“Shit.” Napakunot ang nooni Drigo, napatalon naman ang ilan sa malutong na mura ko. But I’m sure, hindi nila naintindihan ang sinasabi ko.

     Hindi sila nakakaintindi ng English. Make it simple. No, make it tagalog.

     Huminga ako ng malalim. Naisuklay ang mga daliri sa buhok. Napangiwi ng mahagip ng  daliri ko ang sugat ko sa noo.

     “Iyong mga damit ko. Iyong mga gamit na nasa kasuotan ko, nasaan po?"

     “Ang kakaiba mo kasuotan? Nilabhan sya ni Nanay Geneva.” sagot ni Trina. Hindi ko na pinansin ang salita 'kakaiba'.

      “Ito ang gamit mo Ineng.” Mula sa mahaba bestida dumukot sa gilid nya si Aling Geneva. I was so amazed, may bulsa pala ang bestida. Unconsiously kinapa ko iyong sa akin.

     The heck, ang lalim aba pwede na ilagay lahat ng gadget dito ah.

     Inilabas ni aling Geneva ang isang leather walllet, kulay itim iyon na isa kilalang brand ang tatak. Pati ang relos ay naandon din. Obviously sa akin ang mga iyon.

     Mabilis ko iyong kinuha. Naupo sa papag at binuksan ang wallet. Kumunot ang noo ko. Oo may mga I.D doon. Mga I.d.

     Shit ano to?

     Mga anim na i.d ang nakita ko sa wallet ko. Ibat-ibang propesyon sa ibat-ibang pangalan.

     The heck? Ano'to alin ang totoo dito?  At bakit ang dami ko I.d?

     Magkasalubong na magkasalubong  na magkasalubong  ang kilay ko. Unti-unti kumikirot ang ulo ko.

     Hanggang sa nakuha ko ang drivers license ko.

    
     Mary Rayette Digno ang nakasulat.

     “My name is Mary Rayette. Rayette Digno.” hindi ko alam kung bakit ang pangalan na ito ang nasabi ko. Pero malakas ang kutob ko na ito ang pangalan ko.

     Wala umimik o nagreact sa sinabi ko. Kaya inulit ko iyon sa tagalog.

     “Ang pangalan ko ay Rayette. Mary Rayette Digno.” Bumakas ang hindi pagkapaniwala sa mukha nila.

     “Anong klase panlunas iyan? Nalunasan nya kaagad ang sakit mo!” Disbelief was evident in Winona’s voice.

    Ha? Panlunas?

     Napakurap-kurap ako. Bigla napailing ng ma-gets ang ibig nya sabihin.

     “No. Shit." I sighed. "I mean...hindi. Hindi ito gamot o panlunas.  Ito ay I.D Identification Card. Dito nakasulat ang mga information… inpormasyon tungkol sa isang tao.”

     Nang hindi parin nawala ang pagtataka sa mga mukha nila. Nagtantrums na ang  sensible side ko.

     Anong klase mga tao sila. I.D lang di nila alam. Napapadyak pa.

     “Hindi bale na.” Kumamot ako sa kilay nang lalong tumulay doon ang kirot. Wala ako ako sa mood magpaliwanag ngayon. Lalong sumasakit ang ulo ko. “Ako si Mary Rayette. Rayette ang pangalan ko.” I said habang binabalik ang I.d sa loob ng wallet.

      “Rayette. Pati pangalan mo binibini ay kakaiba.” Si Pedro.

     “Mary Rayette.” Drigo said. Bakit ang lamyos pakinggan ng pangalan ko sa bibig nya? My flrty side purred na para bang gustong-gusto nya binabanggit ng binata ang pangalan ko.

     Muli naghinang ang mga mata namin ni Drigo. Time stand still.

      What the hell is happening to me? Oo may amnesia ako pero sigurado ako hindi pa ako nakaramdam ng ganito.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon