MAHAL KITA! (One Shot)

1.8K 39 14
  • Dedicated to Kim Revilloza
                                    

My first ever One Shot story :))

Enjoy~

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

 Matagal nang nanliligaw si Xander kay Kim pero hindi pa rin ito sinasagot nang dalaga dahil hindi pa siya sigurado sa nararamdaman nya para dito. Gwapo, mabait, mapagmahal, matalino, at mayaman si Xander na halos lahat nang hinahanap ng mga babae sa isang lalaki ay nasa binata na. Ganun din si Kim, ang pinagkaiba nga lang ay hindi mayaman ang pamilya nito katulad nang sa pamilya ni Xander.

 Nakasanayan na ni Kim na araw araw nagpapadala nang bulaklak at laging nag tetext sa kanya si Xander. Hanggang isang araw ay ni isang text ay wala siyang natnggap mula dito

"Bakit kaya ni isang text ay wala akong natanggap mula kay Xander? Ano kayang nangyari dun? Baka naman busy? Pero kahit naman busy yun gumagawa naman ng paraan yun para matext lang ako. Baka naman mamaya siya magtetext? Hmp! bahala na nga siya baka mamaya pa magtext sakin yun'' sabi ni Kim sa isip niya. 

Lingid sa kaalaman niya ay naaksidente si Xander. Papunta na sana ito sa kanyang opisina ng mawalan ng preno ang sasakyan nito at nabangga sa isang poste. Nakita iyon ng mga tao kaya agad nilang sinaklolohan si Xander at tumawag ng ambulansya. Habang ginagamot si Xander ay nakuha ng isang nurse ang cellphone ni xander at tinawagan ang number ng mommy ni xander na si mommy mary anne, nagkataon namang magkasama sila ni kim nun dahil meron silang meeting

ringgg! ringg! ringg!

''hello'' sagot ni mary anne 

''hello is this mary anne lim?'' tanong ng nurse

''opo ako nga ho bakit nasayo ang cellphone ng anak ko? at sino ka?'' tanong ni mary anne sa kausap nya

''gusto ko lang pong sabihin sa inyo na nasa ospital po si mr. xander lim, ako po yung nurse nyang si jane'' magalang na sabi ng nurse na nagngangalang jane 

''ano! bakit? paano? asan sya? asan ang anak ko?'' halos hindi mapakaling tanong ni mary anne sa nurse na kausap nya 

''naaksidente po sya kanina nawalan daw po ng preno ang sasakyan nya, nandito po sya sa emergency room ng st. lukes medical center'' sabi nung nurse 

''sige salamat papunta na kami dyan'' sabi ni mary anne at binaba ang cellphone nya 

''tita bakit po? ano pong meron?'' tanong ni kim sa kanyang tita mary ann

''si xander daw naaksidente nawalan daw ng preno yung sasakyan nya'' natatarantang sabi ni mary anne kay kim 

''po! asan na daw po si xander?'' natatarantang tanong ni kim kay mary anne 

''nasa emergency room daw st. lukes hospital daw si xander, halika ka na puntahan na natin'' nagmamadaling sabi ni mary anne kay kim saka naglakad papuntang parking lot at sinundan naman ni kim ang kanyang tita mary anne 

habang nasa sasakyan sila ay panay ang dasal ni kim at mary anne, hanggang sa makarating na sila sa ospital at dumiretso sa emergency room ng ospital 

nakita nila na naghihintay sa kanila ang nurse na tumawag sa kanila 

''nurse asan na ang anak ko? kamusta na sya?'' nagaalalang tanong ni mary anne sa nurse 

''hanggang ngayon po ay nasa loob parin po ng emergency room ang anak nyo po, kasalukuyan pa po syang ginagamot'' ''sige po mauna na po ako, ito nga po pala yung phone ni mr. lim'' sabi ng nurse at saka umalis

''sige maraming salamat'' pasasalamat ni mary anne sa nurse 

mga ilang oras din silang naghintay ng lumabas ag doktor mula sa emergency room 

''doc. kamusta na po ang anak ko kamusta na po si xander'' bungad na tanong ni mary anne sa doktor ni xian

''medyo okey na po sya ngayon pero hanggang ngayon po ay unconcious parin ho ang anak nyo dahil sa pagkakabagok ng ulo nito, pero minomonitor pa po namin ang lagay nya, mamaya ay ililipat na sya sa isang private room'' sabi ng doktor 

''pwede ko po bang makita ang anak ko?'' tanong ni mary ann sa doctor 

''sige ho'' sabi naman ng doctor

maya maya ay nilipat na si xander sa isang private room, nagbabantay si mary anne sa anak ng pumasok si kim sa kwarto galing kasi sya sa church ng simbahan upang ipagdasal ang kaligtasan ni xander 

''tita kamusta na po si xander?'' tanong ni kim kay mary anne 

''eto, unconcious parin, kim hija can you do me a favor?'' tanong ni mary anne kay kim 

''sige po ano po yun?'' sabi ni kim 

''pwede mo bang bantayan sandali si xander? kukuha lang ako ng mga damit nya sa bahay, at bibili narin ako ng makakain'' tanong mary anne kay kim 

''sige po, ako po muna bahala kay xander'' sabi ni kim kay mary anne 

''sige mauna na ako, sandali lang ako, magiingat kayo ha'' pagpapaalam ni mary anne kay kim saka lumabas 

''sige po, kayo rin po magiingat rin po kayo'' sabi ni kim 

nang makaalis si mary anne ay pinag masdan mabuti ni kim ang gwapong mukha ni xander 

''huy xander gumising ka nga dyan!, alam mo bang pinakaba mo ako sa ginawa mo!'' pilit na ginigising ni kim si xander sabay tulo ng luha sa mga mata nya

''uy xander gumising ka nga dyan!... alam mo ba xander na realize ko na hindi ko kayang mawala ka, narealize ko na kaya pala kitang mahalin kasi hindi ka naman mahirap mahalin e napakabuti mong tao, napaka bait mo''sabi ni kim kay xander na unconcious parin na tumutulo parin ang mga luha sa mga mata. ''alam mo kaya hindi kita masagot dahil hindi ko pa kaya, hindi ko kayang masaktan, pero alam mo na realize ko na hindi mo ako kayang saktan dahil mahal na mahal mo ako xander mahal na mahal kaya narealize ko na MAHAL KITA! xander mahal na mahal kita xander kaya pls magpagaling ka ha'' sabi ni kim ng umiiyak, tumayo si kim upang kumuha ng tubig ng may humawak sa kamay nya 

''Xander!! salamat sa diyos at gising kana!'' sabi ni kim sabay yakap kay xander, niyakap din naman sya ni xander

''mahal mo rin pala ako e'' sabi ni xander ng maghiwalay sila ni kim sa pagkakayakap 

''oo xander MAHAL KITA mahal na mahal'' sabi ni kim kay xander sabay halik sa mga labi nito 

''mahal na mahal din kita kim sobra, sobra sobra kitang mahal'' sabi ni xander ng magkahiwalay ang mga labi nila ni kim at muling hinalikan si kim 

''so ibig sabihin tayo na?''tanong ni xander kay kim ng magkahiwalay ang kanilang mga labi 

''bakit ayaw mo ba?'' pilyang tanong ni kim kay xander 

''syempre gusto ko, gustong gusto ko'' sabay yakap kay kim ''pangako ko sayo kim, hinding hindi mo pagsisisihan na sinagot mo ako, hinding hindi kita sasaktan,  at higit sa lahat mamahalin kita habang buhay, i love you kim, mahal na mahal kita yan ang tandaan mo'' makahulugang sabi ni xander kay kim habang yakap yakap ito 

''mahal na mahal din kita xander, mamahalin din kita habang buhay'' sabi ni kim kay xander

....END....

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

NAGUSTUHAN NYO PO BA? 

MAGANDA PO BA? 

ANO PONG MASASABI NYO SA AKING BAGONG KWENTO? 

PLS VOTE, LIKE AND BE A FAN 

PLS MAG COMMENT PO KAYO KUNG NAGUSTUHAN NYO PO ANG AKING BAGONG STORYA MALAKING TULONG NAPO SAKIN YUN UPANG MAS LALO PO AKONG GANAHANG MAGSULAT NG MGA KWENTO

MAHAL KITA! (One Shot)Where stories live. Discover now