Suminghap siya, I heard his hard, big footsteps at the back but I remained quiet.

"Lena," aniya ulit sa makulit na tono. "Kausapin mo naman ako."

Hindi pa rin ako umiimik, hindi na rin ako nagulat nang maagaw niya muli sa akin ang bag ko at mabilis na humawak sa siko ko.

"What are you doing, Jer?" my forehead creased.

"Kausapin mo kasi ako..." he whined like a kid.

"Hindi pa ba ako nakikipag-usap sa 'yo sa lagay na 'to?" my brows shot up.

"No, I mean, talking to me, calm. Hindi 'yong nagagalit ka sa akin," ngumuso siya.

"Am I mad? Mukha ba akong galit?" I flashed a smile at mas nangunot ang noo niya roon.

He licked his lower lip and cocked his head, ngumuso pa siya at nagulat ako nang pitikin niya ang noo ko.

"You!" I hissed quietly.

He tsk-ed and ruined my hair. "Don't give me that look, Leona, I want you smiling sincerely at me, okay?"

"Eh, sa ayoko nga, eh!" I groaned angrily and rolled my eyes. "E, bakit 'di ka na lang makisama sa mga babae mo roon sa itaas? They seemed to be very much attached to you!"

"I'm only attached to you," parang wala lang na sabi niya.

My throat went dry, mabilis akong umayos ng tayo. I fixed my skirt and before he saw my blushing cheeks ay kaagad akong tumalikod sa kanya.

"Harriet..." he whined.

Kinagat ko ang labi, dumiretso ako sa canteen at tahimik na naupo sa isang upuan doon.

Kaagad na sumalampak ng upo ang huli sa harapan ko. I saw him unbuttoning his suit kaya sinimangutan ko siya.

"Jer, bawal 'yan!" I whispered, warning him.

"What? It's hot..." he groaned and when he attempted removing it ay kaagad ko siyang sinipa sa ilalim ng lamesa.

"Ouch!" ngumiwi siya at tinignan ako. "Bakit na naman?" nguso pa niya sa 'kin.

"If the guidance sees you with that, ipapatawag ka na naman! Kagagaling mo pa lang doon, Ejercito! Ano, balak mo na bang tumira do'n?"

"Balak ko tumira sa bahay natin..." he said coolly.

Napaubo ako bigla, my eyes widened. I saw how his eyes screamed amusement kaya inirapan ko siya.

"H-h'wag mo akong igaya sa mga babae mo d'yan, Jer. Hindi tatalab sa akin 'yan..."

"Iba ka naman talaga," aniya. Napalingon ako sa kanya, I saw how he blinked at what he said and swiftly stood on his seat like he did not say anything.

"Anong kakainin mo? Bibilhan kita." His blue eyes stared at me.

"Kahit ano...uhm, h'wag na pala. I have to stay fit because my competition is coming." I said, doing my best just to stare back at his intense gaze.

"Okay, 'yong manok lang gusto mo?" pagbabalewala niya. "I'll also buy you cake and juice."

"Ejercito!" I called.

"Sige, libre na kita..." aniya at nakapamulsang naglakad doon sa gitna.

Nakamot ko ang ulo ko, sumulyap ako sa katawan ko at napailing.

Kaya ayoko minsan kasama ang lalaking 'to! He spoils me too much when it comes to food! Hindi kami namamasyal dalawa ng walang pagkain!

I caught him staring at the list of foods available, seryoso siyang nakatitig doon habang nakapamulsa.

Paper Planes (Sandejas Siblings: Companion Book)Where stories live. Discover now