"Sorry kuya Luiz at Kyro"

Haaay naku Lord bigyan niyo ako ng sapat na pasensya para sa tatlong to.

"Sooo? Ano may lalake na pala akong stalker sa ngayon? Labas na at nagmumukha kayong tanga diyan sa likod ng locker"

"Ito kasing si Zaw eh di marunong mag dahan dahan eh" turo pa ni kyro

"Aba ang tibay mo ah ikaw nga tong mala megaphone magsalita eh, kung hindi kayo nagsalita ni kuya Luiz edi sana di tayo mapapansin" Singit pa ni zaw

"Galing ah nadamay mo pa ako diyan ah" sabi ni luiz na parang wala talagang alam

"Tigil na ang ingay ninyo nasaan si Josiah at bakit niyo ako sinusundan ng patago?" Tanong ko sa kanila

"Malalate daw si Josiah sabi niya sa akin" sabi ni kyro

"About dun sa kabaliwan namin, nakita ka kasi namin nila Zaw at Kyro na papunta sa cafeteria at di ka man lang nang alok or naghanap sa amin" kwento ni luiz

"Oo mukha ka ngang tanga dun sa cafeteria ehh habang kumakain ka parang iiyak ka nalang bigla" banat ni zaw

Sabay tumawa nalang silang tatlo ang bababaw ng kaligayahan talaga ng tatlong to.

"So ano saan na tayo ngayon?"

"Aba malay ko sa inyo 6:45 na mayroon nalang tayong 15 mins. Ano magagawa natin sa loob ng 15 mins.?" Sabi ni luiz

"Makipag bato bato pick tayo sa salamin hanggang sa manalo tayo or paghiwalayin natin ang ingridients sa 3in1 na coffee." ( Zaw )

Napatawa nalang bigla sila Luiz at Kyro. Ako? Tumawa nalang ako ng patago baka lumaki ulo nito kapag tumawa ako sa jokes niya eh delikado na eh. I mean nakakatawa naman jokes minsan ng kapatid kong to sadyang minsan kapag nakita niya akong tumawa aabuso na yan.

"Nice one Zaw but for real though? Ano magagawa natin sa loob ng 15... well 14 mins. Pala?" Tanong ni luiz

Ewan ko ba kung bakit nag sulputan tong mga to, binabawi ko na yung sinabe ko kanina

"We can wait for Josiah to come here at the gate" suggestion ni kyro

"Well pwede din so ano payag kayong dalawang magkapatid? Mainipin pa naman kayo." ( Luiz )

"Mas ok nalang siguro na mainip tayo kakahintay kay Josiah kesa naman sa tumunganga tayo dito" sabi ko

Generation WarWhere stories live. Discover now