Mapo-protektahan? Paano naman ang puso niya? Tiyak na manganganib iyon.

“Pero kung ayaw mo, okay lang sa’kin. It’s your decision.” Anito ng hindi parin siya nagsalita.

She wet her lips using her tongue. “It’s okay. You can have the room next to mine.” Sarah subtlety put her hand over her chest to calm her rapidly beating heart. “Mas mabuti nga yun siguro para sa proteksiyon ko.”

Shannon smiled then finished his coffee. After he put the cup on the sink, he walks towards her. Kakakalma palang ng puso niya, heto na naman at parang nakikipagkarera siya sa sobrang bilis niyon dahil lang sa lumapit sa kanya ang binata.

This heart of mine is crazy! Crazy for this guy in front of her. Urgh!

Kinuha ni Shannon ang tasa na hawak niya na may kalahati pang laman na kape. “Malamig na itong kape mo, hindi mo pa rin iniinom. Panay lang ang simsim mo samantalang malamig na ‘to.” Inilapit ng binata ang tasa sa bibig niya. “Here, drink it. Marami pa tayong gagawin.”

Her hands gripped the hem of her shirt to hide her slightly trembling and sweaty hands.

“Come on. Malamig na ‘to.” Shannon urged her to drink the coffee.

Slowly, her lips parted then leaned in to drink the coffee. Habang umiinom ng kape, nakatingin si Shannon sa gilid ng labi niya. Ipinikit nalang niya ang mga mata para pakalmahin ang puso niya na nagha-harakiri.

“Done.” Anito ng maubos niya ang kape at inilagay ang tasa sa lababo. “Come on. Ang sasakyan ko ang gamitin natin patungo sa crime scene.”

Nauna itong lumabas sa kanya, samantalang siya ay naiwang nanlalamig ang kamay sa sobrang kaba na naramdaman.

Sarah expelled a long and loud breath before she gets off from the island counter then walk after Shannon.

PAGPASOK nila sa bahay na pinangyarihan ng krimen, agad na naamoy ni Sarah ang malansang amoy ng dugo. Akmang pupunta siya sa ikalawang palapag nang bahay ng pigilan siya ni Shannon sa braso.

“No. Hindi ako papayag na mawala ka sa paningin ko.” Mariing sabi nito sabay hawak sa kamay niya.

Walang nagawa si Sarah kung hindi ang manatili sa tabi ni Shannon. Ayaw din niyang manganib na naman ang buhay niya. Ayaw niyang maburo na naman sa Hospital at walang magawa.

Habang hawak ang kamay niya, naglakad si Shannon patungo sa isang kuwarto kung saan nangyari ang krimen. Dry bloods were scattered everywhere, from the ceiling to the walls.

“God! Who would do this?” She said, horrified.

“Let’s find out who.” Ani ni Shannon.

“Okay. Let’s do it.” Aniya sa seryusong boses.

Shannon let go of her hand and let her do her job.

LAHAT ng ebidensiya na nalakap nila sa crime scene ay dinala nila sa Interpol Laboratory kung saan naabutan nila si Dr. Rodriguez na nagta-trabaho.

“Hey, Dr. Rodriguez.” Bati ni Shannon sa lalaki na abala sa pagtinging sa microscope.

Nagtaas nang tingin ang lalaki mula sa microscope at tinanguan si Shannon. “Hello to you too, Agent San Diego. Ano ang kailangan niyo rito sa laboratory ko?”

Ipinakita niya rito ang malaking ziplock na dala. “We’re here to examine these.”

Ibinalik ng Doctor ang tingin sa microscope. “Okay. Ilagay niyo lang diyan.”

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now