"P-Pasensya ka na..." nasabi niya at ibinaba muna ang phone.

Nilingon siya nito. "Sorry for...?"

"H-Hindi ko pa rin kasi maalala. Hindi pa rin kita maalala..." pag-amin niya. "Kahit anong tingin ko sa pictures, I can't recall anything about y-you..." malungkot niyang wika.

"You don't have to be sorry. It's not your fault." Inabot nito ang isang pinggan ng mga prutas sa kanya. "Pagbalik natin ng Manila, pupunta tayo sa psychologist at psychiatrist para mapatignan ka. Maybe you'll have all your memories back eventually. Naalala mo naman si Johann at ang mga anak natin. That's a good start already."

Tumango siya. Iyon nga rin ang inaasahan niya. Itinaas niya ulit ang phone at tumingin pa ng ibang album sa phone nito.

Nang makita niya ang larawan ng mga anak ay agad na nangulila si Agatha. She excitedly scanned the whole album.

"Ang laki na ni Rade..." Ang naalala niya ay wala pang isang taong gulang ang bunso niya. "And Adam, too!" she exclaimed. Now, that explains why she keeps on lactating breastmilk. Kahit hindi naman na breastfed si Sasa. Because it was meant for Adam and Rade. May mga sanggol pa siyang anak.

"Yes, they are. Adam speaks a lot, too. Then, Rade loves music like you do."

"I miss them so much..." Nangilid ang luha sa mga mata niya. "How's Rainiel and Riana?" tanong niya kay Reeve.

"They're both excited to see you, again. They miss you so much."

Agatha looks forward to be with her children again. Nang nahulog siya sa bus noon, hindi niya akalain na makikita niya pa ulit ang mga ito. Gusto niya nang yakapin, halikan, at buhatin ang mga ito!

Hindi tinigilan ni Agatha ang pagtingin sa larawan ng mga anak. She's so engrossed in looking at their photos. Hindi niya na napansin na nakatitig sa kanya si Reeve.

Pag-angat niya ng tingin ay nagsalubong ang mga mata nila. His lips slowly curved into a very loving smile. Reeve stepped forward and reached for her cheek.

"I'm beyond happy that you're alive, sweetheart. And I can finally touch you, again. Nakaharap sa'yo, nakakausap ka... The past months had been a crazy hell without you," madamdaming saad nito. "Hindi ako naniniwalang wala ka na. Hindi ako kahit kailan naniwalang basta ka lang mawawala sa'min... sa'kin."

Napalunok siya sa sobrang emosyong ipinapakita nito.

Nakita niya ang pagngilid ng luha sa mga mata ng lalaki. Yumuko ito ng bahagya at hinaplos-haplos ang buhok niya. Nilayo niya ang ulo rito. Pinigilan niya namang gawin, ngunit kusa ang pagkilos ng katawan niya. Kanina pa gustong lumayo dito at hindi niya maintindihan.

Kung gaano siya hindi ka-komportable kay Niel ay mas pa kay Reeve. At iyon ang hindi lalong mainitindihan ni Agatha.

Reeve can give her all the proofs that she's his wife. And she believes him. Pero katulad ng tanong niya sa sarili kanina, bakit hindi siya makaramdam ng mas malalim na koneksyon dito?

"Puwede ba 'kong magtanong?" mahinhin niyang sabi rito.

Lumayo na si Reeve sa kanya. Umupo ito sa tabi ng paanan ng kama. "You can ask me anything, sweetheart."

Sweetheart. So, he's the one calling her that. Kahit papaano ay may naaalala pala siya sa... asawa.

"B-Bago ang aksidente, may pinag-awayan ba tayo o problema? Hindi ba tayo magkasundo?"

Iniisip niya na baka kaya kulang ang nadarama niya ritong koneksyon ay dahil hindi maganda ang relasyon nila?

Kumunot ang noo nito. Tila nag-isip.

Man and Wife (Wifely Duties 2) - Published by PHRWhere stories live. Discover now