She felt like vomiting as her eyes settled on different internal organs and body parts.

“Bwesit, look at this.” Tawag niya sa pansin ni Shannon na abala sa pagkapa ng dingding at naghahanap ng secret door. “I think alam ko na kung nasaan ang mga nawawalang parte ng katawan ng mga biktima.”

Mabilis na lumapit sa kanya si Shannon at tiningnan ang laman ng freezer. Sinapo nito ang bibig at mukhang masusuka habang nakatingin sa mga putol na paa, baga, kidney, puso at iba’t-iba pang parte ng katawan.

“Mukhang inabandona ang bahay na ‘to pero may kuryente pa rin.” Anito at isinara ang freezer at nilapitan ang isa pang freezer. “We have to get a hold of this house billing statement. Malalaman natin doon kung sino ang may-ari ng bahay na ‘to. That will lead us to the killer.”

“Paano kung umuupa lang pala ang killer sa bahay na ‘to?”

Tumingin sa kanya si Shannon. “We will find out.”

Niyakap niya ang sarili ng makaramdam ng panlalamig. “Babalik muna ako sa sasakyan. May camera ako roon, kunan natin ito ng litrato bago tayo tumawag sa Forensic.”

Bakas sa mukha ni Shannon na hindi nito nagustuhan ang sinabi niya pero huminga ito ng malalim at lumapit sa kanya at hinawakan ang braso niya.

“Mag-ingat ka, okay? This house still creeps me out. May pakiramdam ako na pabalik-balik lang ang killer sa bahay na ‘to. Ayokong may mangyaring masama sa’yo.” Anito na titig na titig sa mukha niya.

She rolled her eyes. “Ano naman ang tingin mo sa akin? Imbalido? Bwesit, kaya kung protektahan ang sarili ko. So stop worrying about me. At kapag may nagtangka sa buhay ko, promise, sisigaw ako ng pagkalakas-lakas para marinig mo na nangangailangan ako ng tulong.”

Natatawang pinisil nito ang baba niya. “Alam ko na kaya mong protektahan ang sarili mo, pero hindi ko naman maiwasan na mag-alala sayo.”

Tiningnan niya ito sa mga mata. “Bakit ka ba nag-aalala sa akin. You just meet me two weeks ago. Wala naman akong ginawa para maging close tayo para mag-alala ka sa akin tulad ng pag-aalala mo ngayon. Why, Shannon? Why are you so worried about me?”

Nag-iwas ng tingin ang binata. “Basta, mag-ingat ka. Sumigaw ka kapag may nakita kang kahina-hinala.”

Hinawakan niya ang pisngi nito at pinilit ito na tumingin sa kanya. “Shannon, sagutin mo ako. Bakit ba ganoon nalang ang pag-aalala mo sa’kin?”

Hindi nga ito ang-iwas ng tingin pero tinalikuran naman siya. “Mag-ingat ka. Call me when you need me, okay?”

Masama na tingin ang ipinukol ni Sarah sa likod ni Shannon. Hmp! Sasagutin lang naman kung bakit nag-aalala ito para sa kanya, ang arte pa, ayaw sumagot! Nakakainis! Wala naman sigurong mawawala kung sumagot ito.

Nagma-martsang lumabas siya ng basement. Ang bwesit na lalaking yun! Nakakapanggigil!

Nang makalabas siya ng bahay, tinakbo niya ang destansiya patungo sa sasakyan niya. Binuksan niya ang driver seat at akmang bubuksan niya ang compartment para kunin doon ang camera ng may humawak sa braso niya at malakas na isinadlak siya sa upuan ng sasakyan pagkatapos ay mabilis na itinali nito ang kamay niya. Nagpumiglas siya sa pagkakahawak pero malakas ito at hindi siya makagalaw.

“Bitawan mo ako!” Sigaw niya. “Bastard! Let me go!”

“Silence!” He hissed.

Napamulagat siya. Lalaki ang boses nito. Ito ba ang killer? Sa isiping iyon, para siyang baliw na nagpupumiglas sa pagkakasadlak nito sa kanya sa upuan. Pilit din niyang sinisipa ang nasa likuran pero hindi ito maabot ng paa niya. Wala siyang magawa kung hindi ipikit ang mga mata at magdasal na sana may makakita sa kanya—

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Kde žijí příběhy. Začni objevovat