September 25, 201* 2:03 AM
"Hel—" hindi pa ko tapos sa pagsasalita nang sunod-sunod na magsalita yung nasa kabilang linya.
"Wag mo na kong itetext, magpapalit na ko ng number. Wag mo na ko ichachat magdedeactivate ako. Wag mo na ko tatagawan, wag mo na ko kakausapin." Mabilis na sabi ng kausap ko. Teka ano 'to? Naguguluhan ako. At inulit nya yung sinabi nya, eksaktong mga linya na tila ba kinabisado nya.
"A-ano? Teka sino ba 'to?" kahit na kinukutuban na ko kung sino ang kausap ko, parang ayaw tanggapin ng isip ko.
"Dj? Ikaw ba 'to?" damang-dama ko yung lakas ng tibok ng puso ko. Kilala ko 'tong boses na 'to, kilalang-kilala ko.
"Hulaan mo." Sagot nya at tumawa. Tangina, sya nga.
"Norlan?" nakakatawa siguro ako, kahit kilala ko na kung sino ang kinakausap ko nagawa ko pang magbanggit na parang hinuhulaan ito.
"Kaboses ko ba talaga sya?" natatawa nyang tanong.
"Dj. Bakit?" Sagot ko.
"Wag mo na kong itetext, magpapalit na ko ng number. Wag mo na ko ichachat magdedeactivate ako. Wag mo na ko tatagawan, wag mo na ko kakausapin." At inulit nya pa ito ng isa pang beses na parang gusto nyang ipasok ko sa isip ko ang bawat salitang binitiwan nya. Pigil na pigil ang paghinga ko at bumibigat na ang dibdib ko.
"Kung may gusto kang sabihin, diretsahin mo na." Matatag na sabi ko kahit na sa loob-loob ko, pakiramdam ko hihinto yung puso ko sa pagtibok. Parang alam ko na yung kasunod na linya, pero tangina ba't parang di ko ata kakayanin?
"Ayoko na." Parang bigla akong nabingi kahit malinaw na malinaw sa akin ang dalawang salitang binitawan nya, kasabay ng pagbitaw nya. Hindi ko alam kung paano ko papangalanan yung nararamdaman ko. Parang biglang hinugot yung puso ko sa loob sabay binitawan at nabasag.
"A-ano? Anong sabi mo?" tanong ko ulit. Nag-enjoy ka sa sinabi at gusto mo pa ulitin Cath?
"Ayoko na." Loud and clear puta.
"Bakit?"
"Pagod na ko." Wow. Tangina. Yun na yun? Pagod?
"Ikaw lang ba napapagod?"
"Tapusin na natin 'to."
"Ganun lang? Ganun lang yun?" tangina ganun lang yun!? Ganun lang kadali yun!? Ganun lang kadaling tapusin lahat ng pinagsamahan natin? Gusto ko mang idagdag pero pinili ko nalang kimkimin. Gusto kong palakpakan yung sarili ko sa pagiging mahinahon kahit durog na durog na ko sa loob, tangina pino eh. Pinong-pino.
"Bakit? Ano ba tayo? Diba wala namang tayo?"
"Oo nga." At dito nagtapos ang lahat.
YOU ARE READING
Untitled
RomanceRelationship with a nice person is like sugarcane. You break it; crush it; squeeze it; even beat or grind it; still you will get only sweetness - Anonymous Most Impressive Ranking #55 in Worth #60 in Lesson
