Chapter Two

400 5 3
                                    

(Nasa gilid si Nimfa. :>)

 Chapter two


Nimafa Bactotoy


Nakahiga lang ako sa kama ko, nagmumuni-muni dahil walang pasok. Minulat ko mga mata ko at bumangon, nakita ko ang mukha ni Jose sa poster na nakakabit sa pinto ko. Yun yung poster nung sumali sya sa Mr. Campus, kaso hindi sya nanalo kasi hindi sya nakasagot sa question and answer. Ewan ko ba dun kay Jose, lahat ata ng magandang katangian nasa kanya na kaso isa lang talaga ang di pinagkaloob sa kanya, yun ay ang utak. Hindi naman sa nagmamatalino ako pero di hamak na mas may alam ako sa kanya.


Tinitigan ko lang ang mukha nya sa poster, naglakad ako papalapit sa pinto para mas titigan sya ng malapitan. Isinandal ko ang ulo ko sa pinto at hinaplos haplos ko ang poster na parang kayakap ko mismo sya. hinaplos ko sa may bandang mukha nya.


"Mahal kita, mahal na mahal. Bakit pa kasi si Susan ang gusto m--" Hindi ko naituloy ang sinasabi ko nang biglang bumukas ang pinto at lumagatok ang ulo ko sa dingding sa likod ko at umuntog naman sa noo ko ang pinto. Double kill ako dun ah. Medyo nahilo ako.


"Nimfa, san ka?" sabi ni ate Gloria, kapatid ko. Iginala nya ang mata nya sa buong kwarto ko.


"N-nandito ako." sabi ko at medyo inalog-alog ko pa yung ulo ko.


"Oh anong ginagawa mo dyan?" sabi ni ate Gloria.


"Tumae!" sigaw ko sa kanya. Nakakainis kasi, hindi pa ba halata? na nauntog ako kasi binuksan nya yung pinto.


"Tanda tanda mo na, dyan ka dumudumi! May banyo tayo!"


Ay naniwala.


Humiga sya sa kama ko. "Bakit ka ba kasi nandito?" tanong ko.


"Tatanong ko lang sana sayo kung nasayo ba yung arenola natin, hinihiram kasi ni aling Conchita. Binenta nanaman daw kasi ni Mang Ponciano yung sa kanila. Talagang ulyanin na si Mang Ponciano." sabi nya na parang nanghihinayang sa arenola.


"Hala? eh diba nung nakaraan yung bakya ni aling Conchita yung binenta nya? mauubusan sila ng gamit nyan eh. Hala sige, nandun sa ilalim ng kama ko yung arenola. Tapon mo na lang yung ihi ko, di ko pa natapon eh tinatamad ako bumaba." sabi ko.


" Punung-puno ah." sabi ni ate Glo.


"Pinuno ko talaga yan para ipainom sayo." Pamimilosopo ko.


Inirapan nya lang ako at lumabas na. Maya maya naman ay may nagtext sa akin.


"Nimfa, pupunta akong Bicol bukas. Namatay kasi yung tito ko. Tutulong ako doon. Wala lang, gusto ko lang sabihin sayo." Sabi nya sa text.


Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Parang masaya na ewan. Kasi ibig sabihin wala sya, masosolo ko si Jose! Hindi! Mali tong iniisip ko.

Bakit si Nimfa Bactotoy pa? (COMPLETED)(Book 1 #NSJ)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon