chapter 1: unang tagpo

193 0 0
                                        

hindi ko alam ang gagawin sa tuwing nakikita kita....

tuwing ika'y nakikitang nakangiti abot hanggang langit ang tuwa ko..

masilayan lamang ang angkin mong kagandahan sa araw araw ay ayos na ayos na ang umagahan at pananghalian ko..

bakit sa dinami daming tao sa mundo sayo pa ako nahulog?!

ano ba ang meron ka na wala sa mga kalalakehan? oo babae ako pero sa babae din ako na in love ng ganito ka tinde...

sa tuwing naririnig ko lamang ang pangalan at bosses mo akoy parang nasa alapaap..

"oi!! oi!! kasandra! ahon! naka nganga ka na naman diyan! laway mo tumutulo oh!"

habang sinisiko ako ni lourie at naka tingin ng masama sa akin..

si lourie ang kaibigan kong panira moment.. parang hindi babae parang bakla kung magsalita at kumilos..

"wala namang ganyanan lourie! hindi naman ako naglalaway ano ka bah!"

habang siniko ko siya bilang gante.. :)

"hahahaha"

ang lakas ng tawa niya parang hindi nga babae.

"hay naku! kasandra marie alcantara.. bakit mo kase pinagpapantasiyahan yang si joey? isa pa pareho kayung girl.. ako na lang ang gayahin mo.. sa mga gwapong lalake lang naka dikit ang magaganda kong mga mata.."

habang napapacute at may patwinkle twinkle pa ng mata..

^___^

"eh... wala akong magagawa eh.. sa kanya ako tinamaan ng ganito ka tinde.. "

napakibit balikat na lang ako..

natatanaw ko si Joey Clear Santos sa kinauupuan namin ni lourie.. maganda siya lalo na yung dimple niyang ang cute cute.. at ang mga chinita niyang mga mata... ang mala porsela niyang kutis na parang naligo sa dagat ng freshmik.

maraming naghahabol sa kanya mapalalake man o babae pero lahat hindi niya pinapansin, magaling na drummer siya sa isang banda sa school namin.. minsan ko na rin siyang nakitang humahawak ng guitara at tumugtug ng isang awitin...

"hay... grabe bakit sa kanya lang ako nakadama ng ganto? abnormal ba ako my friend?"

napatingin ako kay lourie na abalang kumakaen ng sandwich

"ay anu ba yan my friend! i'm sure hindi ka niya magugustohan habang buhay.. parang hindi naman ata yan pumapatol sa kapwa babae.. eh"

napabuntong hininga naman ako dahil sa sinabi niyang yun...

"diba friend.. maganda naman ako?"

"oh namen!"

pasigaw na sagot ni lourie habang puno ang bunganga sa kinaen niyang sandwich..

"maputi naman ako.. at higit sa lahat may katawan na mala toni gonzaga.."

"oh namen!"

"oh! tapos kana? hali ka na't malelate na tayo sa klassy tapos na ang recess oh.. hindi kapa nagmerienda at kanina pa nagbell "

nakatayo na ito at tumitingin na sa akin at sa wrestwatch niya na parang wall clock ang lake..

"kahit kailan friend panira moment ka naman diyan.. sige sige eto na oh! tatayo na ako!"

padabog kong sabi sa kanya..

habang siya naman ay naka ngiti...

Dahil sa late na kami ni lourie.. nagmamadali kaming naglakad papunta sa class room namin.. at sa hinding inaasahan na pang yayare ay nagkabonggoan kami ni Joey! parang nagslowmo ang mga pangyayare lumipad sa ere ang mga bitbit niyang mga papel na ang nilalaman naman nito ay mga ibat ibang lyrics ng kanta.. pareho kaming natumba pero dun sa posesion naming yun ako napako.. dahil pumaibabaw ako at siya naman ang pumailalim.. nagtama ang mga mata namin at para akong maiihi sa kaba.. tumingin siya sa akin na parang nagtatanong....

when love strikeWhere stories live. Discover now