1

3.5K 51 3
                                    

Nandito ako ngayon sa may quadrangle sa labas ng building ng iba't ibang course, minsan nakakaboring din palang mag-aral eh. Yung tipong papasok ka sa loob ng school, uupo sa upuan habang hawak hawak ang libro at nagdidiscuss ang teacher sa harap. Kahit na maraming humahanga sayo hindi mo parin maiwasang mapaisip kong ano bang meron ka na wala naman sa iba. I don't usually consider myself lucky just because I have lot of supporters. For me I am just typical student. I want a simple yet contented life. 

"Tumabi ka nga diyan sa dinadaanan ko!" napasulyap ako dun sa sumigaw na babae, mukhang may kaaway ata. 

"Bakit ako tatabi? Bakit sayo ba ito?" muli mas napatitig pa ako sakanila dahil sa inasta nung isang babae. 

Hindi na bago ang ayaw sa eskwelahan namin kaya nga siguro sanay na sanay na akong makakita ng mga babaeng nagsasabunutan o nag-aaway o kung minsan ay mga lalaking nasusuntukan. Maybe, because I a modern society or generation being strong is important. 

"Unang-una hindi akin ito, pangalawa hindi rin sayo ito at pangatlo ang daan na ito ay para lang sa magaganda, so sabihin mo nga saakin anong karapatan mong dumaan dito? Bakit MAGANDA KABA?" napangiti ako sa hindi ko malamang dahilan, sino na siya? 

Hindi na nakapagsalita pa yung babae dahil sa sinabi nung isang babae kaya tuluyan na lamang itong tumakbo.

"Jane!" tawag nung isang babae dun sa kaninang nakikipagaway. So Jane pala ang pangalan niya base sa pangalan niya halatang may ibubuga. "So another victim huh!" mukhang alam na nung kasama niya yung nangyari kanina. 

Dahil hindi ako chismoso ay umalis nalang muna ako at tinungo ang cafeteria. Wala pa kasi yung mga barkada ko eh. Dahil mahal ko kayo at ayukong magisip kayo kung sino ako magpapakilala na ako.

Ako si JERON TENG o mas kilala sa tawag na ANG HEARTROB NG COURT hindi ko naman talaga gusto yang tawag nila saakin, kasi feeling ko iba ako sakanila na parang may special treatment ako. Oo mayaman kami pero hindi kami pinalaki ng mga magulang namin sa mga ganoong pag uugali na kahit mayaman kami lagi parin naming iniisip na sa mundo lahat ng tao pantay pantay. We will all die. 

"Ang lalim ng iniisip ah!" bungad agad saakin ni Raz, at agad ng umupo sa tabi ko habang nakaakbay. Agad kong tinaggal yun.

"Bading kaba?" pabiro kong tanong sakanya. Sabay sabay na kaming lumaki kaya nga kahit ano pa ang sabihin namin sa isa't isa walang napipikon.

"Baka ikaw diyan? Ewan ko ba kung bakit hanggang ngayon hindi ka nagkaka girlfriend!" heto nanaman po kami tungkol sa deskusyon na yan.

"Simple lang dahil hindi ko pa nahahanap ang tamang tao" alam ko medyo bakla pero yun ang totoo.

"Ewan ko sayo!" sabi nito at agad akong binatukan. "Tatanda ka nalang sa kakahintay mo diyan sa tamang tao mo" 

"Si Ram at Red nasaan?" tanong ko sakanyas

"Hindi ka pa ba sanay? Nambababae nanaman ang dalawang yun" sagot niya saakin. "Nga pala may training daw mamaya sabi ni Coach" paalala ni Raz saakin.

Because I am the captain of the Basketball team, I have a lot of responsibilities to do. Kaya naman pagkatapos naming kumain ay napagdesisyunan namin na hanapin sina Ram at Red.

Lakad dito, Lakad doon ..

"Ayun pala sila eh!" turo ni Raz. "Pero sino yung babae?" tanong niya muli saakin. Agad kaming lumapit upang tingnan pero maging ako nabigla. Nakikipagaway nanaman siya. 

"Kayong dalawang mokong tigil-tigilan niyo ako kung ayaw niyang masapak diyan! Tumigil nga kayo sa kakasunod saakin dahil hindi na ako natutuwa." babala niya doon sa dalawa.

Ang Maldita Kong Girlfriend (Jaron)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon