayo upang pumunta sa kwarto ko nang biglang tumunog yung pa-junk yard kong phone.
Ayos na pala eh!Natulala ako sa aking nakita.Yung babaeng palihim kong minamahal ay pinadalhan ako ng mensahe!'Di kaya...may gusto din siya sa akin?
Shiella Montemayor:
Hi!
Whoah!Sa simpleng 'hi' niya pa lang pinagpapawisan na'ko dito at parang nag-fe-freeze dito sa kinatatayuan ko.Hindi ko alam kung paano ko yun tutugunan.Kinikilig ako sa 'di malamang dahilan.Mahal nga talaga kita,Ms.Montemayor.Pero mas 'di ko alam ang dahilan kung bakit niya ako pinadalhan ng simpleng pagbati.Ayoko ng alamin.Ayos na ako sa kalagayang ito.Yung mahal ko siya pero may minamahal siyang iba.

Halos limang buwan na rin tayong nag-cha-chat.Ang saya mo pala kausap.Ang dami ko ring nalaman tungkol sa'yo,mahilig ka din pala sa K-pop,pareho tayo.Oo fanboy ako pero 'di ako baklita.Minamahal mo din pala ang One Direction,mukhang iisa lang pala ang pinupusuan natin.Sana nga iisa yung nararamdaman nating dalawa.Boy bestfriend mo na 'ata ako eh!Madalas din tayong lumalabas pero hindi date ang tawag dun,pakikihalubilo lang.Chos!Buo na ang araw ko kapag nagkaroon tayo ng conversation.Bakit kaya ang hilig mong mag-'haha' sa mga pinagsasasabi ko?Nakakatawa ba ako?Baka naman natutuwa kang kausap ako.Hmmpf.Na-attached na yata ako sa'yo.Tangama!Asang-asa ako par!
Gusto na talaga kita ay este mahal na mahal na talaga kita.
Lumipas ang ilan pang mga buwan bigla kang nag-iba,ewan ko ba,pero sa tuwing ime-message kita ay 'seen' lang ang naging tugon mo rito.Tugon nga ba 'yon?Tiniis ko 'yun,mahal kita eh!Alam ko kasing busy ka at may pina-prioritize kang ibang bagay--STUDIES.Ilang oras,minuto at segundo na ang lumipas at ilang buwan na rin ang ginugol ko sa paghihintay na baka magparamdam siya ulit.
Hanggang sa dumating yung buwan kung saan birthday mo na.Naliwanagan ako nung araw na 'yon.

Shiella Montemayor:
Kamusta na?
Hindi ako makagalaw.Hindi ko alam kung tutugon ba ako o kung hindi na lang,ayoko na kasing mag-hintay.Dahil 'di naman ako snob sa personal,chos!Este sa chat pala,tinugon ko na lamang.
Kiel Vin Castro:
Oyy!Aus naman ako!Anuenah?Hihi!
Walang kwenta yung ni-reply ko.Tangama!Hindi ko kayang sabihin sa kaniya kung bakit ang tagal niyang 'di nagparamdam.Miss na miss na miss ko na siya.Sobrang attached ko sa kanya ng dahil sa tangamang 'wave' na iyon.
Seen.'Yan na naman ulit yung tinugon niya.Okay,tanggap ko.
Umalis ako ng bahay upang puntahan yung kaibigan ko na isang event organizer,naghahanap kasi ng singer,wedding singer.Raket din yun kesa naman mag-abala akong isipin si Shiella.
Two weeks after,kasal na pala nung kliyente ni Trizh--yung event organizer na kaibigan ko.
Nagsuot lang naman ako ng formal black suit.Gagago-gago lang 'to pero paminsan-minsan desente din 'to!Chos!Habang hawak-hawak ko ang mikropono ay 'di ko mapigilang hindi maiyak.Natatanaw na ng mga tao sa simbahan ang babaeng ikakasal.

Nakasuot ng napakagarbong kasuotang pang-kasal ang babae.Halos maabot sa dulo ng pintuan ng simbahan ang haba nito.
'Ang swerte ng mapapangasawa ng babaeng ito.Napakaganda niya.Lahat ng ihihiling mo sa isang kalidad ng babae ay nasa kanya na.Swerte.'

"Ako sa Kiel Vin Castro nakatayo sa harap ng simbahan,sa harap ng ating Diyos at nanunumpang mamahalin...





















































...ko muna ang sarili ko bago ang iba."

Ang babaeng pinapangarap kong iharap sa altar ng simbahan at mangangakong iibigin ng wagas ay mananatili na lamang pangarap.Pangarap na kailangang kalimutan at ibaon sa limot!Pangarap ko na tinupad ng iba.

Sana hindi na lang ako nagpadala sa hampas ng alon!Nananakit nga talaga.Nananakit ng puso!















C.A:
Thanks sa time upang magbasa nitong akda ko kahit hindi naman kagandahan!Chos!





Você leu todos os capítulos publicados.

⏰ Última atualização: Aug 30, 2018 ⏰

Adicione esta história à sua Biblioteca e seja notificado quando novos capítulos chegarem!

"Wave"Onde histórias criam vida. Descubra agora