Hindi pa ako nakatulog kaagad nang tumalikod ako sa kanya. Hindi ko pa din kasi maiwasang mag himutok eh. Ano bang mali sa akin? Isang buntong hininga ang pinakawalan ko at pinilit ko na lamang matulog.

"Hey. Wake up." Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang marahang pag yugyog sa akin.

Antok na antok ako pero nang mag sink in sa akin na nasa sasakyan pala ako ni Scor ay agad nagising ang diwa ko.

"What? Andito na tayo?" I asked him. Medyo disoriented pa ako sa paligid.

And maybe nanaginip pa ako but I swear I saw his lips twitch. Is that a slight smile? Ilang beses akong kumurap at saka nag kusot ng mata. Tumingin ako sa paligid at nakita kon nasa isang gas station kami.

"Bakit tayo huminto?" Wala sa sariling tanong ko. Nakita ko sa orasan ng sasakyan na 8 am palang.

Tumikhim siya bago sumagot.

"I had to use the comfort room." Nag iwas siya ng tingin sa akin at dahil bagong gising ako ay tumango na lamang ako.

Napatulala lang ako sa mga dumadaang sasakyan at ang tanging nasa isip ko pa ay tulog. Teka nga, eh bakit di pa kami umaalis?

"Bakit 'di pa tayo umaandar?" Paos ang boses na tanong ko.

"You said you wanted to eat. We're already in a gas station." Inirapan niya ako at doon lamang may umilaw na bumbilya sa ulo ko.

Ano ba iyan. Wala akong energy na makipag inisan sa kanya. Tumango nalang ulit ako at hinagilap ang wallet ko sa bag ko.

"Sige. I'll buy coffee. Gusto mo din?" Hindi ko na siya niyaya pang samahan ako dahil alam ko naman na mare reject lang ako.

"Yeah. Americano. The tall one." Kumuha siya ng 500 sa lalagyan sa sasakyan niya. Doon nakalagay ang mga resibo at pambayad sa toll. Nasaan na kaya kami?

Hindi ko tinanggap ang 500. Umiling ako at ngumiti.

"Hindi na. Treat ko na ito." Sabi ko bago bumaba ng sasakyan niya. Kinailangan ko pang tumalon dahil ang taas noon. Ang lalaki ba naman ng mga gulong eh.

Medyo malayo pa ang Starbucks mula dito sa pinag parkan niya. Kailangan ko pang dumaan sa mismong gas station. Nang mapadaan ako ay nginitian ako ng mga gas boy at agad ko din naman silang nginitian. Maybe they're my fans, who knows? I have to be nice.

Medyo nakalagpas palang ako sa kanila nang maramdaman kong may humapit sa bewang ko. Nagulat ako at ready na sana akong manapak dahil inakala kong isa da mga gas boy ang humapit sa akin. Pero parang ako ata ang malalaglag nang makita kong si Scor iyon. Simangot na simangot nanaman ang mukha. Magkasalubong ang kilay at hindi ako tinitingnan.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko.

Bahagya lang siyang yumuko para tingnan ako at nagpatuloy na sa pag lakad.

Napalingon ako sa likod at nakita kong nag iilingan ang mga gas boy. Oh, so that's why! Alam ko na kung bakit.

Nang makarating kami sa starbucks ay pinaupo niya ako sa isang upuan.

"Stay there. Ako na ang bibili." Halos ipag tulakan niya ako sa upuan.

"Okay. Iced caramel machiatto ah." Ngiti ko dahil nakaka good vibes.

The Things I Hate About YouDonde viven las historias. Descúbrelo ahora