Prologue

0 0 0
                                        

             ----New Found Love----

Kung ang ibang tayo ay maraming what if's, ako naman ay maraming "Kung hindi lang" sa buhay. Life's been so unfair to me. Maraming mga bagay ang kinuha sa akin na hindi ko na mababawi.

Kung hindi lang ako naging matigas ang ulo ay hindi magkakasakit si papa. Kung hindi lang nagkasakit si papa ay baka buhay pa siya ngayon. Kung hindi lang namatay si papa ay baka hindi kami naghihirap ngayon. Kung hindi lang kami naghihirap ngayon ay sana naipagamot ko din si mama.

Pero ano pa nga ba? Hindi ko naman pwedeng takbuhan ito.

I sighed as I watch my mother tried to reach for her cup of milk. Mabilis akong lumapit sa kanya at marahang pinahawak sa kanya ang tasa.

"Ma, ma," I caught her attention. Luminga siya sa banda ko na parang nakikita niya padin ako. Gusto kong maiyak. Until now I'm not used to her like this. My mother used to be brave and independent. Pinalaki siya ng lolo na marunong tumayo sa sariling mga paa. But seeing her now, weak and blind, I wanted to cry. Pero nanawa na lang talaga ako.

I cried when I knew about my father's case, I cried when he died, I cried when we lose the company, I cried when no one tried to help us, I cried when my mother became blind, I cried when I couldn't do anything about it. Iniiyak ko na lahat. Ayoko na. Nakakapagod ding ngawaan yung mga bagay na alam kong hindi naman na maibabalik pa. What's the use of crying? Lalo lang ako nanghihina at nawawalan ng kumpyansa sa sarili.

"Tisha, diba may pasok ka? Why are you still here?" Nagtatakhang tanong niya.

I leaned on my chair. Pinagmasdan ko siyang mabuti at napailing. I tried to brushed off some hair in her face. Maganda padin ang mama kahit na nagkaganito siya. Hinawakan ko ang pilat sa ilalim ng mata niya. Hinintay kong umalma siya pero hinayaan niya akong haplusin iyon.

"Maaga pa naman ma. Maya maya na ako papasok." Pagsisinungaling ko. Ang totoo'y late na ako sa first subject namin.

"Anak pumasok kana. You have to go to school so we can get the company back."

Natigilan ako sa kanyang sinabi. Dahan dahan kong ibinaba ang kamay ko at malungkot na ngumiti. Until now she's still insisting to get the company back. Pag aari na iyon ng mga Damarcus. Ang asawa ng isang pinsan ni mama.

I gulped the bail in my throat. Kung gusto talaga nilang tulungan si mama, una pa lang ay ginawa na nila. Noong si papa na ang nagkakasakit ay hinahayaan lang nila. Pati noong nagluluksa si mama at nilululong ang sarili sa alak ay hinahayaan lang din nila. Saka lang sila sumunggab nang nakita nilang unti unti ng bumabagsak ang kumpanya and my mother doesn't have enough strength anymore to run it because she became blind by accident. Ipinakita nilang maaasahan namin sila, when in fact, ay bantay salakay sila. At first they're helping us, hanggang sa unti unti na nilang naaangkin ang lahat ng amin. Ipinatapon nila kami sa isang probinsya at nang magcollege ako ay saka lang ulit kami nakabalik ng siyudad. Pero hindi na namin muling naibalik ang kumapanya. Lahat ng ari arian ay naibenta. Pinambayad nila iyon sa mga stock holders na naagrabyado dahil sa muntikang pagbagsak ng kumpanya.

Masyadong greedy ang mga kamag anak ni mama. While my father's side have their own lives. Wala kasi kaming contact sa kanila. Growing up, I was inly with my mother's cousins, aunts and uncles. Wala akong kakilala sa side ni daddy. Now I'm wondering i they already knew what had happened to my father and to our business.

New Found LoveWhere stories live. Discover now