“Are you done?” Anito ng wala ng thow pillow na tumama rito.

Inirapan niya ito. “Hindi ako makikipagusap sayo hangga’t hindi ka nagdadamit.” Matigas niyang sabi.

Shannon chuckled then get up. “Oo na. Inaasar lang naman kita e. Magdadamit na po, kamahalan.”

“Good. Long sleeve at pantalon ang suotin mo. Ayokong may nakikita ni kaunti sa balat mo.”

Shannon gaped at her. “Baka naman gusto mo mag gloves at mag-medyas pa ako para wala kang makita na balat ko?”

“Sure. Mag-maskara ka na rin. Para wala talaga akong nakikitang bwesit.”

“Are you freaking serious?!”

Pinakawahan ni Sarah ang tawa na kanina pa niya pinipigilan. “Just kidding. Sige, magbihis ka na.”

Tiningnan siya ng masama ni Shannon at para itong bata na nagma-martsang iniwan siya sa sala. Napailing-iling nalang si Sarah sa inakto ng binata. Ang hilig mang-asar pero kapag ito naman ang inaasar, ang daling mapikon.

Tinanggal niya ang black high heel na suot at minasahe ang paa niya na nananakit. Kaya ayaw niyang nagsusuot ng high heel e! Sumasakit ang paa niya! Kung hindi lang ito kailangan, nunkang magsuot siya ng high heels! Ipinatong niya ang paa sa round table at hinintay na bumalik si Shannon.

“At home na at home ka ah. Nahiya naman ako.” Komento ni Shannon ng bumalik ito sa sala at nakita ang posisyon niya.

Inirapan niya ito at sumandal sa likod ng sofa. “Pakialam mo. E sa gusto kong ipatong ang paa ko. Sue me!”

Shannon shook his head in disbelief. “Ikaw na ang makapal ang mukha.” Anito at iniwan na naman siya sa sala.

“Hoy! Saan ka pupunta?” Sigaw niya rito.

“Stop shouting, kuting. Ikukuha lang kita ng maiinom!” Balik sigaw nito sa kanya.

“Okay! Makakain na rin kung mayroon. Nagugutom ako!”

Hindi sumagot si Shannon kaya hindi alam ni Sarah kung narinig siya nito. Pero mukha namang narinig nito ang sinabi niya dahil nang bumalik ito sa sala may dala itong tray na ang laman ay pineapple juice, three slices of different flavored cakes and then fried rice with bacon, hotdog and egg. Her mouth watered for a taste!

“Tira ko, hindi naman ito marumi kaya ipapakain ko ‘to sayo.” Anito.

Akmang aayos siya ng upo ng pigilan siya ni Shannon.

“Huwag kang gagalaw kung hindi, hindi ko ito ibibigay sayo.” Pananakot nito sa kanya.

At dahil nga pagkain ang pinaguusapan, sinunod niya ang bwesit na lalaking ‘to.

Shannon smiled when she listened to him. Umupo ito sa mahabang sofa at inilapag ang tray sa round table. “Good. Mabuti at nakinig ka.” Binuhat nito ang paa niya at ipinatong iyon sa hita nito.

“Anong ginagawa mo?” Gulat na tanong niya rito ng umpisahan nitong masahiin ang paa niya.

“I’m massaging your feet.” Sagot nito na parang wala lang ang ginagawa nito. “Ano ba sa tingin mo?”

“H-Hindi mo naman kailangang gawin yun.” Aagawin niya sana ang paa pero pinigilan siya nito. “S-Shannon, bitawan mo nga ang paa ko.” Nahihiyang aniya.

Maliban sa Mommy niya, wala pang nagmasahe sa paa niya, si Shannon palang. Nahihiya siya baka may-amoy ang paa niya. Sana naman walang amoy kasi mas dobling kahihiyan yun.

“Mamasahiin lang kita tapos uumpisahan na nating pag-aralan ang forensic report na iyan. Okay?” Nakangiting sabi ni Shannon habang nakatutok ang mata sa paa niya.

Falling for Shannon (Field Romance) [To Be Published]Where stories live. Discover now